PIG
OUT (noun) - If you have an unli-rest day and you lock yourself inside your
room. Walang ligo-ligo. Hindi ka lalabas ng bahay. Magdi-dvd marathon
ka hanggang mabulag. Kakain ng kahit anong masarap na pagkain hanggang
sa pagkain na mismo ang sumuko sa'yo. Hanggang sa magtutong na ang damit mo at kumapal ang mga ngipin mo. Hanggang sa kung kailan dinner time dapat ay doon mo kakainin ang mga meals na pang-almusal. At pag alas-sais ng umaga nama'y nagka-crackers ka imbes tinapay. That's when you're pigging out. Just exactly what I'm doing right now.
Binabangaw ang hugasan. Naghalo sa sahig ang mga mumu ng pinagkanan. Kudos sa'yo kung mahuhulaan mo kung ano sa mga kalat ang sitsiryang para sa tao at dog food. Lagpas isang buwan na kong nag-iinaso pagkatapos na lisanin ko ang dati kong bilangguan sa Eastwood. Kabisado ko na ang mga palabas locally and pati sa cable, kahit mga slogans ng TVC's alam ko na din. Alam ko na ang schedule ng mga tv programs at kung kailan sa buong maghapon maglilimayon ang mga may-sense panoorin. Most of the time, nagdi-DVD marathon lang ako. Basura ang palabas sa telebisyon. Puro lutu-lutuan ng mga dishes na imposibleng maluto sa aktwal ng ganun kasarap. Puro pag-iinarte sa mga walang kapararakang bagay. Wala ng producers ang sumusugal sa mga kakaiba at mas interesanteng programa. Lagi sila dun sa mga pa-safe at kung ano lang ang kinagisnan na.
Ang first and last scene ng paborito kong tv series na Lost. |
Tatlong taon nang nakakaraan after ng finale episode ng LOST. Tatlong taon na ding nasa akin ang kumpletong bala ng mga dvd nito mula seasons 1-6 at ngayon ko lang natapos itong panoorin. Pinaiyak ako ng tv series na ito dahil imagine, tinutukan ko s'ya ng walang sagabal na trabaho o gawain. Pinaglamayan ko s'ya ng husto at nakaka-straight sampung episodes ako sa isang upuan lang. Sa wakas tapos na ito, nagsisimula ko nang tawagin ang mga characters na para bang kasama ko sila ngayon at nag-e-exist sa tunay na buhay. Kailangan ko ng ibalik ang dati kong buhay. Dumadagdag ang araw ay namomroblema ako kung sang bangko ako magba-baklas ng vault para may maipambayad sa bills. Nagpapasalamat lang ako at nagkaron ako ng chance na maging petiks ng ganito. Antagal ko na ding walang naging pahi-pahinga at puro ako noon trabaho.
Mas naaalangan ako kesa natatakot sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Ayoko namang maging sobrang kompidante na madali lang maghanap ng susunod kong magiging bilangguan. Sana lang huwag na akong gumawa pa ulit ng maling mga desisyon. Lahat ng pag-aalala na ito ay mag-uumpisang mawala kung mag-umpisa na din akong bumangon at mag-inat inat ngayon. Ang hirap ng walang inspirasyon. Habang kini-click ko ang 'publish' button ng post na ito ay s'yang tumutugtog naman ang "Today My Life Begins" ni pareng bruno na saktong-saktong hinihingi ngayon ng sitwasyon sa kung anong dapat maging vibe ko.
Yeah baby. Babangon na 'ko. Dapat. Kailangan.
Maglilinis na ako ng bahay. Maghahanap ng kulungan. At hahataw.
"Espirito ng Kasipagan... ngayon din, tinatawagan kita sampu ng iyong mga----"
Uhmm.. o di kaya mamya na lang siguro? Or bukas? O mga early next week?
Zzz... .. . . . . . .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento