23.8.13

#ALAB #PUSO

So tatanggalin lang ang PDAF? Hindi iha-highlight ang paglilitis sa mga nasasakdal? Magkukunware na noon pa hindi talamak ang kurakutan sa bansa? Hindi ba't ang tapang lang ng taumbayan noong si Renato Corona pa ang isinasakdal? 'Ni hindi siya kilala ng mamang naglalako ng pinya pero kung usigin at libakin ni Juan ay ganun-ganon na lang. Nasan na ang #ALAB? Nasan na ang #PUSO? Bakit dahil may mga pangalan ang kwestyonableng pinuno ay magiging maagap ang tao sa pagdinig ng mga posible nilang kabulukan? Ito na yun. Yung isa sa matitindi at laganap na panggagago ng ilang nasa pamunuan. Isa ito sa pinakatalamak na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Bakit magmemenor? Bakit hindi uusigin sa paraan kung gaano kabangis nating inusig noon ang nag-iisang may-posisyon (na baka nga inosente pa)? Hindi ito ang panahon para magkaroon tayo ng kinikilingan.




We demand, as taxpayers, that the senators and congressmen in the pork barrel fund scam investigated and charged accordingly, with full media coverage for the people to see.

Tama ang sabi ng mga pulubi sa kanto, totoong MAYAMAN ang Pilipinas.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...