5.7.15

Chura mo.




You can wear anything you want basta kaya mong itawid.

There's a price that you will need to pay depende sa intensyon mo. Mang-inggit ba? Iparamdam sa ibang tao na mas kaaya-aya ang itsura mo kesa sa kanila? Pero if you feel like wearing a tangga swimsuit dahil mainit or dahil wala ka namang hadhad/buni so ba't hindi or dahil sa gusto mo lang -- e ba't kailangan kang pakialaman kung nasa legal age ka na naman? Kesehodang punong-puno ng cellulites or bilbil o sobrang nakakademonyo na halos pang-ST films na yung mapang-akit n'yang katawan, ano namang kinalaman nun sa kurapsyon at sa kwento ng buhay ninyong mga nakikinuod lang?

Napaka-opinionated ng tao na sa lahat ng makita e dapat laging may say sila. Masyadong binabase sa norms at sa kung alin lang ang katanggap-tanggap. Regardless pa kung GGSS ka, hindi deserve ninuman ang bastusin or ang i-bully dahil lang sa positibo ang pananaw nila sa katawan nila. One shouldn't impose their own dress code in life. Karapatan ng lahat na isuot ang damit na feeling nila e bagay sa kanila lalo pa't hindi naman nila yun ninakaw. Being comfortable with your own skin is different from just flaunting your best physical asset in public just to prove that you're immaculately perfect.




Kung sino mang nagsabi na wag ka magsuot ng pang-sexy para di ka nababastos ay hindi lang mga righteous na tao, kundi punong-puno din ng mga inggit ang puso nila.





O, pak! Ganda ni potah.









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...