7.9.13

"MASANTING"


Sila ang anim sa pinaka-"masasanting" na transmen sa mundo ngayon. Ipinanganak na babae at ngayon ay mga katawang-hombre na. Hindi natin napupuna sa mga kapatid nating lesbo kung may alab ba sa puso nilang maipasailalim sila sa gender reassignment surgery (sakaling hindi kwestyonable ang kakayahan ng deparment of finance). Karaniwang mga bading lang kase ang lantarang nagpupuyos pagdating sa desire na mabago ang kanilang panlabas na anyo. Biglang mga 'boom' ang itsura at ang gagwapo kapag nabigyang-katuparan ang mga pita ng puso. Isipin mo na lang kung gano sila kasayang mailipat sa tamang mga katawan. Hindi mababayarang self-fullfilment sigurado 'yun. Di na importanteng ipagsigawan o di kaya'y magpa-discover sa media ng mga matagumpay na sumailalim dito, mahalaga'y ma-empower ang lahat ng mga pusong-brusko. Mahikayat na laging may pamilian tayo para maisakatuparan ang gusto nating maging sa buhay natin.



6.)    Yuval Topper,   Israel


Si Yuval Topper ay kilalang Israeli transgender man na nagluwal ng sanggol noong December 2011 dalwang araw pagkatapos ng pasko. Bruskong bading ang partner ni Yuval na s'ya ding ama ng kanyang ipinagbuntis. Ito ang isa pang norm pagdating sa transmen nowadays. Sila yung mga nagmatigas noon na huwag magsuot ng palda, at hinulaan ng lahat na never makakapag-pakalat ng lahi dahil hinding-hindi papatol sa "kapwa-lalaki". Pero noong naging komportable na sila sa bago nilang katawan bilang mga ganap na otoko, ligayang-ligaya sila na mapagtantong lalaki pala talaga in the end ang bet nila. Pero it doesn't mean na pusong-babae na sila. Lalaki pa din sila at heart, pero mas nangingibabaw ang pagiging paminta. Let's just say.. lalaking matso na bakla.

"I had a few coming outs, the first when I was 14, as a lesbian. When I was 16, I understood I am transgender, and after I underwent my treatment, I started to be attracted to guys, and since then I am gay."

Getting the best of both worlds, at least nahanap na n'ya ang totoong s'ya. Buti na lang hiniling n'yang maging intact muna noon ang sexual reproductive organ  n'ya. Yuval is now a volunteer in a lesbian, gay, bisexual and transgender youth organisation that helps adolescents deal with issues of sexuality, he is also very involved in the Israeli LGBT community. Hindi si Yuval ang kauna-unahang transgender man na nagbuntis at nagluwal ng sanggol sa natural na paraan. Ang pinakasikat na naitala ay ang transman din na si Thomas Beatie.



5.)    Ian Harvie,   USA


Si Ian Harvie naman ay isang Amerikanong stand-up comedian na kilala sa pagsasangkalan ng kanyang sekswalidad sa mga jokes at punchlines. He has performed with Margaret Cho and many other notable celebrities and is a well-known fixture in the LGBT pop culture community sa iba't ibang lugar sa US.



4.)    Katastrophe,   USA


Si Rocco Kayiatos ay mas kilala sa tawag na Katastrophe, isang American hip-hop rapper and producer. Kayiatos is widely credited as the first openly transgender singer in the hip-hop genre.



3.)    Nil Orera Nodalo,   Philippines


Si Nil ay graduate ng AB Political Science sa Centro Escolar University. S'ya ang Vice-Chairman ng TransMan Pilipinas na naglalayong maipanuto at magabayan ang mga indibidwal na kaparehas n'ya ang layon na makilalang ganap bilang Adan sa ating bansa. Na-feature na din sa programang 'Magpakailanman' ang life story ni bibi boy. He believes that one of his greatest contributions to the transgender community is his courage to come out in public, face the media and be one of the pillars in the creation of TransMan Pilipinas.



2.)    Ryan Sallans,   USA


Si Ryan Sallans ay isinilang bilang Kimberly Ann Sallans, isang LGBT rights advocate and public speaker na naglilibot sa U.S. to educate people about transgender issues and changes to the health care system. He underwent his transformation from female to male over the course of several years and completed his transition in 2005. Una s'yang nakilala sa palabas na "Larry King Live!" at sa LOGO channel. Naging very visible din si bibi boy natin sa kaliwa't kanang magazine articles at iba pang publications.



1.)    Balian Buschbaum,   Germany


At ang pinaka-pogi sa lahat na si Yvonne Buschbaum na ipinanganak noong 1980. Dati s'yang German pole vaulter at kahit pangalawa s'ya sa pinakamagaling na babaeng pole vaulter sa bansa, nag-retire din s'ya noong 2007 dahil sa sunod-sunod na injury. Opisyal niyang pinalitan ang pangalan n'ya last 2008 pagkatapos n'yang tuluyang mapasailalim sa gender reassignment surgery. He is a very hot Bibi Boy, isn't he?





Walang basagan ng trip! Hindi mo obligasyon sa kapwa mo tao na sagutin ang mga diskusyon kung kasalanan o imoral ba ang maging malaya sa pagpili ng mga ganito kaimportanteng desisyon sa buhay. Live and let live. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananagutan. Lahat tayo ay may bagahe. Hindi nila pananagutan sa atin na idukdok sa mga mukha natin ang tama at hindi tamang gawin. Nakiki-saksi lang tayo, pero hindi natin nararamdaman ang struggles ng bawat isa. Nakikireklamo tayo sa baho ng utot pero pare-pareho lang tayong nakikilanghap ng hangin sa mundong ito. Magbigayan tayo ng karapatan at respetong mabuhay sa gusto nating paraan.


Viva La Poge!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...