Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tv series. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tv series. Ipakita ang lahat ng mga post

7.9.13

Ni Hao.. Kailan?



PIG OUT (noun) - If you have an unli-rest day and you lock yourself inside your room. Walang ligo-ligo. Hindi ka lalabas ng bahay. Magdi-dvd marathon ka hanggang mabulag. Kakain ng kahit anong masarap na pagkain hanggang sa pagkain na mismo ang sumuko sa'yo. Hanggang sa magtutong na ang damit mo at kumapal ang mga ngipin mo. Hanggang sa kung kailan dinner time dapat ay doon mo kakainin ang mga meals na pang-almusal. At pag alas-sais ng umaga nama'y nagka-crackers ka imbes tinapay. That's when you're pigging out. Just exactly what I'm doing right now.




Binabangaw ang hugasan. Naghalo sa sahig ang mga mumu ng pinagkanan. Kudos sa'yo kung mahuhulaan mo kung ano sa mga kalat ang sitsiryang para sa tao at dog food. Lagpas isang buwan na kong nag-iinaso pagkatapos na lisanin ko ang dati kong bilangguan sa Eastwood. Kabisado ko na ang mga palabas locally and pati sa cable, kahit mga slogans ng TVC's alam ko na din. Alam ko na ang schedule ng mga tv programs at kung kailan sa buong maghapon maglilimayon ang mga may-sense panoorin. Most of the time, nagdi-DVD marathon lang ako. Basura ang palabas sa telebisyon. Puro lutu-lutuan ng mga dishes na imposibleng maluto sa aktwal ng ganun kasarap. Puro pag-iinarte sa mga walang kapararakang bagay. Wala ng producers ang sumusugal sa mga kakaiba at mas interesanteng programa. Lagi sila dun sa mga pa-safe at kung ano lang ang kinagisnan na.

Ang first and last scene ng paborito kong tv series na Lost.

Tatlong taon nang nakakaraan after ng finale episode ng LOST. Tatlong taon na ding nasa akin ang kumpletong bala ng mga dvd nito mula seasons 1-6 at ngayon ko lang natapos itong panoorin. Pinaiyak ako ng tv series na ito dahil imagine, tinutukan ko s'ya ng walang sagabal na trabaho o gawain. Pinaglamayan ko s'ya ng husto at nakaka-straight sampung episodes ako sa isang upuan lang. Sa wakas tapos na ito, nagsisimula ko nang tawagin ang mga characters na para bang kasama ko sila ngayon at nag-e-exist sa tunay na buhay. Kailangan ko ng ibalik ang dati kong buhay. Dumadagdag ang araw ay namomroblema ako kung sang bangko ako magba-baklas ng vault para may maipambayad sa bills. Nagpapasalamat lang ako at nagkaron ako ng chance na maging petiks ng ganito. Antagal ko na ding walang naging pahi-pahinga at puro ako noon trabaho.




Mas naaalangan ako kesa natatakot sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Ayoko namang maging sobrang kompidante na madali lang maghanap ng susunod kong magiging bilangguan. Sana lang huwag na akong gumawa pa ulit ng maling mga desisyon. Lahat ng pag-aalala na ito ay mag-uumpisang mawala kung mag-umpisa na din akong bumangon at mag-inat inat ngayon. Ang hirap ng walang inspirasyon. Habang kini-click ko ang 'publish' button ng post na ito ay s'yang tumutugtog naman ang "Today My Life Begins" ni pareng bruno na saktong-saktong hinihingi ngayon ng sitwasyon sa kung anong dapat maging vibe ko.


Yeah baby. Babangon na 'ko. Dapat. Kailangan.
Maglilinis na ako ng bahay. Maghahanap ng kulungan. At hahataw.

"Espirito ng Kasipagan... ngayon din, tinatawagan kita sampu ng iyong mga----"



Uhmm.. o di kaya mamya na lang siguro? Or bukas? O mga early next week?




Zzz...  ..  .  .  . .  .  .


