24.5.13

Stargazing with Muafy




June 11, 2008
11:20 ng gabi

   

     Parang kahapon lang. Di ko lubos maisip na siyam na buwan na din pala. Siyam na buwan din tayong nakipagduwelo sa walang humpay na bolahan. Lokohan. Ambilis talaga.


    Nilasing tayong maigi ng ideyang ang lahat ay pang-habambuhay. Uma-umaga tayong nagigising na magkadait ang mga pisngi, iisa ang mga katawan, akala natin gabi-gabi’y di na tayo sisikatan ng araw. Ang mga nangyayari sa ‘tin noon sa buong maghapon ay parang unang beses. ‘Ni hindi sumagi sa isip natin noon ang pwedeng mangyari sa kasalukuyan.

    Marahil nga’y napakaaga nating tinahak ang landas ng pamamaalam. Paano’y naging maaga rin kasi ang pagbibilang natin ng mga bituin sa gabi. Ang gusto mo sana’y dugtungan ko ang papel na listahan mo ng mga pangarap na hindi rin naman matutupad. Subalit kay hirap iindak ng buo kong sistema sa walang patid na sayawan sa kalawakan.

    Ngayon aaminin ko na ang totoo. Na ang matang nasilayan mo noon ay naiwan lang dahil sa pagtitimpi. Lumaban lang para patunayang hindi ako ang sinasaad ng mga husga mo. Nanatili lang dahil nagtitiis. Kahit itinatanggi ang sakit. Kahit nagkukunwari.

    Pinilit kong intindihin ang lahat-lahat pero ayaw kitang  umasa. Sa maniwala ka’t sa hindi…ginawa ko ang lahat. Lahat ng paraang alam ko para panatilihin ang kislap ng bukod tanging istar na walang pagod nating tinitingala.







 
     Kaya patawad kung  sa pag-ilanlang mo ay kagyat lang akong tatangis. Alam kong hindi ka naging maramot sa pagbibilang ng  ponyetang mga istar na iyan!!
  


    Di ko din alam kung may darating pa sa akin na hindi man higit sa iyo ay kasing sugid mo namang tumanghod sa kalangitan habang katabi ako. Yung taong magpapadama man lang sa akin ng halaga ko.

    Kaya muli, patawad..kung sa aking pagdaan ay madatnan kitang nag-iisa. Naghihintay sa muli nating pagmamasid, pagbabaka-sakaling may matatangnang bulalakaw.  Mag-isang titingala sa madilim na panginorin at mag-aabang ng nagbabagang asteroyd na tatapunan mo ng kahilingan. Solong magbubuhol ng panyong puti bago ang pabagsak na tala'y tuluyang lumapag sa lupa.








 

Oo nga pala..patawarin mo uli ako..dahil hindi na tulad ng dati ang hihilingin ko.




"Hindi ko na kayang bumalik. Masyado nang malalim itong gabi. Mas malalim pa sa mga sugat ng siyam na buwang nagalusan mo ako."




                                      





Most Annoying FB Friend Award


     The annual search for Tagapagkilaw's "Most Annoying FB Friend Award" is on. Sila yung nakakapangulo ng dugo mo isang perpektong umaga habang nagpi-facebook ka't akala mo'y napanagumpayan mo na ang pinakamatinding problema sa mundo. Sa oras na maapektuhan ninuman sa kanila ang iyong sistema, ibig sabihin ay ganap kang ginapi nito ng walang kalaban-laban. Hanggang sa umabot ka sa puntong tatlong pamilian na lang ang meron ka: A.) tiisin sila, B.) i-unfriend mo sila, or C.) boluntaryo kang matunaw sa harap ng PC mo.





       Sino ang mga maaaring inomina?


