Ipinapakita ang mga post na may etiketa na book & film reviews. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na book & film reviews. Ipakita ang lahat ng mga post

6.10.13

May Amnesia Si Garl




“Sabi sa census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya, pero humarang yung pedicab.
May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap.. at may iba na sumuko na.

Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na.. pinakawalan mo pa.”





Mangilan-ngilan lang ang mga love story films na gawang-pinoy ang may-recall sa atin, mga limang taon pagkatapos itong  ipalabas sa sinehan. Sa generation ko, One More Chance ang nangunguna d'yan. Wala 'kong matandaan sa mga markadong materyal ng ibang film production companies, bukod sa mga gawa lang ng Star Cinema.

Isa ang My Amnesia Girl sa pinakapaborito kong pelikula na nabibilang sa ganitong tema. Tamang feel-good lang na hindi intensyunal ang pagpapa-kengkoy para ma-detour sa totoong tinatalakay which is ‘yung love story nila. Bagay na bagay sa mga roles nila 'yung mga gumanap na artista. Totoong-totoo kung pano in-execute nung direktor ang mga eksena.

Unang dinig ko sa title at casting, panibagong plagiarism na naman kako ito ng pilipino sa mga pelikulang banyaga. Malamang, ni-recycle na kwento lang ito ng "50 First Dates" ni Adam Sandler, kung saan nagkaron din ng weird na uri ng amnesia ang character ng lead actress na si Drew Barrymore. Na-goyo ako. Right after watching this movie, I slept with a smile on my face.


Lahat nga tayo ay darating sa punto ng buhay naten na matatakot tayong harapin kung anong bukas ang naghihintay kasama ang taong pinili natin. Paano nga kung mawala ‘yung sarili natin along the process? Paano kung puro ‘tayo’ na lang ‘yung mangyari at katapus-tapusan ay kulang pa pala ‘yung kaya natin ialay sa tao na ‘yun.

Gustong-gusto ko ‘yung ideya na iniwan si Irene (Toni) ni Apollo (JL) sa altar ng simbahan dun mismo sa araw ng kasal nila. Bibihira pero nangyayari sa totoong buhay. Pwedeng isang lingo bago ang kasal. Isang buwan pagkatapos ng engagement, o di kaya’y isang gabi pagkatapos nilang bumuo ng mga pangarap.


 

Irene: Layo pa, Pol. Layo pa. Sige pa. Layo pa.
            Pol: May tama pa ba to?
               Irene: Meron pa. (almost breaks her voice)


Madami pa ding duwag sa pagmamahal. Akala natin ‘yun na, pero sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon, mauudlot. Nawawalan ng rason para ilaban ‘yung mga bagay na sa simula’t sapul ay itinaga natin sa batong ipagtatanggol natin. Pero hindi natatapos sa unang subok ang bawat hamon. Pag nawalan tayo ng dahilan para ituloy ang isang bagay na alam nating nagpapasaya sa atin noon, lingunin uli natin ‘yung nag-iisang rason na natira para isugal ang buhay natin kasama s’ya.


Malamang hindi sang-ayon sa inaasahan natin ang magiging outcome, pero it’ll be worth it. Sabi nga ni Bradley Grieve, love, in all its fragile forms, is the one powerful, enduring force that brings real meaning to our everyday lives... but the love I mean here is the fire that burns inside us all, the inner warmth that prevents our soul from freezing in the winters of despair.



29.9.13

Thai Lovin'



"When we were kids, we were lonely because we didn't have friends. Now that we're all grown ups, this loneliness grows deeper. If we can love someone so much, how will we handle the day we have to separate? And, if being separated is a part of life, and you know that very well, is it possible for us to love someone and never be afraid of losing them? At the same time, I wonder...is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all? This is it. This is my loneliness."  -Mew, "The Love of Siam"





Ito na yata ang ika-20 beses na pinanood ko ang movie na 'to. *sniff! sniff!* At everytime na pinapanood ko s'ya, laging fresh ang reaction ko sa eksena na parang first time ko lang pinanood today.

I can totally relate to the characters of this movie. Feeling ko nga, ginawa 'to para sa akin e. Sobrang nakikita ko ang sarili ko sa hybrid na pagkatao nila Mew, June and Ying. 'Yang line ni Mew na 'yan ang nagpa-iyak sa akin na parang bata nung una ko 'tong napanood three years ago, isang araw (na masaya ako) na bored ako at na-intriga sa hype na reaction ng tao sa kwento nito.

After watching this, nagkaroon ako ng 3 bagong paborito sa mundong 'to: Mario Maurer (no, I'm not ashamed, not one bit!), Thai movies and the Thai people. Ang pelikula na ito din ang dahilan ba't minahal ko ang bansang Thailand. Sabi ko nga kay Heart, kung may isang bansa sa mundo na gugustuhin kong pagbakasyunan ng isang linggo, hindi 'yan sa mga western countries e. O di ba, 'ni hindi man lang mas maunlad sa Pilipinas? Haha! Sa Thailand dahil dalang-dala ako ng mga characters sa films nila.

Na malalim ang mga tao, sincere, compassionate.. at attractive. Pero tuwing ginu-google ko o sini-search sa YouTube ang mga videos na ina-upload ng tipikal na Thai, wala akong ma-ispatan na lalake o kahit babaeng maganda. Imba ng mga palabas nila, na palaging sa mga gay-themed movies lang andun ang mga gwapong artista. Ang maganda naman sa kanila (na akala ko ganun din sa totoong buhay), sa pelikula pinagtatagpo ang mga laman-tyan at pangitaing nilalang.

