13.9.13

Gapanese Geisha




Last bonding namin ng mga katropang-trumpo ko sa Gapan, Nueva Ecija bago mga maging busy na ulet pagbalik sa Manila.

YES, MA'AM! May kulungan na ulit ako! Mga ilang kandirit lang ito this time sa balor. D'yan sa bandang Ugong Norti, nagasayaw ang kumpanyang may connect ang name sa pangalang indyano. May promise nga 'yung isa sa mga wardens ng kulungan na 'yun. Sa bandang recruitment. Ang aga-aga, may na-KRASan ako agad. Ang bait kasi. Tsaka mukha s'yang masarap kulungin sa power hug. Hindi naman n'ya siguro napansin 'yun kase kung sakali, baka hindi n'ya ko ipinasa sa interview. Plus, medyo sabaw pa ako noong nakausap ko s'ya. "Tarn of" sa'kin 'yun malamang, di ko na binacktrack 'yung grammar at pronunciation lapses ko dahil lutang na lutang ako that day. Imagine, pumila ako for NBI Clear nung madaling araw, tinanggap ko yung parole ko sa dati kong kulungan nung morning tas sasabak ako agad-agad uli sa apply-an nung hapon din na 'yun? Kudos naman sa tuhod ko.

YES, MA'AM! Nagpa-ikli na ko ng buhok. Totoo pala 'yun ano? Pag nasanay ka sa matagal na panahong mahaba ang crowning glory mo, may minutong medyo pipitik 'yung migraine mo with bursts of irrational emotions on the side. Juice ko pong duhat flavor, e makita mo ba naman sa TV kung sino 'yung pinag-uusapang whistleblower daw ni Napoles tas ikaw sa sarili mo.. aminado kang nagiging kamukha mo na s'ya, di ba? Unahan ko na 'yung tao. Hindi pa ko tinitira ng harapan at talikuran, i-claim ko nang kamukha ko si Benhur Luy, bago ako pa 'yung mainis sa maririnig ko. Ay di, ayun! Nagpagupit na nga ako. Pinahaba mo ng halos apat na taon tapos gugupitin lang ni ditse ng ilang minuto. Gusto kong isungalngal ang lahat ng happy thoughts para hindi ko maiuntog sa salamin 'yung stylist sa galit. Kako sana "apple cut" 'yung gupit.





Pag dating sa Gapan, wala akong ginawa kundi matulog at mag-hinilik. Garabe ba namang productive ko the day before. Konting kwentuhan, shot, harutan, kain, fishur-fushur. Pina-bluetooth ko ang picture na ito sa kras ko na kasama din dun. Ayos lang, di naman n'ya alam na may blog ako. From puro jump at panorama shots, mahahaluan nito? Accidentally nasama sa mga na-bluetooth n'ya sa'kin. Hiyang hiya na tinutukso ko ngayon at nag-blush pa. Ano naman kung pinagmasdan n'ya ko matulog? Na walang may-alam na pumasok pala s'ya sa room namin para kunan ako habang natutulog?

Hayst.. Asa pa Max. Asa pa.Haha.


So there, umuwi na din kami agad kinabukasan. May pasok na 'yung iba sa 'min that day e. Nag-lunch muna kami bago nagpa-Manila. Agad umorder kay ateng pala-ngiti. Kako kahit anong best seller na meron sila.


HALA! Lagot.

SAN GAWA ANG "Double-Dick Burger"?! xD






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...