Nakaka-aliw pag second week ng klase. Panahon para maging
palagay, magpalabasan ng tingkad at pusyaw. Kanya-kanyang pasabog, pabida.
Kanya-kanyang showcase ng kabulukan. May proud. May mapag-malinis. At meron
ding wala kahit ga-tingang kunsensya.
Mga pagmamaasim na hindi naman kayang tukuyin ng tuwiran sa
tao na pinapatungkulan. Nakakalungkot kung paanong nakatuon lang ang mga tao sa
pangkasalukuyang interes. Hindi nagdadalawang-isip na maaaring hingan din n’ya
ng saklolo ang mga ito sa hinaharap.
Ubusan ng lahi. Lait
kung lait. Paramihan ng taga-sulsol. Mas maraming taga-sulsol, mas pala-away.
Batuhan ng mga salitang nagiging pantal. Pantal na nagiging maga. Magang
nagiging sugat. Sugat na nagkakaroon ng naknak. At naknak na nagiging pilat na
hinding-hindi kayang burahin ng matatamis na pang-uuto at pananalita.
At ako ang paborito nilang bahagian. Ang tahimik, walang-malisya,
walang-masamang-tinapay at napaka-supportive na piping-saksi. Nandito sa sulok.
Tahimik lang at hindi nakiki-sayaw. Gini-greydan ang bawat tumbling.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento