24.8.13

Amor Powers


I finally stood up for myself. S'ya yung may borderline personality disorder na tinutukoy ko noon. S'ya yung kaibigan na naaalangan akong i-confront dahil tinitimbang ko pa din ang importansya niya bilang kaibigan ko. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang ginawan ng masama and you have all the reason para tapunan sila ng juice or something pag nakasalubong mo, dahil sa panlalait at pangmamaliit na hindi mo natikman sa kahit na kaninong kontrabida sa buhay mo.. and yet hindi mo ginawa? Ikaw na ang ginalusan pero ikaw pa ang binlock sa FB dahil hindi mo sila pinayagang lumayo nang naisahan ka. Tumayo ka at ipinaglaban ang sarili mo sa pamamagitan ng pagpapatikim sa kanila ng mga hindi nila kayang i-digest. Ikaw ang binlock sa FB dahil hindi ka nila kinayang tapatan. Hindi ka nila kinayang patumbahin. Nagpalakpakan ang mga amiga mo na hindi ka nagpawala ng poise nuong dapat ay natutunaw ka sa pang-aalipusta nila. At dahil sa hindi sila nagtagumpay na gawin kang halimaw kagaya nila, e sila ang kusang natunaw at lumayo. 




Flashbacks. Lumapit s'ya. Nanghaharbat ng firrah. Nagpaliwanag kang maayos bakit hindi mo s'ya mapapahiram. Pero pinagwikaan ka sa timeline n'ya ng masasakit na salita dahil wala siyang magawa kundi awayin ka at pasukuin na kusang magpa-holdap. Akala nila ikaw pa din yung dati nilang nakilala na peace-loving princess. Hindi ka nagpa-holdap. At sinampal mo s'ya ng makalaglag-pangang dialog sa FB din. Hinding-hindi ka natakot magkulasan ang iba mong friends dahil mas kilala ka nila. At mas award ang pag-handle mo sa eskandalo. It's sometimes fun to unleash the bitch in you. Hinding-hindi ka na nila uli pagtatangkaang kantiin next time dahil kahit special awards sa pageant, hindi mo sila hahayaang magkaroon.



Sa buhay natin, hindi nawawala yung mga taong pagkatapos ka duraan at apihin e may apog pang humingi sa'yo ng pabor. Tawag dun, "fighting spirit". Kung hihingin ngayon ng pagkakataon, hindi ako matatakot ihambalos sa panga mo ang kamao ko. Pero hindi ko yun gagawin.


Dahil ako si Amor Powers.

At hindi ako ikaw.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...