3.9.13

Poser Posters



Kalokalike ba o Kaloka?  :DD



Ang very identical posters ng hollywood movie na "Gone" at pinoy drama series na "Huwag Ka Lang Mawawala". Hindi ako maniniwala pag walang umamin na may isang gumaya sa isa. Pag sinabing nagkataon lang, sorry talaga, but I won't buy it. Napanood ko na 'yung movie na ito ni Amanda Seyfried. Walang ngang pagkakatulad sa kwento ng serye ni Jodie Ann. I'll give them that. Pero juice ko naman.




Walang karapatang mag-angas ang sivin dahil hindi pwedeng nagkataon lang din ang pagkakahawig ng hollywood movie na ito ("The Reader") sa overrated pink drama ng GMA na "My Husband's Lover". Obviously, walang pagkakatulad ang storya ng dalawa. Pero. C'mon, sikat ang pelikulang ito ni Rose. Nanalo s'yang pareho sa Golden Globe at Oscars. Aling video shop sa mundo ang hindi magpaparenta sa bala ng The Reader para sabihing nagkataon lang at hindi sila pamilyar dito? My gulay.






Pagkakita ko sa poster ng Amorosa, ang hollywood movie na "Excision" na agad ang na-imagine ko sa indie na 'to ng StarCin. Halos magkalapit lang ang release date ng local film na 'to sa release date nung isa sa US. Pero bago pa i-produce ang Amoro, kinukwento na ata online ang synopsis ng foreign movie na 'to. May still shots na din at movie poster sa google para sa mga Captain Hooks. Tsk, tsk. Baka naman nagkataon lang. Pero may mga nag-comment na noon, hawig din daw sa concept ng "A Tale of Two Sisters" ng South Korea ang poster. S'yempre may ilang nabago. Still, kamukha.






At sino bang makakalimot sa eerily similar movie posters ng "Guni-Guni" at Thai movie na "Alone"? Hindi na ko nag-comment noon sa plagiarism issue na ito ng pelikula ni Mother Lily. Kawawa. Hindi pa pumapalo ang showing date, award na sa negative feedback. 'Ni hindi man lang kumalahati si Lovi sa kinita ng kasabayan nitong movie ni Rosario Maurer na "Corazon: Ang Unang Aswang".






Lastly, ang movie ni Tetay na signos ng pag-embang ng karera n'ya sa horror film industry. May sulyap na umi-"Scream 4" yung design na naging "Cabin In The Woods" bigla e. Panalo yung smudges ng tunaw na red blush on na ginamitan ng matigas na brush sa pisngi, sa noo at sa baba. Ganun pa man, ang obvious ng plagiarism dito 'te. Wag naman masyado pa-halata. Lalo na kung umaasa kayong hindi magiging flop yung pelikula, wag masyado ma-give away lalo't hindi naman dekada ang pagitan nung dalwang movie. (Para sa akin, fair at ayos naman ang kwento ng CITW, na ayaw ng mga dati kong officemates na sina Heart at Leila. Napaisip ako that time kung napanood na ba talaga nila o nang-aasar lang sila na pagtulungan ako.)






--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Well, hindi naman natin 'yan gawain. Mas talamak pa din ang bastos at harap-harapang pagnanakaw ng ideya ng Bollywood at Chinese movies sa posters ng Hollywood films. May mga mangilan-ngilan na napupuna tayo locally lalo na sa content ng kwento, na sigurado ka kung anong foreign films ang pinagkunan. Mga pangongopyang manaka-naka lang sa umpisa, tas ididikit sa konsepto ng isa pang sikat na pelikula o tv series para mas hindi halata. Mga kahihiyan na kapag hindi natin tinutukan at pinukol ng pinukol e magiging bisyo ng mga tamad na graphic artists at marketing departments sa bansa. Ang normal talaga, sanay ang Pilipino sa walang-lusog na konsepto ng paggawa ng movie posters. Pag sinabing posters ng pelikula, 'ni walang tumatatak sa isip ko kundi 'yung mga cheezy, formulaic at pa-safe na mga pinoy film poster designs. Kung saan karaniwang pinagdidikit lang ang tila may-hydrocephalus na ulo ng isang magandang leading lady at isang gwapong lead actor. Then palilibutan ng mas maliliit na mga ulo ng supporting casts na lahat ay mga naka-pakengkoy face.







Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...