      The Superstars. Yung mga self-centered sa friend list mong ginagawang private diary ang timeline nila. Kabisado mo kung pang-ilang araw na ng mens nila today. Isa sila sa mga nagpost ng daliring may tinta noong nakaraang eleksyon, na ginamit pang profile pic pati sa Instagram ang kuhang iyon. Bago nila kainin ang isang pagkain, kahit hilong-hilo na sa gutom ang mga kasama nila ay dapat kunan muna yun ng litrato para maibandera sa FB. Mahilig sila sa scoop at ipamumudmod nila lahat ng gusto nilang sabihin kahit mga sikretong di na dapat makarating sa public. Issues minsan na wala silang kinalaman at kusang tumatago, pilit babasagin para mapag-usapan sila. Lahat ng uri ng feelings iha-highlight kahit hindi naman interesado ang taong malaman 'yon. Basta "IN", di pwedeng di nila maexperience. Hashtag ThrowbackMonday, hashtag FlashbackTuesday. Kahit minsan mali na ang usage. Kahit labas na sa tema't okasyon. Pag wala silang masabi ipo-post na lang: "Hmm.."


      The Barbers. Yung mga paandar mong friends sa facebook na ayaw pakabog. Nakakita lang ng bet na sapatos kahit hindi naman talaga binili't sinukat lang sa shoe store e pipikchuran at ipagyayabang sa lahat ng social networking sites na meron silang account. Nagpapa-inggit sa mga fb friends pero antutoo, Diyos lamang at sila ang nakakaalam na hindi nila talaga 'yun nakamtan sa totoong buhay dahil hindi nila afford. Press release lang. Para magkaroon ng market value. Para may mapangalembang sa kampanang kathang-isip lang. Panay inggles sa status. Pa-conio at pa-intimidating pero antutoo nabasa lang sa status ng iba, at dahil tunog-maganda sa tenga ay iso-sotto kara-karaka sa sariling timeline na walang pagkukumpirma kung kaninong orihinal na ideya ang nakaisip nun. Masabi lang.



      The Look Alikes. Yung poserong nasa friend list mong may koleksyon ng mga grabbed pics sa taong iniistalk n'ya or gusto n'ya maging in real life. Hindi pa n'ya ina-add pero naka-block na agad yung totoong may-ari ng mukhang ninakaw, damay hanggang 3rd degree of consanguinity at mga taong may connect dun para hindi mabuko. May schedule ang pag-upload n'ya ng pic para magmukhang madalas may update sa account. Usually sa malaysia, thailand or vietnam ang point of origin ng mga taong dinuduplicate n'ya. Sila yung pwede magma-angas kasi mukha na silang may sinasabi sa itsura. Mabilis sila makilala kasi ang arte ng mga pekeng pangalan nila. Unlike sa ating mga goodlooking na hindi masyado maramdaman sa crowd kasi nga humble tayo at rare to find, sila yung mga easy-to-get at laging in-circulation kesehodang taguan mo pa. Bago sa huli, papalitan n'ya ang pekeng identity ng totoong pagkatao n'ya. Kakapal ng kalyo sa mukha. Sa personal kung hindi chabelita, maiitim ang singit, batok at sira ang mga ngipin ng mga 'yan.





      The Pedants. Yung buma-vice ganda sa friend list mong di makausap ng matino (katulad ng idolo nilang mapagmaganda, naturingang salamin ang first role n'ya sa tv), dahil feeling nila bagay sa itsura nilang mamilosopo. [Kape-kape din, aba!]




      The Givers. Yung mga dakilang likers sa friend list mo na hindi makapagbukas ng mga sariling timeline nila dahil sa news feed nagbababad. Hindi na nila maexpress ng maayos ang mga sarili nila dahil bago nila ipost sa wall nila, nabasa na nila ang parehas na feeling sa status ng iba. Pag may nagbabangayan sa facebook, ila-like nila yung mga comments at pataasan ng ihe ng magkabilang kampo para lalo itong magsabong. Sabi nga, ang status ng pangit kahit ganu ka-witty at idealistic ang post, lalangawin. Pero ang cute magpost lang ng "mainit.." dudumugin agad ng likes, may mga side-comments pa.  Lahat ng events sa buhay ng crush nila gusto ila-like. Few seconds fresh pa lang yung post, 'ni hindi man lang binasa kung suicide note ba yung naka-post o hindi, ila-like. Basta makakita lang ng LiKE button, iki-click. Favorite hub tuloy ng virus ang mga pc nila.



      The Receivers. Yung mga mahilig manghingi ng likes sa friend list mo. Yung mga usually hindi mo ka-close o kakilala pero kung umasta kala mo may mga patago sayong utang na loob. Nananahimik kang naglalaro ng 4 pics 1 word tas gugulatin ka ng gm sa chatbox. Mga gusto palabasin sa mundong effective yung quotes nila o yung narciso pics nila, dahil lagpas 20 likes daw ang nasolicit nila. Usually n'yan gantihan, pag ni-like n'ya ang isang post mo hihingi din s'ya sa'yo ng like para quits. Asungot. Papanggap pang nagku-contest daw sila ni pinsang ganire at nagpaparamihan sila ng likes kase may consequence na ganyan. [agree? pa-LiKE?!]






      The Shockers. Yung pakontrobersyal na page admin ng isang facebook page na ni-like mo dahil nauto ka ng fb friend mo na kabilang sa angkan ng The Receivers. Anong napapala ng mga admins na 'to sa pagpo-post ng mga pictures na nagbubunyag sa identities ng mga bangkay, ng mga may malalang sakit at ng mga gumagawa ng katarantaduhan sa net? Minsan nananakot pa na pag hindi ka nag-like o nag-comment ng salitang "Amen" (for example) sa bawat litratong nabuksan mo e mangyayari sa'yo o sa isa sa mga kapamilya mo 'yung nakikita mo ngayon sa picture. Malakas ang loob magkwento kahit hindi nila kakilala yung pinag-uusapan. Mga paandar. Pag sila naman ang magtrending negatively, wala bang mga kamag-anak ang mag-aalala para sa kanila?




      The Idols. Yung anti-minimalist sa friend list mong araw-araw naga-add ng isanlibo para makagawa ng next new account. Maglalagay ng FULL sa name, minsan uno-dos-tes, para kunware legal na gusto sya't dinumog lang basta ng friend invites at fans. No wonder buwan-buwan din suspended ang accounts n'yang yun dahil sa paga-add ng mga hindi kilala. Mami-meet nya pa lang next year, last year n'ya pa friend sa fb. Sirit ka na kung san kinuha mga rekruts nya? Hindi ko sasabihin. Pero pag pinilit mo ko, sasabihin kong sa friend list mo!




      The Sexual Predators. Yung manyak sa friend list mong puputaktihin ka ng compliments sa umpisa. Pag na-offend mo dahil sinaway s'ya sa pag-aaya ng seb, sisiraan ka't magsa-sour graping sayo. Walang age limit at gender ang classification nito basta gutom sa booking, qualified. Usually night shift sila kumakana, panay nood ng porn tas pag umepek na si Larry Long, icha-chat ka na ng "c2c?" At first hihingan ka ng number. Hihingan ka ng FS. Tas hihingan ka ng mas revealing na pose sa pic. Ikaw si gagu kala mo friendly lang ibibigay mo. E sa narcisco ka din, magpapabola ka naman para sa FS. Then after months hihinge na naman  sa'yo ng number, ng fs at ng daring na pic? Haha. Nakalimutan n'ya nahingan ka na pala n'ya at hindi lang talaga s'ya nagsi-save sa phone n'ya ng mga napakinabangan na.




      The Juniors. Yung bagets sa friend list mong naka-18 yrs old sa profile pero nagbibaby-talk pa pala't mga supot pa. Mga PP ng anime ang gamit, minsan pic ni KimChiu. Sila yung first-timers sa fb world, salamat sa kupit kay nanay at nakapag-1 and a half hour s'yang renta today sa kompyuteran. Ginagawa n'yang chatbox ang normal mong status update at pics. Tinatadtad ka ng senseless jeje msgs na di mo sure kung pakwela lang, nagsisimula na lumande, o nagpapakita na ng senyales ng pagladlad. Puro videos ng jologs na rappers ang nasa wall nila, minsan mga vague love quotes na sila mismo di naiintindihan. Basta pumasok kayo sa parehong school kahit ilang siglo ang pagitan ng batch n'yo, iaadd ka n'yan.. na kala bestfriends kayo. At ang favorite pose sa unang picture? Kung hindi kamay na naka-heart shape, naka-duck face, naka-japan japan tas yung bibig pinapalobo bahagya. Then there will be more wild poses to come. Nakita n'yo ba yung neneng nagpose before eating her first-ever magnum ice cream? (naka-zoom in din pati resibo) Tangina. :)




      The Lost Souls. Yung basura sa friend list mong 'ni walang pictures, walang posts at 2008 pa last nag-online.




