Last December 1, 2012 pa ipinalabas ang kontrobersyal na episode ng MMK
 na pinamagatang "Pulang Laso" sa ABS-CBN Channel 2 starring Joem Bascon
 and Carlo Aquino. Matagal ko ding hinanap ang full video nito sa 
internet. Naabutan ko pa ang first ten minutes ng palabas pero aligaga 
na ako noon dahil may shift pa kasi ako that night. Salamat kay 
acebryancalaguas at kay pinokyopinoyako ng youtube.
 
     Inabangan din ang episode na ito ng mga ka-vicki-han at ng buong 
bayan. Umani ng magagandang reviews ang palabas ngunit hindi din nawala 
ang pagsulputan ng mga panghuhusga ng may makikitid na pag-uutak. Kudos 
sa show sa pagpapalabas ng kwentong ito dahil hindi lang nila naipromote
 ang World Aids Day kundi kinurot din nila ang kamalayan ng pamilyang 
pinoy na marahil ay may isang mahal sa buhay na maaaring nakaka-relate 
din sa parehong sitwasyon. Kudos kay Mareng Charo dahil bihira na lang 
s'ya sumulpot ngayon sa palabas habang hawak ang stationery na 
pinagkopyahan lang ng orihinal na sulat ng letter sender. Payo mula sa 
isang masugid na tagasubaybay, sana makabili na s'ya ng sariling 
computer para doon na lang niya direktang basahin ang mga kwentong-buhay
 na natatanggap nila every Saturday. Bilang Presidente naman s'ya ng 
Kapamilya Network. (Note: May laptop na s'yang katabi lagi ngayon sa 
lamesita pero hula ko ay hindi sa kanya iyon. Parang pinalagay lang. 
Nanghiram na din ay sana tinanong na ang password, di ba?)
 
     Sana maenjoy n'yo din ang kwento nila Kevin at Alan, kung paano 
pinahagulgol nito ang kaibigan kong si Honeylette Mikaela Payagpag Jr. 
At para mas conducive sa pag-eemo, i-play na din ang senting "Ikaw at 
Ako" ni  Johnoy Danao.
     --No, these are not tears in my eye. They're just allergies.
"Isa lang ang buhay natin, samantalahin ang oportunidad na mabuhay tayo nang mahaba at masaya upang makapaglingkod at maging biyaya tayo ng mas matagal sa lahat ng mga mahal natin sa buhay." 

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento