28.8.13

Wanted: McDreamy


Nakakaiyak naman 'tong niluto ko. Pork Humba. Galing yung recipe sa dating supervisor ko. Di naman sa hindi s'ya masarap. Nagustuhan nga nila sa bahay e. Napaisip lang ako.. asawa na lang pala talaga ang kulang. Ilang taon na ba 'ko? 25. Dumaan ang nakaraang sampung taon sa buhay ko na parang wala lang. Nasayang sa pagbubuno't pagpapagal na maitaguyod ko ang sarili ko na walang kaagapay. Ganong mga panahon, walang patumangga ang mga kaedaran ko sa paglandi. Ang aga kong naging manong, ang aga kong nawalan ng gana. Natakot akong ubusin ang kabataan ko sa paglandi at walang marating sa hinaharap. Ironically, wala din naman talaga akong narating. Tough luck. How I wish lagi akong bata. 'De kung gumarutay na lang sana ako ng maaga.

  • Marunong magluto
  • Family-oriented
  • Malaman pero hindi overweight
  • Fit pero hindi ma-muscle
  • Mahilig sa aso
  • Magiliw sa bata
  • Magalang sa matanda
  • Street-wise
  • Mabango
  • Masipag
  • Hindi KJ
  • Hindi clingy
  • Maka-Diyos
  • Kumakanta, Sumasayaw (regardless kung magaling o hindi!)

This is my kilig checklist. Hindi naman siguro bawal kung partikular ako masyado sa katangian ng taong hinahanap ko? Checklist lang naman e. Pumapasok pa din naman tayo sa first day of class kahit hindi kumpleto ang school supplies natin di ba? Kahit lapis lang ang meron tayo't walang pantasa? Dahil alam mo namang 'yung presence sa unang araw ng meet and greet ang mas importante kase dun nag-uumpisa 'yung first impression nila sa'yo. Unang araw sa school = self-intro ng bawat isa + chit-chats + election of officers + more chit-chats. Pwede mo namang bilhin yung pantasa sa mga susunod na araw ng pasukan e. Karelasyon na hindi naman kailangang magaling kumanta at sumayaw from Day 1. Yung kaya lang mag-aral sa mga susunod na linggo't buwan ng pagsasama namin dahil mahilig din akong kumanta at tagahanga ng magagaling sumayaw. Pero ano naman ngayon kung hindi nga marunong kumanta? Ano naman kung palpal ang dalawang paa? Basta ba mamahalin naman ako ng buo. Pwede nang patawarin 'yun.




Ang batayan ng mga searchers ngayon ay naglalaro lang lagi sa tatlo: Estado ng Pamumuhay, Looks at Sex Performance. Pag wala ang isa sa tatlo, either panandalian lang or ligwak na agad. Ang kitid. 


Gusto ko ba ng mayaman? Wala akong tiwala sa mapepera at sobrang aware na mapera sila. Kaya ganun na lang ang bilib ko sa mga may-kaya sa buhay + may-itsura na walang halong kaplastikang hindi laging after sa kapwa n'ya may-kaya + may-itsura din. Yung ang hanap e pure true love lang talaga.

Nakakasuya din pag yung may-itsura e aware na gwapo s'ya. Hindi 'yung mga anga-angahang naghihintay lang ng compliment, huh? Yung may genuine humbleness sana na walang anumang pretentions. Yung confidence na hindi puro yabang. Ang klasik kasi n'yan pag may mga mukha nga e wala nang itinitirang misteryo sa katawan. Masyadong proud, bentang-benta n'ya sa iba ang sarili n'ya. Di ka na tuloy makapagpantasya kung anong itsura n'ya sa black na brief dahil sa fb pa lang, kabisado mo na ang kaluluwa n'ya. 'Ni wala nang itinago sa tao. Alam mo yung loneliest part ng pagiging average-looking? Pag 'yung mga good looking lang ang naglilingunan. Na pagdating sa'yo, 'di man lang lumalagpas ng 2 seconds yung tingin nila. Pero siguro yun talaga yung nakaka-enjoy dun. Pag unreachable at hindi easy-to-get si crush.. pero still pinursue mo, na bandang huli kayo pala ang magkakatuluyan.

Well importante din ang sex para sa'kin. Oo nga't hindi tayo lalaki-babae para mag-matter pa ang halaga ng virginity. Pero mataas ang respeto ko sa partner na hinintay ka talaga sa buhay n'ya bago isinuko ang Bataan. Ibig sabihin, hindi ka basta-basta. At mas lalong ibig sabihin, hindi s'ya basta-basta. Pero hindi s'ya requirement. Ayoko namang magde-demand ako ng ganung regalo pero hindi ko matutumbasan pag gusto n'ya ng kaparehong gift. Tuwing may partner ako, at mahal ko talaga, I always make sure 'yung sa 'min ang magiging best sexperience n'ya. Special dapat, meaningful, hindi quickie o basta mailabas lang. It has to be enjoyable, all of it, every bit of it. Bagay na hindi dapat ika-guilty o pandirihan after gawin. And then we'll do it again.. and again.. and again.. Pero.. gusto ko sa kanya lang. Dapat sa akin lang.



May ilang naligaw at nagmahal na sa akin noon pero wala e, hindi ko pa nakikita 'yung pang-MMK. Ewan ko ba, kwidaw ako masyado na hangga't maaari ayokong umabot sa punto na kailangang may mangako. Nakakadala din kasi pag iisipin mong may mga dumating na, at minahal mo sila pero hindi nag-materialize. Parang hindi mo na maibigay yung dating 100% na pagmamahal sa bago mong pinagbuksan ng pinto. Nakakapaso.

Madami pang isda sa laot. Siguro one time sisipagin din akong mamingwit. 






 
 
"Alam mo yung kahit gano ka pa ka-manas at kahit gano kabilog ang tyan mo.. ikaw pa rin ang pinaka-gwapo sa paningin n'ya? Yung hindi na oras-oras dapat i-confirm n'ya sa'yong ikaw ang mahal n'ya dahil secure kang 'ikaw' lang? Na hindi ka n'ya ipagpapalit basta-basta sa kahit na sinong artistahing may beefcake body at hot pelvic lines? Yan 'yung pagmamahal na hindi mo dapat sinasayang."



 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...