      The Dream Girls. Yung beking nasa friend list mong feeling artista. Yung mga pinagpipilitang in demand sa mundo dahil kuno sa yaman, prestige at ganda. Dapat ipinagkakalat ang pagbasted sa mga pinaniniwalaan n'yang patay na patay daw sa kanya? Haysus. Maaari ba?! [pweh!]





      The Avatars. Yung mga narcistic sa friend list mong nagmuka nang anime in 3D kaeedit ng pictures n'ya. Di mo ma-gets ba't pilit pinapa-fade ang resolution ng kuha may mga artificial kulors pa sa mata. Ayos na sana kung imperfections lang ang iko-correct e lahat na ata, sana buong picture na lang ang pinalitan nahiya pa. At sana kung mage-edit na din lang ay marunong na, para di mukhang lutong-luto ang itsura. Edita ang mamaeng walang pahinga.






      The Passion Mowdels. Yung mga astang pokpok at dudung sa friend list mong panay-pakita ng balat sa fishurs. Akala mo yung mga babaeng tuma-tumbling tumbling sa livejasmine.com at panay wakwak sa binhi ng buhay. Hala sige, liyad, alog, bukaka, show off! Candid shot lang dapat, may-I reveal pa din ng boobs si lilybeth. So proud! O di kaya yung mga ginuong panay flex ng maskels at masyadong magive-away. Nahihiya magpa-kodak nang nakadamit.  FB lang binuksan mo kala mo naligaw ka sa pornsite. Pero ayaw nang nababastos sila. Silang mga may shots from chest to lower extremities ng katawan, minsan nagtatakip 'yan ng mga props like unan or kurtina  para may surprise sa itsura ng putotoy at pechay nila, mga naka-tiger look pa. Grabeng effort magpaka-manly si kuya. Alam na. [booking tonight? yor fleys, my fleys?]





      The Role-Mowdels. Yung kastigador sa friend list mong walang ibang happiness kundi mamuna. Mga gumagawa ng reputasyong maprinsipyo daw sila. Panay post ng mga ayaw at ayaw nila sa buhay. Yun pala nagko-contradict na yung mga opinyon nila last week, last month at last year. Mga pa-self righteous ang mga puta.





      The Oppositions. Yung mga attention-thirsty sa friend list mong ginagawang face2face forum ang mga thread ng kahit anong posts. Puro sourgraping puro pa-haging. Puro pakunwaring "once and for all i'll comment into this". Mga tanga-tangahan kunwari slight lang affected kase may happy at contented life naman daw sila. Ba't di mo sasabihang bitter e 3013 na yun pa din issues nila? Maayos ba ang gusot pag magparinig sa wall? Artista ka?! Artista ka?!







        Huwag pagapi!! Exercise your right to vote. Lumaya. Maging malaya.
        Sino ang unang liligwakin?! Kaninong FB Friend ka pinaka-naaalibadbaran?!



10.5.13

Red Ribbon ®





      Last December 1, 2012 pa ipinalabas ang kontrobersyal na episode ng MMK na pinamagatang "Pulang Laso" sa ABS-CBN Channel 2 starring Joem Bascon and Carlo Aquino. Matagal ko ding hinanap ang full video nito sa internet. Naabutan ko pa ang first ten minutes ng palabas pero aligaga na ako noon dahil may shift pa kasi ako that night. Salamat kay acebryancalaguas at kay pinokyopinoyako ng youtube.

      Inabangan din ang episode na ito ng mga ka-vicki-han at ng buong bayan. Umani ng magagandang reviews ang palabas ngunit hindi din nawala ang pagsulputan ng mga panghuhusga ng may makikitid na pag-uutak. Kudos sa show sa pagpapalabas ng kwentong ito dahil hindi lang nila naipromote ang World Aids Day kundi kinurot din nila ang kamalayan ng pamilyang pinoy na marahil ay may isang mahal sa buhay na maaaring nakaka-relate din sa parehong sitwasyon. Kudos kay Mareng Charo dahil bihira na lang s'ya sumulpot ngayon sa palabas habang hawak ang stationery na pinagkopyahan lang ng orihinal na sulat ng letter sender. Payo mula sa isang masugid na tagasubaybay, sana makabili na s'ya ng sariling computer para doon na lang niya direktang basahin ang mga kwentong-buhay na natatanggap nila every Saturday. Bilang Presidente naman s'ya ng Kapamilya Network. (Note: May laptop na s'yang katabi lagi ngayon sa lamesita pero hula ko ay hindi sa kanya iyon. Parang pinalagay lang. Nanghiram na din ay sana tinanong na ang password, di ba?)

