WHAT: Sir Max's 20th Birthday
WHO: Bale walo kaming lahat: Ako, ang utol kong si Criz, si TL Sam, si Jones, si Paks (ang pinsan n'ya "kunong") si Eugene, si Mane, at ang may-ari ng pangmalakasan slash pang-mayamang camera na kumuha ng mga larawang ito, si Bembo.
WHERE: Vikings, SM Marikina
WHEN: July 24, 2013
WHY: Para sa "una't huling" bonding ng Acquire Optus GY. Para din sa mahabang buhay.
HOW: By being fiercely gluttonous.
Ipagpasensya na ninyo kung ineexpect ninyong magiging bullet by bullet ang pagpapaliwanag ko sa mga naging ganap noong araw na ito. Hindi ito review sa experience namin ng pag-dine sa Vikings. Hindi ito para detalyadong ikwento kung anu-anong makikita at malalantakan sa restawrang ito. Hindi ko na tinandaan ang pangalan ng mga dish dahil masyadong maaarte at mahihirap i-pronounce. At since hindi ko tinandaan ang tawag sa mga pagkaing pinag-daluhungan naming mga gutom noong araw na iyon, alangan namang umasa pa kayo na ipapakita ko sa inyo ng frame by frame ang mga pagkaing available sa Vikings? Wala ako sa mood para magpaka-vain sa mga uri, presyo, lasa at estado ng mga kaya kong kainan at mga pagkaing nakain ko. *medyo suplado*
Clearly gusto ko lang mag-post. Isam buong buwan akong hindi nakapag-sulat dito. Gusto ko din mang-inggit. Na akalain mo 'yun at afford ko pala ang mga gantong pang-malakasang restawran? Hindi ba't sumumpa ako sa harap ng libu-libong batang-Jollibee at hindi mabilang na myembro ng McDo Kiddie Club na magiging certified suki lang ako ng Mcdo-Jollibee at tanging Mcdo-Jollibee lang?
11:00 AM-2:00 PM ang lunch period at nasa SM na kami as early as 9:45.
Alangan namang magpa-late pa kami para hindi namin maabutan ang mga unang luto
ng kung anu-anong kasarapan di ba? An hour late means an hour of wasted opportunities.
Pikchur-pikchur muna.
Syempre hindi ko papangalanan kung sinu-sino sila diba?
Wala kaming pambayad ng ransom.
Basta ang clue, dalwa d'yan, mag-"pinsan"..
At hayun na nga, nagbukas din. Bale may isang birthday celebrator
kaming kasama (na ayaw magpa-mention kung sino) so halos pito lang ang may-bayad.
Libre palagi ang may birthday. Pagka-kaalam ko 7 days na libre basta birthday mo.
3 days bago ang araw ng birthday mo, yung mismong birthday mo
at 3 days uli pagkatapos ng kaarawan mo.
at 3 days uli pagkatapos ng kaarawan mo.
Sino namang masiba ang kakain ng 7 araw na patayan?
At oo nga pala, magiging libre lang si celebrator basta may isang paying adult s'yang kasama.
Natatawa sa lasa o nasha-shy sa camera?
The fresh section. Yes fresh ding kakainin. |
Tas dessert daw agad. Sabi ko naman sa inyo e.
Hindi ko makukunan lahat ng pictures ang pagkain.
Hindi ko makukunan lahat ng pictures ang pagkain.
Syempre manginginain muna yung mangingiyot (tagalog for 'photographer'), di ba?
At habang lumalafang ang mangingiyot, galit-galit naming nilalantakan
yung mga main dishes na kukunan n'ya dapat.
There, yun ang dahilan kaya dessert agad. Hehe.
yung mga main dishes na kukunan n'ya dapat.
There, yun ang dahilan kaya dessert agad. Hehe.
Tas picture-picture ulet.
Aminin n'yo, gluttonous creatures, 'di na kayo makatayo sa sobrang kabusuguan ano?
Mami-miss ko kayong dalawa.
Bottomless din ang beer.
From L to R - Mane, Bembo, Paks, Eula, Celebrator, Criz, Jones and Sam
(Si Bembo naman, kung maka-titig sa banner, parang kinakabisa yung lettering.)
I miss them already..
Hanggang sa muli, Optus People.
See you when I see you. Salamat sa lahat.
See you when I see you. Salamat sa lahat.
hindi mo man lang binanggit ang suplada vs friendly wisdom ko.hihihi
TumugonBurahinAhaha. Wala na daw tinta yung ballpen.
TumugonBurahin