23.8.13

The Conjuring - Review


3.51 AM. Nagising ako kahit wala pang tilaok ng mga manok. Sinadya ko lalo’t mag-isa ko ngayon sa bahay, wala na din sa Pilipinas si Bagyong Maring. Ngayon ko papanuorin yung The Conjuring. Nakakabingi kase dito sa bahay nitong mga nakaraang araw, anlakas ng ulan.




Overrated naman mashado yang The Conjuring. Nakakatawa ang mga fb posts at tweets. Mukha ngang scary pero not to the extent naman siguro na hindi ako makakatulog. Hype na hype lang. Alam mo yung maniniwala ka na sana pero nag-decide kang wag na lang, kase ang OA kung pano sa'yo kinwento?


7.55 AM. Tapos ko na panoorin yung movie. Basically tungkol yung pelikula sa pamilyang bagong-lipat sa isang lumang bahay na murang nabili sa bangko. May limang anak na puros babae ang mag-asawang Perron at isang alagang aso (“Sadie”) na s’yang tanging living thing na namatay sa pelikula bukod sa mga kalapati. Ito ang aking kinilaw:

   1.)    Sa internet ko lang s’ya napanood kaya pwedeng malaki ang difference pag sa big screen. Months before pa magkaron ng special viewing sa Manila e madami nang available captain hook-clear copies nito sa bangketa.
   2.)    Nakakagulat lang. Pero lagpas 1 hour na, nag-aabang pa din ako ng ikakatakot.
   3.)    Hindi talaga intensyon na manakot lang. Nagkukwento din s’ya at dahil mabagal ang phasing, gusto din sigurong huwag maging “pilit” ang bawat scene. May mga mabagal kaseng magkwento pero bawat detalye importante sa kabuuan ng pelikula. Meron ding mabilis ang development nang storya, sobrang daming ganap hanggang sa magrambol na yung correlations (tulad ng ilan sa mga pinoy-horror films). May movies din na walang sinasayang na eksena, bawat frame ay may nangyayari.
   4.)    Sanga-sanga yung mga mumu sa kwento. Hindi mo alam kung sinong pinaka-leader ng mga nagmumulto. May batang lalaki (music box), may batang babae (hide and clap), may nanay (nagbigti), may maid (na epal lang). Lahat nabuhay sa iba’t ibang panahon at may iba’t ibang kwento. Di ko sure kung yung babaeng naka-nightgown sa ibabaw ng cabinet e parehas nung nanay sa secret basement at nung babaeng nagbigti sa puno.





   5.)    Nakakatulong din pag napapansin mong umaarte talaga yung mga artista. Kadalasan kase, binabawi sa tili at sigaw pero pag walang heavy scene, parang nagdudula-dulaan lang. Kunwari wala s’yang linya at nakukuhaan s’ya ng frame dahil katabi nung character na may dialog, madalas parang pa-tanga lang yung facial expression. Yung mga anak na babae sa pelikulang ito, parang magkakapatid talaga. Parang pamilya talaga sila kahit hindi sila magkaka-mukha.
   6.)    Akala ko since pamilya na may mga anak na puros babae at hindi pa magkaka-mukha e, ipapakilala pa nila isa-isa ang mga katauhan ng mga ito (na si Daughter A ay salbahe at nagnanakaw ng ulam kay Daughter B), which is tipikal sa mga nakaka-suyang kwento.
   7.)    Ang ganda lang ni Renesmee (Mackenzie Foy).
   8.)    Ano namang kinalaman ni Annabelle The Doll sa buong kwento at sigeng-gamit nila sa mga promo? Trip nila yan e. Sa sobrang konte ng mga pwede mong matandaan sa movie, gumagamit sila ng mga bagay o taong hindi naman talaga part ng pinaka-kwento. Si Annabelle the doll yung manyika na nasa bahay dati ng mga teenagers na hindi naman talaga kasali sa kwento ng Perron family. Sinurrender yung doll sa koleksyon ng mag-asawang Demonologist na ayaw pa-tawag na ghost hunter. At magkukunwari sila na may metaphoric meanings yun sa istorya. Remember yung nakakatakot na madreng may katarata sa poster ng The Devil Inside directed by William Brent Bell? Di ba, dinaanan lang naman yun ng camera sa movie, at wala namang malalim na kinalaman sa kwento at all?
   9.)    Nakakatakot yung sounds pag hindi pa nakikita yung multo. Pag naman rakrakan na yung takutan, hindi masyado pinapa-oa yung sound effects para may-sabit yung thrill. Tapos biglang gugulatin ka. Buti nga natutunan na nila yan. Di tulad dati, pag sa moviehouse ka nanood, bingi ka na pag labas mo ng sinehan.
   10.) Ang walang kamatayang gamit ng mga voice recorders at camera sa bawat kwarto ng bahay. Imagine na 1971 ang setting, at parang sa totoong buhay e hindi naman praktikal na maglagay pa noon para lang patunayan na may multong sumasapi at gumagalaw ng pinto. Anong silbi nun kung nakikita naman nila na talagang may mga pintong kusang sumasara? Para may pruweba sila dun sa pari na ayaw magperform ng exorcism? OA nung may camera bawat rooms. Oo nga’t nakita yung ghost na bumubulong sa nagsi-sleepwalk na si renesmee, so tapos? Walang silbi iyon bukod sa magbigay-chills sa mga mabibilis matakot. Hindi naman iyon video na nakakapag-solve ng isang question.
   11.) May mga details na hindi well-executed. Normal yan sa mga horror movies. Madalas pinapakita lang pero hindi naman ipapaliwanag ang koneksyon sa story. Ambiles tumalon, masyadong madaming gusto ipakita. Anlikot. Anyare sa mga kalapati nung pinalibutan yung buong bahay during the exorcism? Anyare sa lubid na ginamit pang-bigti?





Pag balak nila lagyan ng prequel o di kaya part 1 to 10, iisa-isahin nila yung mga antiques sa demonology studio ng mag-asawang Warren. Tas gagawan nila ng kwento isa-isa yung mga bagay na ginamit ng mga kaluluwa para magmulto. Hanggang maging mala-MMK na bawat movie na huhulaan mo yung title depende sa bagay na paulit-ulit pinapakita.

Watch The Conjuring here. Ang link ng movie ay idinonate ni Aisa a.k.a Manang Fe sa mga nilalang na walang pampanuod ng sine. Salamat, Manang Fe.






2 komento:

  1. conjuring, conjuring - lahat ng mga bata sa lugar namin are talking about conjuring. sa bahay, takutan sila ng takutan, nagbui-build up para sa pagpanood ng movie which finally happened last Monday. They were very hysterical after watching the movie, they said it was funny. The movie must not be that good if a five year old kid finds it funny.

    TumugonBurahin
  2. I agree. Masyadong pinapa-hype ng netizens ang movie na 'to.
    Nakakatawa lang. Mas nakakagulat s'ya kesa nakakatakot.

    TumugonBurahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...