Kakapanood ko lang ng "Tuhog". Nakamput. Yun na pala yun?! Kala ko may mas metaphorical meaning pa s'ya or something. Literal pala talagang tinuhog lang. E ganyang-ganyan din yung isang episode sa Grey's Anatomy e. Yung posisyon kung san natusok at kung pano ipinwesto sa bed. Yung humor na kahit natusok na, nagpapatawa-nagsasalita pa din. Tas kailangan may piliin sa kanila dahil yung isa, mamamatay. Ganung-ganon din yung ideya, ginawan na lang ng hiwalay na mga kwento bawat isa sa tatlong natuhog.
'Di ko sinabing ginaya ha? Anlaki lang ng hawig. At dahil may pa-international screening din, nakakahiya tuloy aminin na Pinoy ka. Pwe!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento