5.7.15

Real talk.



Gusto mo ng matalino, may masters degree, at may sense kausap.. pero sabaw ka, lagi kang loading, english lang ng batok at sininggwelas, di mo alam. Gusto mo sa lalaki, mayaman at successful, pero wala ka man lang narating o naipundar. Gusto mo ng mala-commercial model at matangkad na awra, pero punggok ka at may mabuting kalooban lang.




Be realistic. Oo, pag true love, kahit madami kang tartar, pag para kayo sa isa't isa, ipu-pursue ka n'yan. Pero tandaan mong hindi ka umo-order sa genie ng isang good catch na dyowa just to satisfy your ego. Kung di ka makapantay man lang sa mga katangian n'ya, wag na masyado magtinaas ng standards. Love is not conditional but at least i-try mo man lang to become the best partner in life that you can be. Nasungkit mo nga yung tipo mo, talong-talo naman s'ya sa'yo. 










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...