28.6.13

Pro-Bullying





Ba't di na lang kase tayo maglaitan?

Harapan at talikurang magtirahan?

Magsabihan ng kapintasan.











Juice ko, pwede naman pala 'yun. Tutal pwede namang baliktarin, palabasin na kung sino ang maoffend.. sila ang pikon, sila ang mga makikitid ang utak. Pwede naman palang idahilan na hindi ba sila marunong bumasa ng "joke", na kaya nga ganun kasi "fiction" so anything goes, na ang lahat ay form of "art" at parte lang ng "trabaho" nila. Na kahit ganun, ipipilit sa’yo na responsable pa din sila sa aksyon nila. Pwede naman pala magsorry na lang pagkatapos. So since may alibi e pwede nang gawin ang gusto kase may theme naman pala na sinusundan, may storyline naman pala na inaalagaan, e yung punchline naman pala kase na yun ang hinihingi ng eksena. Sus! Kayo naman, ambabalat-sibuyas ninyo! Parang yun lang. Anliit na bagay nagagalit kayo agad.









O e di laitin n’yo na lang ng laitin ang Pilipinas. Tirahin ang mga kagalit na matataba, maiitim at bansot tapos gumawa tayo ng mga mas katanggap-tanggap na palusot. Gamiting materyal ang mga kaaway natin sa pagpe-perform kase pwede namang payuk-payukin, ilibing ng buhay at bigyan ng sampung nakamamatay na sumpa, na kahuli-hulihan e mapapaniwala pa din ang tao na hindi n’ya sinadya. Hanggang sa bandang huli, pupurihin pa silang mga manunulat, silang mga komedyante at silang mga director dahil keen observer daw sila at nagsasabi lang ng totoo. Malalakas ang loob. Kase kaya namang malusutan sa bandang huli e, mag-aanga-angahan lang kunwari tas sabay bawi:







“Sorry po kung na-offend ko kayo, hindi ko na po uulitin!”

“No. I Love Philippines!”

“Filipino Children are adorable!”

“Black is beautiful!”






Mga  putang  ina  n’yo.  Tigilan  n’yo  nga ako.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...