Kaunti lang ito sa maliliit at interesanteng mga bagay tungkol sa akin. Bukod sa pagta-trash talk may iba pa pala akong ibang hilig gawin, akalain mo 'yun? I'll try to update this post pag may naisip pa akong ibang mga trivia tungkol sa kung sino ako.
|
I'm a huge fan of great and interesting cover songs found on YouTube. I always play them on repeat. |
|
Solo playt ako sa bahay. Kasama ko lang ay ang chi na si Corbin. He adopted me. |
|
Takot ako sa pustiso. Kahit sa mga may-dentures lang. Sorry, no offense. Di ko alam kung kaya kong humawak nun. Lalo na 'yung pustisong nakakabit pa
sa bibig. Ayaw ko talaga. Yun tipong pag nagsalita, tsaka ko pa
lang madi-discover? Nanlalamig ako na hindi ko maexplain tas
pinapawisan ako ng malapot. |
|
My tat signifies the union of opposing energies. The merging of yang and ying as the opposing forces of good and bad. I had my first tattoo done five years ago. When I was heartbroken.
When I was immature. That time when I thought hurting myself could lessen the pain inside |
|
Circa 2004. A midnight with Karen Davila. Idol ko s'ya dati kahit andami n'yang kontrobersya (remember the lipstick issue). Siguro madami ding nainggit non kase ako ang natoka para makapanayam s'ya. Kami ang nagsara ng abs-cbn as in literal na inumaga kami.
Nag-uwian na noon lahat ng staff ng The Headlines bago nya kami hinarap. Ayos lang yung paghihintay kung fan ka talaga e. Pero yung kung pano mo pakikitunguhan yung mga kinse anyos na batang nagtyaga para lang sa karamput na oras mo?
Ang bait n'ya. SHET. Sarap n'ya gawan ng hate group. |
|
Sobrang gusto ko si Emma Watson. Noon at ngayon. First crush ko 'yan e. Kasabay ko kase s'ya lumaki. Hindi kikita sa akin ang HP (ulit-ulit kaming manood sa sine) kung di lang dahil main cast s'ya dun. Haha. Kaso, anyare sa'ken? |
|
Favorite cartoon program ko. Parang kelan lang. May unity kami sa tv every saturday night. Bonding time namin ni Kuya Sherwin. How I wish lagi akong bata.. |
|
TV
Series na malapit sa puso ko. Pinaggayahan ng "Ang Munting Paraiso" ni Coney Reyes. Maganda din yun, kung hindi lang nag-focus sa iyakan. Well, mas gusto ko ang 7th Heaven. For obvious reasons, nagugustuhan natin at kinaiinggitan yung mga bagay na wala tayo. Nakiki-sintemyento ko sa mga characters dati
pag may prob sila or may nag-away sa kanila. Apektado ako kase pinaniwala ako
nito na may pamilyang ganto talaga sa totoong
buhay. May re-run ng isang buong season nito sa channel 9 dati tuwing mahal na araw. |
|
Ito ang pinaka-paborito kong book noong bata pa ko. Binabasa-basa ko pa din ito, this time sa iba namang mga tao. Storyteller ako ng mga
bagets kong kapit-bahay pag absent yung teacher-teacheran nila.. |
|
Pinangalan si kuya (Sherwin) sa isang brand ata ng pintura. Ipinangalan naman daw ako sa artistang gumanap sa pelikulang Oliver noong 1968. Mark Lester ang pangalan nung child actor doon. |
|
Sisig ang paborito kong ulam, pulutan, meryenda, comfort food at dessert. Lalo na 'yung madaming sibuyas! |
|
Miss Swan for me is the funniest thing ever! |
|
Halos apat na taon akong nagpahaba ng buntot sa buhok. Symbolism ko iyon na "mas mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang kahit na sino". Tatlong beses akong umulit sa maiksi dahil lagi kong nakakalimutan sabihin sa barbero na iksian n'ya 'yung hairstyle ko "pero wag putulin 'yung buntot". Last week ako na mismo ang pumutol dahil ito na ang huling-huling beses na magpapatubo ako noon. Pag punta ko sa barberya this week, magpapa-clean cut na ko ulet. |
|
I've realized that for my entire life, I've never had a best friend. May mga taong akala ko pwede ko silang matawag na ganon dahil tinrato ko sila bilang barkadang-dikit number 1, then I will just find out they
don't think of me as the best friend I think of them as. Akala ko normal lang ito since palipat-lipat ako ng mga tinirhan nung bata pa ako. Kunwari naman hindi ako maghahangad na gawin din akong bestfriend ng taong itinuturing kong ganun, lagi namang tinitira nila ako ng patalikod kahit alam kong magka-ayos kami. Lumaki akong hindi kinukwestyon bakit walang taong magiging matapang panindigan ako sa buhay nila... dahil tumanim sa isip ko na siguro talaga lang masama ang mga tao. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento