23.8.13

Daluyong

Di ako sure sa nararamdaman ko sa ka-date ko ngayon. I don't want to keep him hanging. I know who I am and I know what I'm not. Hindi ako maselan at chuzi, pero parang mas okay na lang ata na maging single muna ako? May hole e. May emptiness pa din kahit ma-effort yun tao.


Sabi ni Dr. Love, madaling matukoy ang mensaheng gustong iparating ng puso. Pag gusto mong malaman kung tama para sa'yo ang taong idini-date mo: Hindi ka dapat makakaramdam ng "emptiness" sa unang 30 mins ng paghihiwalay n'yo.

Pag nakaramdam ka daw kase ng emptiness, maaaring kino-consider mo yung tao pero hindi talaga s'ya ang napupusuan mo. Para naman malaman kung boto ang puso mo sa kasalukuyang idini-date: After 30 minutes ng pagkawalay, mami-miss mo ito at malulungkot ka dahil doon-- pero not to the extent na makakaramdam kang may kulang sa pagkatao mo.


Siguro kasi matagal din walang nanindigan sa akin ng totoo. I'm not going to be unfair to him. Ayoko din maging unfair sa sarili ko.







Sobrang nakakalunod ang pag-iisa...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...