Sensitive
friends. They’re sickening sometimes! They are sweet most of the time and
appreciative pero there are times na they tend to bring you down too. Minsan
mas gusto nilang hindi mo naeenjoy ang lahat dahil sa hindi rin sila nag-eenjoy
sa sitwasyon. Dapat bumagal ang bounce mo na kapantay or minsan nga dapat mas
mabagal pa sa indayog nila.
Nakakainis na
din at nakakasawa paminsan. I try so hard to always cheer him up everyday.
Madami s’yang issues sa paligid n’ya and alam kong minsan hindi n’ya alam kung
paano idi-deal ang mga problemang yun. Hindi din n’ya alam kung paano ieexpress
ang anger n’ya. You need to be very careful walking on eggshells and all I want
to do is not to waste my own energy over a nonsense feeling na kahit s’ya hindi
malaman ba’t n’ya nararamdaman.
Wala na s’yang
hindi kagalit. Gasinong pati hindi s’ya madalas nakakausap e kaya n’yang
tapunan ng maraming panlilibak sa imahinasyon n’ya. Madalas nakaka-nega pero
since we are good friends, wala akong choice. I used to enjoy his company.
Napapatawa namin ang isa’t isa at sabay naming inookray kahit sinong
mapagtripan lang. Pero hindi ibig sabihin noon ay may personal na kaming galit sa
tao. Hindi ko alam kung bakit hindi n’ya matakasan ang mundo na yun at kung
anong maisip namin e yun na ang nagyayari sa katotohanan. Matanda na s’ya at
hindi magandang sa akin pa n’ya naririnig ang mga payong minsan s’ya lang ang
may kailangan. Either magbibingi-bingihan s’yang hindi idi-deal ang problema or magagalit s’ya at isusumpa pati pangatlong salinlahi ng pamilya ko.
Sabi ng manager namin
at ng ibang kaopisina ko ay bipolar din nga ang nababasa nila sa pag-iisip na
meron ang kaibigan kong ito. Ambilis ng switch n’ya mula sa masayang huntahan
hanggang sa may marinig s’yang isang bagay na against sa kanya at totoo at
hindi n’ya ganun kadaling mairereverse sa mga nakarinig, ay bigla s’yang
magiging halimaw na ia-attack ka sa paraang hindi mo deserve at hindi mo naisip
na kaya n’yang gawin sa’yo. At dahil nga manipulative s’ya, kaya n’yang takasan
ng ganun lang ang clash na nangyari sa inyo at magpapanggap s’ya na hindi
katulad ng iniisip mo ang totoong nangyayari. Bakla na nga s’ya, babaklain ka
pa.
I
care for him pero siguro nga masyado ko s’yang sinanay for being his only
audience. Nakikinig ako sa mga hang ups n’ya sa mundo at pag pinakinggan ko s’ya
minsan ay inilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon n’ya para maintindihan ang
pinanggagalingan n’ya. Siguro masyado s’yang nasanay sa pagpapakitang-gilas na
akala n’ya ay may kumukunsinti sa kanya.
Gugulatin ka na
lang ng sudden burst of anger na noon pa pala n’ya itinatago sa dibdib n’ya.
Magagalit sa hindi rational na dahilan. Kahit s’ya hindi n’ya din masagot kung
paano at saan nag-umpisa ang pagtatanim na ‘yon. Clearly, meron s’yang
Borderline Personality Disorder. Baka dahilan ng araw-araw na problema na
iniatang sa kanya mula sa pamilya, sa partner n’ya at sa kung anu-ano pang
pagkukulang ni ganito o ni ganyan sa kanya. Pero hindi naman siguro tama din na
samantalahin mo yung kakaunting kaibigan na piniling manatili sa’yo para pagbuntunan
ng grabeng emosyon dahil lang sa hindi mo nakuha ang isang bagay, at dahil alam
mong hindi ka isusuko ng mga ito.
Ngayon, medyo tinitikal-tikalan
ko s’ya dahil akala n’ya matatakam n’ya ako sa mga pamatay n’yang okray sa mga
nasa paligid namin. Hindi ko na s’ya kinukunsinti at hindi na rin ako
sunud-sunruran sa mga mood swings n’ya. Pinapakita ko sa kanyang kaibigan n’ya
ako pero hindi ibig sabihin ay tiklop na ako sa kanya. Bihira na s’ya magalit
at bihira ko na din ientertain lahat ng mga hatred updates na baon n’ya
araw-araw. At ngayon na kahit binubombard n’ya ako sa mga social networking sites
in form of pasaring at pa-blind item. I don’t fucking care anymore. Hindi na ako
masyado naaapektuhan unlike before.
Hindi na n’ya
ako maaapektuhan ulet, unless hinayaan kong magpaapekto ang sarili ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento