Talk shit reports in generous portions. ☺ My aftertastes of lunacy. ☺ Served with bottomless feisty and unlimited lies.
6.9.13
The Many Lives of Sexy Pancake
Meet @sexsypancake.
Ang kabogerang hot momma ng Thailand!
Hanapin si Sexy Pancake.
PACK!
Akala n'yo si Solenn Heussaff, 'no? Mga impakto kayo. Mas maganda pa s'ya dun! S'ya si Niwat Sangmor, a.k.a "Sexy Pancake". Sa loob ng isang buwan ay viral agad ang video ni badet pagkatapos i-upload sa social networking sites ng mga baktiryang kalalakihan ang video, kung saan pinagtripan s'yang pasayawin sa gitna ng isang kalsada sa kanilang probinsya. Kala mo'y na-overdose sa Combantrin, bigay-hilig na gumiling-giling ang 25 years old na lilybeth at animo'y isang bulateng hala, sige, mega-G Force sa kaparangan kesehodang mawalan ng malay. Kasabay noon ay ang pagsulputan ng hindi mabilang na fan pages ni Niwat sa Facebook. Ang official fan page ay mina-manage ng close friend n'yang si Sura Narin,
who came up with the idea of posting humorous photographs of a
bikini-clad Niwat in various countryside activities. Set up in May, the
page went viral in less than two months and has since gained a huge
following among Thai citizens. Sunod-sunod din ang pagkaka-feature ng kanyang life story sa mga TV programs sa kanyang bansa. Doon ikinwento ang struggles n'yang makakuha ng diploma thru adult education program, ang desire n'ya na maging ganap na bilat at ang pilit na pagganap sa mga pang-bruskong trabaho mairaos lang ang mahirap nilang pamumuhay. Nakatira s'ya kasama ng kanyang lola at isang alagang baka sa maliit na bahay sa Waeng Noi district na matatagpuan sa bansang Thailand.
Ngayon ay maraming raket si Sexy Pancake, kaliwa't kanan ang TV guestings n'ya. Laging may bookings na mag-perform sa mga gay bars na chill-chill ang ambiance at disco-discohan lang till sunrise. At kumapit ka na, she is also publishing an autobiography, set to be released this year. Hahaha. Mag-sorry ka sa kanya.
Pina-paalalahanan ang lahat na mag-pababa muna ng kinain ang mga katatapos lang kumain. Matulog ng maaga at magdasal pagkatapos basahin ang post na ito. Huwag n'yo kong i-blackmail, mag-hire kayo ng sarili n'yong albularyo na magta-tawas sa inyo kapag kinailangan.
Sa pelikula na unang ginampanan ni Priscilla Almeda, "Halimuyak ng Babae" (The Bilasa Sequel)
Miss Congeniality 3: Armed and Fabulous and Creepy
"Ang tunay na maganda, hindi nagtu-toothbrush pagkagising at bago matulog. Ang tunay na maganda, hindi nagtu-toothbrush at all."
Si Sexy Pancake lang ang nag-iisang Thai model na magaling mag-adlib at hinding-hindi nag-uulit ng pose. 'Ni hindi na kailangang turuan ng photographer. Pakshet.
I am so beautiful you will feel like you're wasting your time when you're not looking at me.
I may be a teenager but I'm still a child at heart. :))
This is what you call a conceptualized photo. Nicely done, miss. Nicely done.
Ang tunay na maganda, hindi nag-e-edit ng picture. Totoong umaakyat sa tuktok at lumulundag. Una ulo.
Petition for Sexy Pancake to replace Tyra on ANTM.
Effortless beauty. Kabogerang tunay.
"I'm better than pornography..."
Nang mag-booty tooch ang ulam.
Pauwiin na yung nasa left, hindi naman magaling. Ang sakit lang sa mata!
Sa pelikulang, "Anong pipiliin mo: Troso o ako?" -- Wow. Just wow.
Sossy at ingliserang kolehiyala? Yeah baby. Pang-throwback noong nag-all girls school s'ya.
Clavicles are the sexiest part of a woman's upper body.
Very non-conventional pose! Kailangang mag-workshop nung gurl na nasa baba.
Dapat nga daw kase passionate sa lahat ng bagay. Kahit nagbo-bomba ka lang ng poso.
Sana biglang mag-on 'yung makina, tas ma-ground sha.
Ayaw talaga paawat ni ma'am. Ay! Teka.. Maibalibag 'tong pc!
Tang-ina. Mina-migraine ako sa'yo!
R-18+ . Kailangan ng malawak na pag-iisip para maintindihan ang sining na 'to.
Sa pelikulang, "Libre Sagasa, Basta Dapat Sure Kill"
Hindi ito 'yung video na may pinakamaraming hits. Nagdadalawang-isip kase ako sa video na 'yun e. May mga totoy s'yang kasama sa tabi. And mas nakakasira s'ya ng araw panuorin. Masaya ako para sa kanya kung masaya talaga s'ya sa ginagawa n'ya. Grabeng pinatawa n'ya ako nung una ko s'yang na-discover. Walang sinuman ang nasa posisyon para husgahan at ituro ang bagay na dapat lang magpasaya sa isang tao. Pero kung deep inside pakiramdam n'ya nababastos na s'ya, sana alam n'ya na walang kayang bumaboy sa pagkatao n'ya kung hindi din n'ya papayagang mababoy s'ya. Matatanda na tayo, ayoko na magpaka-preachy. Let's just enjoy every bit of life. FUNNN!!! :))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento