14.8.13

Si Manang At Si Annaliza



Sumakit dibdib ko. Bibili lang dapat ako ng peanut butter sa bakery, aga ko pa tuloy napaaway.

Picture this: May nanay na around 50 ang edad na sinasabunutan, sinisiko-siko ang anak n'yang babae na mga nasa 10yo lang. May naiwala yung bata at binalikan nilang mag-ina sa bakery, nagbaka-sakaling dun naiwala yung isang gold ata na hikaw. Nariyang sipain-suntukin sa braso yung bata na impit na impit ang pag-iyak. Daming nakatingin, walang umaawat, yung iba vini-video lang. Katakot kasi si mother, parang si Vangie Labalan.

Tinakpan ko yung ulo ng bata nung akmang hahampasin uli. Sabi ko, "Kayo kaya bugbugin ko ng ganyan? Anlaki-laki ninyo, anong laban nito sa'yo? Tignan n'yo.. nanghihina na kasasampal mo!"

Yun lang naman ang saktong nasabi ko. Pero kahit na, mali pa din na sinagot-sagot ko s'ya. Wala daw akong paki. Anak daw n'ya yun.

Yung karma kung pano n'ya pinapalaki ang anak n'ya, di n'ya matatakasan yun. Pero mali din na pinagsalitaan ko s'ya ng ganun kahit pa gusto kong totohanin ang pagbugbog sa kanya.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...