Bahay-Bahayan
Teenagers
ngayon, masyadong nagmamadali, mga excited mag-18. Papapasukin na sila
sa bars, papayagan nang manligaw at magpaligaw, ligal na silang
magbisyo, bumoto at ikasal. Sana alam nilang ligal na din sila ikulong. Pwede na silang maging accountable sa mga walang-kasiguraduhang magiging desisyon. And when I say walang-kasiguraduhan, nakakalokang malaman na pabata ng pabata ang edad ng mga Lilybeth na nakikipag-live in nowadays.
No
offense, pero living in with someone you love should not always become your first choice. Palasak kase ngayon, pag mahal, aayain ng live in para
lang mabakuran. You'll share love under one roof, you also invite the
person to maneuver your life and waste it. Pangarap ng lahat ng
lovebirds yan. Watch
the sunset. Walk under the rain. Count the stars. Hold hands. Smooch
every hour. Laugh together. Dry up each other's tears. Pero it will only work kung
emotionally-financially-mentally
ready kayo. Swak kung sigurado kang itong tao na 'to ang magiging pares ng
tsinelas na itinakda sa buhay mo. Pero kahit taglay na ninyo ang tatlong -ly's na nabanggit ko, handa na ba talaga kayo? Sa araw-araw na love-hate status, tantrums, complications at selosan? Ako, personally, I'm
not a jealous person. I'm not selfish either. But I want people to
understand and respect the thought that when it's mine, it's mine. If
you want something, ask. At kahit hindi ito sa aspetong pangangaliwa, mag-aaway at mag-aaway kayo sa buong panahong magsasama kayo. Hindi yan basta-basta. Pwede ka mag-improve as a
person, pwede ka ding masayangan ng pagkatao.
May iilan, ginagamit na stepping stone ang pagpatol sa partner na hindi naman n'ya type at pansamantalang makikipag-relasyon. Pipili ng kaawa-awang 'nini' na patay na patay sa kanya at ito ang pagpapasanin ng lahat. Kapag nakabangon at kaya nang tumayo sa sariling paa, iiwan si nini na walang maling ginawa kundi mahalin lang s'ya. Madali ka lang hiwalayan lalo na't hindi naman kayo babae-lalaki na pwedeng may isang managot. Pag naumay na sa relasyon, parang fireworks na ang ganda kanina't ngayo'y usok na lang.
Iyan ang dahilan kung bakit siguro ayos lang na maging malayo sa tanaw ang katuparan ng pagpa-pasabisa ng same sex marriage dito sa Pilipinas. You need to grew tired of meaningless affairs first before mo ma-realize na malayo pala sa true love ang mga nagiging choice mo. Pero hindi ka bumabata. Kung ilang taong lokohan ang titiisin mo sa isang ka-relasyon.. malinaw na ilang taon din iyon ng nasayang na ikaw. Yan ay kung umaabot nga ng taon ang duration ng mga nagiging ka-relasyon mo. Yan e kung hindi ka kabilang sa Team Imelda Papin (puro mga isanlinggong pag-ibig).
Build your spiritual faith first. Build a career. Enjoy your life. And be choosy. Ligaw-ligaw muna. Huwag magmadali. Pwedeng yung mas independent, s'ya yung manirahan nang mag-isa. Date-date na lang muna. Kung antulin ninyo parehong manlamig, e di hindi n'yo na kailangan manghula. Hindi talaga kayo click, kase may impatient at merong tinamad ipaglaban yung dapat na itatagal n'yo. Anong porma man ng break up, pare-parehong masakit 'yan, pero at least less damages. Less liabilities at hindi malaki ang loss of assets. Kung baliw kang magmahal, matagal kang magiging taken dahil sa pagiging pihikan mo.. everything will make sense pag nahanap mo yung taong hindi man perpekto e malapit naman sa hulma ng partner na pinangarap mo. “In
the end, only three things matter: how much you loved, how gently you
lived, and how gracefully you let go of things not meant for you.”
Kung magpapadala lang sa kindat at init ng kalamnan, before you know it, tuyot ka na. Kaya sa mga oportunista, tama na ang lantarang pakikipag-gamitan. May karma, friend.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento