26.8.13

Camera Whores






Smiles are so much better than pa-cute poses.



Kahit hindi ka gumamit ng camera 360,

Kahit hindi ka magtaas ng kili-kili mo sa pictures,

Kahit hindi ka magpakita ng utong,

Kahit hindi ka magsuot ng animal hats,

Kahit hindi ka mag-gwiyomi pose,

Kahit hindi ka kumindat, kumirat, dumila, ngumanga, ngumuso, kumagat ng labi, mag-wacky face, magduling-dulingan, magtulog-tulugan, mag-duckface, mag-heart shape ng kamay, mag-shades, mag-reading glasses, mag-tilt ng ulo, magpapungay ng mata, maghubad, magpalobo ng kaliwang pisngi, mag-tiger look, mag-high angle shot, mag-gimme gimme, mag-gentlemen, mag-meme ng mcdo "kuya" commercial, mag-taas ng kilay, mag-flex ng muscles, mag-look up look up, magpakita ng puwet, magpakita ng bukol sa brief, mag-ipit ng boobs para lumaki, mag-yosi, mag-jump shot, magpakuha sa starbucks, magpakuha ng naka-tapis, mag-picture sa harap ng salamin, mag-picture sa cr at gumawa ng kung anu-ano pang mga pagpapanggap na kala n'yong lahat ay bagay sa inyo..







Kahit hindi mo gawin ang mga 'yon..


KUNG CUTE KA, CUTE KA.









                                         I was rummaging my old fb para sa "pinaka-awkward na camera pose award".                                          Meron din pala akong bahong nakaimbak. So far, this is my best draft pick. 







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...