Nung
araw, pure news reporting lang ang hatid ng TV anchors at field
reporters. Walang kulay, emosyon, sudden reaction at side comments. May
hiwalay na editorial show para sa mga taong may magandang batayan ng
opinyon.
Kaya magagaling na kritiko ang taumbayan dati kase binibigyan sila ng chance gumamit ng utak para mag-isip at mag-analisa sa gitna ng crisis at isyu. Nahahaluan ng texture ang balita pag iniimpart ng journalist ang nararamdaman nya sa isang usapin. At dahil nga opinyon, kung hindi nagiging-one sided, minsan naipagtatanggol yung mga maling tao.
'Na hindi katanggap-tanggap, para sa'kin. Oo mamamayan din silang may karapatan at opinyon. Ngunit maimpluwensya din sila. Again, these will all fall under the real
essence of power and responsibility. Nagagamit ang propesyon at
programang kinabibilangan para mag-impose ng preachings na opinyon lang
ng isa. Pag may propesyon tayong pinagkadalubhasaan, kailangan nating
maging epektibo sa propesyon na yun at huwag na huwag lalampas sa
boundary.
Lahat ito ay bunga ng innovation at pag-eeksperimento ng
media. Ginagawang kwela, may friendly approach at madaling intindihin.
Binabawi sa pagiging catchy at maka-masang konsepto para magkaron ng
maraming viewership. Subalit kolokyal, impormal at kulturang-kanto ang
turing sa mga "catchy at makabagong konsepto" na 'yun.
I prefer the
old-fashioned way of news reporting. Ayos lang kung may magaan na format tulad
ng morning show. Pero kung magdedeliver ng balita, sana katulad na lang
sa news reporting nung araw.
Stiff. Strikto. Mas credible.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento