Imbernang-imberna ang mga foreign voters ng "thetopten.com" sa ating mga pinoy dahil ginagawa nating career ang pagboto sa mga online polls. Hindi nila kilala kung sino sila Angel locsin, Anne Curtis at Marian Rivera. At nanggagalaiti sila panung mas nagta-top ang mga ito kumpara kina Megan Fox, Angelina Jolie, at Jessica Alba.
Ganyan din nga ang alingasngas laban sa atin ng mga karatig-bansa sa Asyang 'di man lang napapasama sa top 10 finalists ng Miss Universe. Sobrang dedicated daw kase nating mga Pinoy sa online-voting kaya laging pasok sa top 10 ang ating mga kalahok. Kahit gurlis ay hindi sila naiinggit sa 'tin dahil kung tunay na maganda ang ating mga manok ay hindi din naman sila magsasali ng 'hindi magandang kinatawan'. Ang tanong, bakit sunod-sunod na taon nang napapabilang sa Final 5 ang ating mga bulik? Dahil daw kase siguro paborito tayo ng Miss Universe Organization-owner na si Donald Trump. Maaalalang recently ay nagliparan pa-Manila ang dalwang anak ni Trump para pasinayaan ang groundbreaking ng Trump Towers sa pusod ng Makati. Parang gusto nating maghambog kung totoo man ang alegasyong paborito nga tayo ng lolo mo pero isa itong residential suite, negosyong tayo pa ang pagkakaperahan at hindi isang Miss Universe regional headquarter gaya ng naunang ichinichuchu ng ating mga neighbors. At sabihin mang kaya lang tayo nakakapasok lagi sa top 10 ng MU e dahil sa online votes, 'di ka naman siguro papasok ng top 5 kung hindi sila sa'yo magandahan di ba? Yun lang, hindi na sila nagtataka kung bakit sure ball na tayo lang ang may-ari ng isang posisyon sa top 10, taun-taon. Di nila kikilalanin na dahil talaga sa ganda kaya tayo napadpad doon.
Buti hindi nagsasawang mag-thank you si Leila Lopes kahit pinoy ng pinoy yung nagca-cast ng votes araw-araw. |
Paano nakopo ni Ate Guy ang isang upuan sa 10 Best Asian Actresses of the Decade ng Green Planet Movie Awards? Si mare lang ata ang pinay na nainomina sa online poll na ito last 2010, at may hint ang pamunuan ng GPMA na si mare mo din ang unang mention sa may pinakamataas na boto.
Paano nanalo ang 'Himala' (again, ni mare mo) ng Viewer's Choice sa 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards sa sampung lupon ng Best Asia-Pacific Films of All Time? Muli mga kababayan, boto ng cnn viewers around the world ang nagpapanalo sa pelikula ni Elsa. Boto at hindi iisang ipinapanalo ng mga otorisadong kritiko. Indeed, these competitions are huge. May I mention ang name ng nagwagi kasabay ang ismidan pag nalamang bata na naman ng Pilipinas ang nag-uwi ng tropeyo. Natural mente, bilang Pinoy mapa-proud ka pero bilang indibidwal e mas malaki ang porsyentong wala tayong paki. E sa ganun e. Wala namang dayaan at bilihan ng boto. Kinarir lang. Boses 'yan ng mga manonood, gasinong 'noranians' o pinoy man ang lahat ng mga nag-inadik ilagay ang pangalan n'ya sa listahan, pinili pa din 'yun. Tinyagaang irefresh ang page at gawing ritwal na i-check ang box ng pangalan ni nora 25x a day.

"O, pustahan, pelikula ko 'yan oh?! Pustahan?!" |
Sana palaging maging konsepto 'yan ng mga nagpapa-contest sa ibang bansa. Dahil tiyak wala silang patumangga sa mga nanggagalit na daliri ng Pinoy netizens. Kilig-pepe lahat nung i-announce na isa ang Puerto Princesa sa New 7 Wonders of Nature worldwide. Talagang nagpa-raffle pa si Hagedorn at nagpamudmod ng premyo, iboto lang ng Pinoy na hindi taga-Puerto Princesa ang PP Underground River sa N7W website. May ibang independent at slightly known websites din na kumilala kina Dingdong Dantes at Cristine Reyes (na nasa GMA pa that time) bilang kasali sa mga Sexiest Men and Women in the World, na di umano ay puros mga Kapusong online voters din ang nagpa-win.
Hindi lang sa papuri't parangal ginagamit ng Pinoy ang sipag nila sa pagboto. Minsan ginagamit na din nila ito para sa pagsira ng isang programa sa telebisyon. Ayon sa bulung-bulungan sa mga barberya't parlor, kakaririn ng mga unidentified bitter viwers ang botohan kahit may bayad ang text votes, mapabagsak lang ang isang kinaka-insekyuran na talent show sa bansa. Mag-aaksaya ng prepaid cards, maipanalo lang ang kalahok na pinaka-kinaaayawan ng mga manonood. Ganun ng ganun bawat season hanggang sa tuluyan nang ibasura ng taumbayan ang ratings ng programa. Genius, isn't it? Sino nga bang pangkaraniwang manunood lang ang uubos ng daan-daan para iboto ang isang hindi kaanu-ano ngunit deserving na contestant sa isang palabas?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento