6.9.13

Young Love



Naaalala n'yo pa ba ang first heartbreak ninyo?

Mine was fifteen years ago. Tuwing matatapos ang klase, naghaharutan ang buong section namin bago magsiuwi. Taguan ng bag. Batuhan ng papel. Pahiran ng chalk sa mukha. Boys vs Girls. Nagpapakwento ako noon sa katabi ko tungkol sa paborito kong palabas na hindi ko napanood nung nakaraang araw. Biglang may bumatok ng malakas sa ulo ko. Tawanan ang mga seatmates ko dahil halatang na-shock ako. Paglingon ko sa kanya, nagpilit akong ngumiti at kumanta:


"Di naman masakeeet! Di naman masakeet!"



Pag-uwi ko ng bahay, nagkulong ako sa kwarto, nagtalukbong at humagulgol.


 
"Crush ko 'yung bumatok sa akin.."




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...