26.8.13

Arte Mo, Premyo Mo!





Asar. Million People March kahapon, puros famewhore politicians ang laging iniinterview sa TV. Taumbayang nanggagalaiti ang nagtitipun-tipon at hindi 'yon venue para may magpasikat. Challenge ng media na points of view lang sana ng mga common na tao's ang iparinig sa manunood, na this time mabawasan man lang ang exposures ng mga pulitiko at mga artistang dati nang tumakbo at natalo. Mga mahilig sa latik-latik at pagpapabango ng pangalan. Ang bida dapat dito ay mga common na tao's.. na hinarbatan. Ninakawan.


Sabi nga nila, politics is show business for ugly people. Hindi benta sa lahat ng mamamayan ang pahayag ng Pangulo na iaabolish na nga daw ng tuluyan ang Pork Barrel Fund. "Sinong ginagawa nilang tanga?" anang isang political analyst, "Malakas ang kutob ko na kahit sinabi nilang tatanggalin na nang tuluyan ang pdaf ay paniguradong may kaparehong bersyon din naman na ipapatupad ang gobyerno kapalit ng pork barrel. Let's give it three months. Or less."

Samantala, inilista na ang mga maaaring ipalit na katawagan sa iaabolish kunong PDAF:

Budgetary Allocation for Crooks' Outreach Nationwide (BACON)
Lawmakers Initiative for Emergency, Miscellaneous and Personal Outlay (LIEMPO)
Livelihood Empowerment for Countrywide Humanitarian Outlaw Network (LECHON)
Pinagandang Iligal na Gastusin (PIG)
Selective Enforcement of Budgetary Outlays (SEBO)
Countrywide Assistance for Special and Important Matters (CASIM)
Hearty Allocation of Money (HAM).
Social Initiative for Service in Governance (SISIG)
Barangay Initiatives for New Allocations Granting Oversight On Non-Government Associations Nationwide (BINAGOONGAN)
Budgetary Utilization for Literacy Assistance and Livelihood Opportunities (BULALO)
Budgetary Initiatives for Secretive Transactions Enhancing Kickbacks (BISTEK)
Budgetary Allocations for Government’s Nonsensical but Endless Transactions (BAGNET)

 

Ngayon malinaw na sa atin kung bakit madaming nagpapatayang mga kandidato makakopo lang ng isang pwesto sa gobyerno. Malinaw pa sa tubig ng Absolute Mineral Water na makikita natin ngayon ba't pinaglulustayan ng halos buong yaman ng angkan ang pagtakbo ng kanilang kamag-anak. Dahil madaming pera sa posisyon. Katumbas agad ng pagkapanalo sa lotto ang very lite na popularidad, galamay at koneksyon.

Tiyakin natin na PDAF/PORK BARREL will not resurrect under just another name!








I dare those newly-elected politicians na nagsabi last election na hindi dahil sa kaban ng bayan kaya sila tumakbo kundi para lang talaga makapaglingkod. Pati yung mga dati nang nakaupo na ayaw patawag na nagpapalaki lang ng tyan sa pwesto:

"Tumanggi kayong maipatupad ang pagpa-pasabisang maibalik ang paggamit sa anumang budget galing sa buwis ng bayan, na posibleng pumalit sa pork."



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...