      Sana maenjoy n'yo din ang kwento nila Kevin at Alan, kung paano pinahagulgol nito ang kaibigan kong si Honeylette Mikaela Payagpag Jr. At para mas conducive sa pag-eemo, i-play na din ang senting "Ikaw at Ako" ni  Johnoy Danao.


     --No, these are not tears in my eye. They're just allergies.



"Isa lang ang buhay natin, samantalahin ang oportunidad na mabuhay tayo nang mahaba at masaya upang makapaglingkod at maging biyaya tayo ng mas matagal sa lahat ng mga mahal natin sa buhay." 




9.5.13

haranguing your most beloved comedian




      Hindi ako die-hard fan ni Vice Ganda. Magaling s'ya at malawak ang bumibilang sa milyun-milyong fan base n'ya. Kahit sabihin na wala akong originality at minsan nagtutunog-ginaya lang sa kanya ang paraan ng pambabasag ko at mga komento, hindi ko aaminin na follower n'ya ako, o na naapektuhan ako in some ways ng mga wits at prinsipyo n'ya.

      Hindi ko sinasabing magaling ako kumpara sa katulad niyang sikat. Hindi ko sinasabing dapat bigyan ako ng kredito sa kung pano ako mag-isip, dahil kaparehas ng mga iniisip ko ang minsang mga naisip na n'ya. Hindi lang kasi tamang sabihin na sa kanya nagmula ang mga biro at jokes na hindi lang palasak na ginagamit ko kundi pati na rin ng lahat ng mga tao ngayon sa lipunan. Na pag namilosopo, ginaya na agad si Vice Ganda.



      Basta hindi ko ibinabase sa kanya ang packaging ko bilang tao sa aspeto ng katabilan. Maaaring tulad ng sa kanya ang approach sa pagbibiro ng mga tao ngayon, pero yung sabihing ginaya at i-label na s'ya ang nagsimula ng pambabakla ng tanong at sagot? Hindi dapat. Bago pa dumating ang personalidad na ito sa showbiz ay panahon pa ng mga Kastila nagkaroon ng mga lantarang-binabae sa Pilipinas. Isa s'yang bading. Pero hindi s'ya ang pinaggayahan ng pagiging bading sa bansa. Hindi ibig sabihin na dahil isa s'ya sa kakaunti lang na baklang sumikat at naka-penetrate sa telebisyon e s'ya na ang flagship pagdating sa direktang panlilibak ng kapwa na tinatawag din nating "pang-ookray".


      Naturalesa sa mga binabae ang pagiging magaling mamuna at masining sa pagbabaliktad ng insekyuridad para magkaroon ng kahinaan ang isang taong kinaiinggitan. Pero dati pa natutunan ng sangkabaklaan ang mga banat na ganito. May mga mas matalino pa sa kanya ng sampung ulit. Mas mabilis mag-isip at mas magaling pa ng sandaang ulit. Panahon na para tuluyang buksan ng media hindi lang para sa isa kundi para sa lahat na saklaw ng LGBT, na may balak itayo ang bandera ng pagiging-homosekswal, ang pagtuklas ng mga talento. S'ya na nga ang pinakasikat na komedyanteng Pilipino locally na bago naging artista e dating stand up artist muna sa comedy bars. Mapalad dahil nabigyan ng oportunidad. Pero hindi lang s'ya ang pinaka-brainy na bading na mayroon ang bansa at may karapatang sumikat. Hindi totoo ang claim na pinauso n'ya sa Pilipinas ang pa-okray na istilo ng pagpapatawa. Noon pa 'yan nagsi-circulate. Ginawa n'ya lang mas katanggap-tanggap sa telebisyon.


      Hindi naman sa hindi ako masaya sa tinatamasa n'ya. Overrated lang para sa akin. E marami pang mas magaling na bading din. Huwag lang tayo magkasya sa isa. Kasi kung sikat din lang na deserving sa pagiging role-model, pwede namang pasabog pa din ang personality pero hindi masyadong heartless. Marami naman d'yang hindi umaabot sa level na kailangan muna mambastos at sa huli ay magiging makatwiran pa din.

      Papunta na kasi sa pagiging KSP, basta makagawa lang ng ingay at makapaglahad ng komento. Magkaiba yung nagbibigay lang ng opinyon sa direktang nangmamaliit. Maganda din naman sa kanya yung hindi n'ya inaangkin ang pagiging perpekto, bagkus inilalatag pa n'ya sa mga tao ang katangiang pwedeng ikahiya. Ma-preach lang s'ya masyado lalo na pag nasa labas na s'ya ng propesyon n'ya. Malaro sa mga salita kagaya ni Papa Jack, ni Cristy Fermin, ni Laila Chickadora at Willie.. pero tulad nung apat, closed-minded din.

      Walang bearing sa reputasyon n'ya kahit ano pang kabulukang ilabas ng bibig tutal komedyante naman daw. Nakakapanira nang hindi kailangang maging responsable sa bibitawang salita dahil sa marami naman s'yang tagasunod. Kung ano na lang gustong sabihin sa oras na yun, makasakit man sa iba, ishu-sugar coat lang ng onti pero yun at yun ding pamumukol sa kahinaan ng iba ang babagtasin ng dila. Okay na yung nagsasabi ka lang ng totoo e. Kaso yung nakasentro lang sa paninira, just to get even, mema sa bawat isyu. Mema-sabi lang. Hanggang nasa kamay na n'ya ang batas. Mabilis n'yang maibaliko ang tama. Mapagmalinis. Self-absorbed. Tunay pero peke pa rin. Pilit. Hindi natural.


      Sapat na bang kilala ka sa pagiging outspoken para tuligsain ang isang politician sa isang presscon? Hindi ako supporter ni Nancy Binay kasama ng pinag-uusapang melanin count n'ya sa balat. Pero bastos pa sa matandang umatend ng kiddie party kahit hindi invited ang ginawang panggigisa na ito ni Viceral kay Binay sa public. Andun na tayo, Pilipino din s'ya. Karapatan n'yang ihayag anumang damdamin meron siya bilang botante. Pero bukod sa pagiging botante ay artista din s'yang maraming tagasunod. Sana ay kinikilala n'yang may kaakibat na responsibilidad ang lahat. Pag artista ka, pakelaman mo lang yung saklaw ng mundo mo. Kung politician ang lilibakin mo, kahit naniniwala kang nagiistate ka lang ng fact, magcomment ka bilang pangkaraniwang tao. Walang spotlight, walang microphone at camera. Wag yung sasamantalahin mong gumawa ng alingasngas dahil alam mong pakikinggan ng media anumang bibitawan mong salita. Mga press people na keber sa patutsada mo at karamiha'y hinihintay lang na magkaroon ka ng pagkakamali sa kapwa mo tao. Huwag masyadong kumpidante na matapatan lang ng camera ay susulitin mong gumawa ng ingay  kahit sa usaping di ka naman dapat kasali. Katulad mo ngayon, pinupulaan kita bilang manunood na naaalibadbaran sa napapanood n'ya.

      Ganun pa man, oo nga, at the end of the day manonood lang ako. Tao pa din ang magde-desisyon kung marami ba talagang dapat sa kanyang mahalin. Ako pa din ang magdedesisyon kung ililipat ko sa ibang channel ang TV pag hindi ko na s'ya matagalan. I'm just saying. We all boil at different degrees. And just like him, I have my own share of opinions on how I see things.




      Okay. Fine. I'm kind of a VG fan too. But just a little bit. Dahil malaki ang kaibahan ko sa kanya.

      I don't "talk shit", I just speak my mind without caring what others will say.

      Theres a difference.

2.5.13

I may put you on a pedestal, but I may just as easily push you off



Sensitive friends. They’re sickening sometimes! They are sweet most of the time and appreciative pero there are times na they tend to bring you down too. Minsan mas gusto nilang hindi mo naeenjoy ang lahat dahil sa hindi rin sila nag-eenjoy sa sitwasyon. Dapat bumagal ang bounce mo na kapantay or minsan nga dapat mas mabagal pa sa indayog nila.

Nakakainis na din at nakakasawa paminsan. I try so hard to always cheer him up everyday. Madami s’yang issues sa paligid n’ya and alam kong minsan hindi n’ya alam kung paano idi-deal ang mga problemang yun. Hindi din n’ya alam kung paano ieexpress ang anger n’ya. You need to be very careful walking on eggshells and all I want to do is not to waste my own energy over a nonsense feeling na kahit s’ya hindi malaman ba’t n’ya nararamdaman.



Wala na s’yang hindi kagalit. Gasinong pati hindi s’ya madalas nakakausap e kaya n’yang tapunan ng maraming panlilibak sa imahinasyon n’ya. Madalas nakaka-nega pero since we are good friends, wala akong choice. I used to enjoy his company. Napapatawa namin ang isa’t isa at sabay naming inookray kahit sinong mapagtripan lang. Pero hindi ibig sabihin noon ay may personal na kaming galit sa tao. Hindi ko alam kung bakit hindi n’ya matakasan ang mundo na yun at kung anong maisip namin e yun na ang nagyayari sa katotohanan. Matanda na s’ya at hindi magandang sa akin pa n’ya naririnig ang mga payong minsan s’ya lang ang may kailangan. Either magbibingi-bingihan s’yang hindi idi-deal ang problema or magagalit s’ya at isusumpa pati pangatlong salinlahi ng pamilya ko.

Sabi ng manager namin at ng ibang kaopisina ko ay bipolar din nga ang nababasa nila sa pag-iisip na meron ang kaibigan kong ito. Ambilis ng switch n’ya mula sa masayang huntahan hanggang sa may marinig s’yang isang bagay na against sa kanya at totoo at hindi n’ya ganun kadaling mairereverse sa mga nakarinig, ay bigla s’yang magiging halimaw na ia-attack ka sa paraang hindi mo deserve at hindi mo naisip na kaya n’yang gawin sa’yo. At dahil nga manipulative s’ya, kaya n’yang takasan ng ganun lang ang clash na nangyari sa inyo at magpapanggap s’ya na hindi katulad ng iniisip mo ang totoong nangyayari. Bakla na nga s’ya, babaklain ka pa.



                I care for him pero siguro nga masyado ko s’yang sinanay for being his only audience. Nakikinig ako sa mga hang ups n’ya sa mundo at pag pinakinggan ko s’ya minsan ay inilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon n’ya para maintindihan ang pinanggagalingan n’ya. Siguro masyado s’yang nasanay sa pagpapakitang-gilas na akala n’ya ay may kumukunsinti sa kanya.

Gugulatin ka na lang ng sudden burst of anger na noon pa pala n’ya itinatago sa dibdib n’ya. Magagalit sa hindi rational na dahilan. Kahit s’ya hindi n’ya din masagot kung paano at saan nag-umpisa ang pagtatanim na ‘yon. Clearly, meron s’yang Borderline Personality Disorder. Baka dahilan ng araw-araw na problema na iniatang sa kanya mula sa pamilya, sa partner n’ya at sa kung anu-ano pang pagkukulang ni ganito o ni ganyan sa kanya. Pero hindi naman siguro tama din na samantalahin mo yung kakaunting kaibigan na piniling manatili sa’yo para pagbuntunan ng grabeng emosyon dahil lang sa hindi mo nakuha ang isang bagay, at dahil alam mong hindi ka isusuko ng mga ito.



Ngayon, medyo tinitikal-tikalan ko s’ya dahil akala n’ya matatakam n’ya ako sa mga pamatay n’yang okray sa mga nasa paligid namin. Hindi ko na s’ya kinukunsinti at hindi na rin ako sunud-sunruran sa mga mood swings n’ya. Pinapakita ko sa kanyang kaibigan n’ya ako pero hindi ibig sabihin ay tiklop na ako sa kanya. Bihira na s’ya magalit at bihira ko na din ientertain lahat ng mga hatred updates na baon n’ya araw-araw. At ngayon na kahit binubombard n’ya ako sa mga social networking sites in form of pasaring at pa-blind item. I don’t fucking care anymore. Hindi na ako masyado naaapektuhan unlike before.

Hindi na n’ya ako maaapektuhan ulet, unless hinayaan kong magpaapekto ang sarili ko.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...