24.5.13

Most Annoying FB Friend Award


     The annual search for Tagapagkilaw's "Most Annoying FB Friend Award" is on. Sila yung nakakapangulo ng dugo mo isang perpektong umaga habang nagpi-facebook ka't akala mo'y napanagumpayan mo na ang pinakamatinding problema sa mundo. Sa oras na maapektuhan ninuman sa kanila ang iyong sistema, ibig sabihin ay ganap kang ginapi nito ng walang kalaban-laban. Hanggang sa umabot ka sa puntong tatlong pamilian na lang ang meron ka: A.) tiisin sila, B.) i-unfriend mo sila, or C.) boluntaryo kang matunaw sa harap ng PC mo.





       Sino ang mga maaaring inomina?


      The Superstars. Yung mga self-centered sa friend list mong ginagawang private diary ang timeline nila. Kabisado mo kung pang-ilang araw na ng mens nila today. Isa sila sa mga nagpost ng daliring may tinta noong nakaraang eleksyon, na ginamit pang profile pic pati sa Instagram ang kuhang iyon. Bago nila kainin ang isang pagkain, kahit hilong-hilo na sa gutom ang mga kasama nila ay dapat kunan muna yun ng litrato para maibandera sa FB. Mahilig sila sa scoop at ipamumudmod nila lahat ng gusto nilang sabihin kahit mga sikretong di na dapat makarating sa public. Issues minsan na wala silang kinalaman at kusang tumatago, pilit babasagin para mapag-usapan sila. Lahat ng uri ng feelings iha-highlight kahit hindi naman interesado ang taong malaman 'yon. Basta "IN", di pwedeng di nila maexperience. Hashtag ThrowbackMonday, hashtag FlashbackTuesday. Kahit minsan mali na ang usage. Kahit labas na sa tema't okasyon. Pag wala silang masabi ipo-post na lang: "Hmm.."


      The Barbers. Yung mga paandar mong friends sa facebook na ayaw pakabog. Nakakita lang ng bet na sapatos kahit hindi naman talaga binili't sinukat lang sa shoe store e pipikchuran at ipagyayabang sa lahat ng social networking sites na meron silang account. Nagpapa-inggit sa mga fb friends pero antutoo, Diyos lamang at sila ang nakakaalam na hindi nila talaga 'yun nakamtan sa totoong buhay dahil hindi nila afford. Press release lang. Para magkaroon ng market value. Para may mapangalembang sa kampanang kathang-isip lang. Panay inggles sa status. Pa-conio at pa-intimidating pero antutoo nabasa lang sa status ng iba, at dahil tunog-maganda sa tenga ay iso-sotto kara-karaka sa sariling timeline na walang pagkukumpirma kung kaninong orihinal na ideya ang nakaisip nun. Masabi lang.



      The Look Alikes. Yung poserong nasa friend list mong may koleksyon ng mga grabbed pics sa taong iniistalk n'ya or gusto n'ya maging in real life. Hindi pa n'ya ina-add pero naka-block na agad yung totoong may-ari ng mukhang ninakaw, damay hanggang 3rd degree of consanguinity at mga taong may connect dun para hindi mabuko. May schedule ang pag-upload n'ya ng pic para magmukhang madalas may update sa account. Usually sa malaysia, thailand or vietnam ang point of origin ng mga taong dinuduplicate n'ya. Sila yung pwede magma-angas kasi mukha na silang may sinasabi sa itsura. Mabilis sila makilala kasi ang arte ng mga pekeng pangalan nila. Unlike sa ating mga goodlooking na hindi masyado maramdaman sa crowd kasi nga humble tayo at rare to find, sila yung mga easy-to-get at laging in-circulation kesehodang taguan mo pa. Bago sa huli, papalitan n'ya ang pekeng identity ng totoong pagkatao n'ya. Kakapal ng kalyo sa mukha. Sa personal kung hindi chabelita, maiitim ang singit, batok at sira ang mga ngipin ng mga 'yan.





      The Pedants. Yung buma-vice ganda sa friend list mong di makausap ng matino (katulad ng idolo nilang mapagmaganda, naturingang salamin ang first role n'ya sa tv), dahil feeling nila bagay sa itsura nilang mamilosopo. [Kape-kape din, aba!]




      The Givers. Yung mga dakilang likers sa friend list mo na hindi makapagbukas ng mga sariling timeline nila dahil sa news feed nagbababad. Hindi na nila maexpress ng maayos ang mga sarili nila dahil bago nila ipost sa wall nila, nabasa na nila ang parehas na feeling sa status ng iba. Pag may nagbabangayan sa facebook, ila-like nila yung mga comments at pataasan ng ihe ng magkabilang kampo para lalo itong magsabong. Sabi nga, ang status ng pangit kahit ganu ka-witty at idealistic ang post, lalangawin. Pero ang cute magpost lang ng "mainit.." dudumugin agad ng likes, may mga side-comments pa.  Lahat ng events sa buhay ng crush nila gusto ila-like. Few seconds fresh pa lang yung post, 'ni hindi man lang binasa kung suicide note ba yung naka-post o hindi, ila-like. Basta makakita lang ng LiKE button, iki-click. Favorite hub tuloy ng virus ang mga pc nila.



      The Receivers. Yung mga mahilig manghingi ng likes sa friend list mo. Yung mga usually hindi mo ka-close o kakilala pero kung umasta kala mo may mga patago sayong utang na loob. Nananahimik kang naglalaro ng 4 pics 1 word tas gugulatin ka ng gm sa chatbox. Mga gusto palabasin sa mundong effective yung quotes nila o yung narciso pics nila, dahil lagpas 20 likes daw ang nasolicit nila. Usually n'yan gantihan, pag ni-like n'ya ang isang post mo hihingi din s'ya sa'yo ng like para quits. Asungot. Papanggap pang nagku-contest daw sila ni pinsang ganire at nagpaparamihan sila ng likes kase may consequence na ganyan. [agree? pa-LiKE?!]






      The Shockers. Yung pakontrobersyal na page admin ng isang facebook page na ni-like mo dahil nauto ka ng fb friend mo na kabilang sa angkan ng The Receivers. Anong napapala ng mga admins na 'to sa pagpo-post ng mga pictures na nagbubunyag sa identities ng mga bangkay, ng mga may malalang sakit at ng mga gumagawa ng katarantaduhan sa net? Minsan nananakot pa na pag hindi ka nag-like o nag-comment ng salitang "Amen" (for example) sa bawat litratong nabuksan mo e mangyayari sa'yo o sa isa sa mga kapamilya mo 'yung nakikita mo ngayon sa picture. Malakas ang loob magkwento kahit hindi nila kakilala yung pinag-uusapan. Mga paandar. Pag sila naman ang magtrending negatively, wala bang mga kamag-anak ang mag-aalala para sa kanila?




      The Idols. Yung anti-minimalist sa friend list mong araw-araw naga-add ng isanlibo para makagawa ng next new account. Maglalagay ng FULL sa name, minsan uno-dos-tes, para kunware legal na gusto sya't dinumog lang basta ng friend invites at fans. No wonder buwan-buwan din suspended ang accounts n'yang yun dahil sa paga-add ng mga hindi kilala. Mami-meet nya pa lang next year, last year n'ya pa friend sa fb. Sirit ka na kung san kinuha mga rekruts nya? Hindi ko sasabihin. Pero pag pinilit mo ko, sasabihin kong sa friend list mo!




      The Sexual Predators. Yung manyak sa friend list mong puputaktihin ka ng compliments sa umpisa. Pag na-offend mo dahil sinaway s'ya sa pag-aaya ng seb, sisiraan ka't magsa-sour graping sayo. Walang age limit at gender ang classification nito basta gutom sa booking, qualified. Usually night shift sila kumakana, panay nood ng porn tas pag umepek na si Larry Long, icha-chat ka na ng "c2c?" At first hihingan ka ng number. Hihingan ka ng FS. Tas hihingan ka ng mas revealing na pose sa pic. Ikaw si gagu kala mo friendly lang ibibigay mo. E sa narcisco ka din, magpapabola ka naman para sa FS. Then after months hihinge na naman  sa'yo ng number, ng fs at ng daring na pic? Haha. Nakalimutan n'ya nahingan ka na pala n'ya at hindi lang talaga s'ya nagsi-save sa phone n'ya ng mga napakinabangan na.




      The Juniors. Yung bagets sa friend list mong naka-18 yrs old sa profile pero nagbibaby-talk pa pala't mga supot pa. Mga PP ng anime ang gamit, minsan pic ni KimChiu. Sila yung first-timers sa fb world, salamat sa kupit kay nanay at nakapag-1 and a half hour s'yang renta today sa kompyuteran. Ginagawa n'yang chatbox ang normal mong status update at pics. Tinatadtad ka ng senseless jeje msgs na di mo sure kung pakwela lang, nagsisimula na lumande, o nagpapakita na ng senyales ng pagladlad. Puro videos ng jologs na rappers ang nasa wall nila, minsan mga vague love quotes na sila mismo di naiintindihan. Basta pumasok kayo sa parehong school kahit ilang siglo ang pagitan ng batch n'yo, iaadd ka n'yan.. na kala bestfriends kayo. At ang favorite pose sa unang picture? Kung hindi kamay na naka-heart shape, naka-duck face, naka-japan japan tas yung bibig pinapalobo bahagya. Then there will be more wild poses to come. Nakita n'yo ba yung neneng nagpose before eating her first-ever magnum ice cream? (naka-zoom in din pati resibo) Tangina. :)




      The Lost Souls. Yung basura sa friend list mong 'ni walang pictures, walang posts at 2008 pa last nag-online.




      The Dream Girls. Yung beking nasa friend list mong feeling artista. Yung mga pinagpipilitang in demand sa mundo dahil kuno sa yaman, prestige at ganda. Dapat ipinagkakalat ang pagbasted sa mga pinaniniwalaan n'yang patay na patay daw sa kanya? Haysus. Maaari ba?! [pweh!]





      The Avatars. Yung mga narcistic sa friend list mong nagmuka nang anime in 3D kaeedit ng pictures n'ya. Di mo ma-gets ba't pilit pinapa-fade ang resolution ng kuha may mga artificial kulors pa sa mata. Ayos na sana kung imperfections lang ang iko-correct e lahat na ata, sana buong picture na lang ang pinalitan nahiya pa. At sana kung mage-edit na din lang ay marunong na, para di mukhang lutong-luto ang itsura. Edita ang mamaeng walang pahinga.






      The Passion Mowdels. Yung mga astang pokpok at dudung sa friend list mong panay-pakita ng balat sa fishurs. Akala mo yung mga babaeng tuma-tumbling tumbling sa livejasmine.com at panay wakwak sa binhi ng buhay. Hala sige, liyad, alog, bukaka, show off! Candid shot lang dapat, may-I reveal pa din ng boobs si lilybeth. So proud! O di kaya yung mga ginuong panay flex ng maskels at masyadong magive-away. Nahihiya magpa-kodak nang nakadamit.  FB lang binuksan mo kala mo naligaw ka sa pornsite. Pero ayaw nang nababastos sila. Silang mga may shots from chest to lower extremities ng katawan, minsan nagtatakip 'yan ng mga props like unan or kurtina  para may surprise sa itsura ng putotoy at pechay nila, mga naka-tiger look pa. Grabeng effort magpaka-manly si kuya. Alam na. [booking tonight? yor fleys, my fleys?]





      The Role-Mowdels. Yung kastigador sa friend list mong walang ibang happiness kundi mamuna. Mga gumagawa ng reputasyong maprinsipyo daw sila. Panay post ng mga ayaw at ayaw nila sa buhay. Yun pala nagko-contradict na yung mga opinyon nila last week, last month at last year. Mga pa-self righteous ang mga puta.





      The Oppositions. Yung mga attention-thirsty sa friend list mong ginagawang face2face forum ang mga thread ng kahit anong posts. Puro sourgraping puro pa-haging. Puro pakunwaring "once and for all i'll comment into this". Mga tanga-tangahan kunwari slight lang affected kase may happy at contented life naman daw sila. Ba't di mo sasabihang bitter e 3013 na yun pa din issues nila? Maayos ba ang gusot pag magparinig sa wall? Artista ka?! Artista ka?!







        Huwag pagapi!! Exercise your right to vote. Lumaya. Maging malaya.
        Sino ang unang liligwakin?! Kaninong FB Friend ka pinaka-naaalibadbaran?!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...