#KunwareMayayamans (Disclaimer: All photos were taken from Googol.) |
Paandar. Hindi lang yung mga pasimuno at pabibo ang tinatawag na paandar. Paandar din yung mga hindi naman n'ya lebel e nagpi-pretend s'yang residente s'ya ng makinang na mundong 'yun. Kung nabasa mo na 'yung Most Annoying FB Friend Award ko ay quotang-quota sa species ng 'team paandars' ang post na 'yun. Well, sila naman siguro yung mga tumandang walang-malisya at ineenjoy lang ang buhay. At sa madramang pananalita, sila din siguro 'yung mga marami nang napagdaanan kaya nilulubos na lang anumang bagay na magpapasaya sa kanila. Pero tulad nga ng laging sinasabi ko, ang buhay ay hindi palaging rosas, laughters and sunny days. Minsan gulgol, bubog at delubyo din iyan. So mas mainam na maging realistic na lang tayo, di ba? Wag na piliting maging ikaw 'yung hindi ikaw. Di naman ako ang magmu-mukhang timang, ikaw naman di ba?
Nakaka-suya kasi. Nakakapang-gigil. Nakaka-ubos ng debosyon kay Santa Monica (patron saint for patience) ang mga kaibigan, kaaway o estrangherong sobrang mga paandar. Pasosyal. Pinipilit nila na naturalesa sa kanila ang pagiging-posh, english-english pa sa Facebook, sa Twitter, sa opisina at sa harap ng mga kaibigan.. bagkus naka-kunyapit naman sa istribo ng siksikang bus pag umuuwi. Gets n'yo? Hindi ako galit na may masaya sa ginagawa nila, may bagay lang na dadalhin mo 'yan pag mag-isa ka na lang. Mapapa-isip ka, aware ba itong mga feelers na 'tong alam ko kung gaano sila ka-jologs (tulad ko) sa totoong buhay, o hanggang ngayon kala nila napapa-ikot nila ko sa kamay nila't naniniwala akong likas silang pinalaki na may pilak sa ngala-ngala?
Unlike sa mga pa-sosyal na
inuubos ang energy patunayan sa social networking sites ang mga
detalyeng magpapamukha sa kanilang may mga sinabi sila sa buhay, trying hard din na matatawag ang mga true-blooded sosyal. I mean 'yung mga humble lang at 'yung hindi biglang-yaman. Ang mga natural
na rich, ipinopost lang ang mga pruwebang magpapamukha sa kanilang tipikal. Pero kahit anong pagpapa-kengkoy ang gawin nila, lumalabas ang
natural. It's funny how we all try so hard.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento