23.8.13

Sweet Nothings

Paano ko magmahal? Uhmm, ganto na lang: Anong kaya kong ibigay pag nagmamahal? As much as possible, I want it to sound less cheezy. But I also want to be truthful. 

Lahat. I'd go beyond everything pag naiinlove. Walang sinusundang prinsipyo, walang pamantayan, walang sinusunod na righteousness at morals. Sa kanya na 'yun kung lolokohin n'ya ko. Kaya kong maging ibang tao kahit number 1 supporter ako ng pagpapakatotoo. Lahat ng meron ako, kaya kong isuko. I believe kase dapat hindi ka nagho-hold back. Yung rule na 40% puso-60% brain daw ang gagamitin? Di totoo yun! 100% dapat, walang sukli-sukli. Sa pagpili ng guy na worth suffering for (1st stage), dun mo ioveruse si utak. Mainly, 'yan ang dahilan ba't twice pa lang ako nakikipagrelasyon.


Love doesn't have to be complicated. Mali yung prinsipyong iiyak at iiyak ka pag nagmamahal, dahil ang totoong pag-ibig ay hindi nakakasakit. Hindi dapat intensyunal na nagpapaiyak. Darating at darating ang trials pero dahil sa all-giving ang pagmamahal, ibibigay mo ng buo at walang inaambang panunumbat ang bawat sakripisyo. Ikinakatwiran ng mga pilosopo, makakapag-paiyak at makakapag-paiyak tayo. Mali yun! Hindi dapat nagpapa-iyak ang totoong nagmamahal. Kung naubusan s'ya ng paraan, at yung pagpapaiyak na lang ang choice n'ya, CHOICE pa din yun. Pinili mong manakit. Hindi dapat okay lang na makapanakit. Hangga't kaya mo, hindi mo dapat maging option ang makasakit.




Masisisi mo ba kung ba't sobrang pihikan ako? 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...