Dahil di ba, hindi naman perpekto ang itsura nating mga Pinoy, pero mag-random click ka lang ng mga homemade videos ni Isko sa internet (kung san di naman sila mga naka-pustura) e mabibighani ka na agad? Mas dynamic ang itsura ng Pinoy kumpara sa Thai na malakas naman ang dating pag nahaluan ng ibang dugo, pero naii-stagnate lang sa mga itsurang mala-Jewel Mische pag bilat at mala-Paulo Avelino pag lalaki.

Base sa mga napanood ko, nandun pa din sila sa level na (sa tingin ko ay) hindi pa din nakaka-takas sa mga mais na storyline. May mga komedyante pa din tayo na kinakailangang may nakaka-tawang itsurang pisikal muna para lang makapag-patawa. Pero may mga magagaling na din tayo na UTAK lang talaga at WIT ang labanan. Sila, andun pa din sila sa NYEH! punchlines. Na dapat batukan muna ni lead actor si sidekick para may kiliti sa Thai viewers. Pero havey ang drama nila, predictable pero havey.

Ganun pa man, sobrang love ko pa din ang The Love of Siam. Nasa bandang elementary at high school part din kase ang blossoming ng life story ko e. So sobrang dama ko din 'yung halu-halong elements na gusto nilang ikwento sa pelikula from family problems, to being independent, to love hullabaloos, to friendship conflicts at hanggang dun sa fear na hindi ka piliin ng mga taong mahal mo.

Pero hindi ibig sabihin nun e na-experience ko na din ang mga naganap sa movie na 'to. I just felt there were times andun ako, ganun din 'yung eksena sa buhay ko, ganun din 'yung mga linyang binitawan ko. Iba lang 'yung naging action ng mga characters ko sa kwento ko. Haha. Silly them.


















3.9.13

Poser Posters



Kalokalike ba o Kaloka?  :DD



Ang very identical posters ng hollywood movie na "Gone" at pinoy drama series na "Huwag Ka Lang Mawawala". Hindi ako maniniwala pag walang umamin na may isang gumaya sa isa. Pag sinabing nagkataon lang, sorry talaga, but I won't buy it. Napanood ko na 'yung movie na ito ni Amanda Seyfried. Walang ngang pagkakatulad sa kwento ng serye ni Jodie Ann. I'll give them that. Pero juice ko naman.




Walang karapatang mag-angas ang sivin dahil hindi pwedeng nagkataon lang din ang pagkakahawig ng hollywood movie na ito ("The Reader") sa overrated pink drama ng GMA na "My Husband's Lover". Obviously, walang pagkakatulad ang storya ng dalawa. Pero. C'mon, sikat ang pelikulang ito ni Rose. Nanalo s'yang pareho sa Golden Globe at Oscars. Aling video shop sa mundo ang hindi magpaparenta sa bala ng The Reader para sabihing nagkataon lang at hindi sila pamilyar dito? My gulay.






Pagkakita ko sa poster ng Amorosa, ang hollywood movie na "Excision" na agad ang na-imagine ko sa indie na 'to ng StarCin. Halos magkalapit lang ang release date ng local film na 'to sa release date nung isa sa US. Pero bago pa i-produce ang Amoro, kinukwento na ata online ang synopsis ng foreign movie na 'to. May still shots na din at movie poster sa google para sa mga Captain Hooks. Tsk, tsk. Baka naman nagkataon lang. Pero may mga nag-comment na noon, hawig din daw sa concept ng "A Tale of Two Sisters" ng South Korea ang poster. S'yempre may ilang nabago. Still, kamukha.






At sino bang makakalimot sa eerily similar movie posters ng "Guni-Guni" at Thai movie na "Alone"? Hindi na ko nag-comment noon sa plagiarism issue na ito ng pelikula ni Mother Lily. Kawawa. Hindi pa pumapalo ang showing date, award na sa negative feedback. 'Ni hindi man lang kumalahati si Lovi sa kinita ng kasabayan nitong movie ni Rosario Maurer na "Corazon: Ang Unang Aswang".






Lastly, ang movie ni Tetay na signos ng pag-embang ng karera n'ya sa horror film industry. May sulyap na umi-"Scream 4" yung design na naging "Cabin In The Woods" bigla e. Panalo yung smudges ng tunaw na red blush on na ginamitan ng matigas na brush sa pisngi, sa noo at sa baba. Ganun pa man, ang obvious ng plagiarism dito 'te. Wag naman masyado pa-halata. Lalo na kung umaasa kayong hindi magiging flop yung pelikula, wag masyado ma-give away lalo't hindi naman dekada ang pagitan nung dalwang movie. (Para sa akin, fair at ayos naman ang kwento ng CITW, na ayaw ng mga dati kong officemates na sina Heart at Leila. Napaisip ako that time kung napanood na ba talaga nila o nang-aasar lang sila na pagtulungan ako.)






--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Well, hindi naman natin 'yan gawain. Mas talamak pa din ang bastos at harap-harapang pagnanakaw ng ideya ng Bollywood at Chinese movies sa posters ng Hollywood films. May mga mangilan-ngilan na napupuna tayo locally lalo na sa content ng kwento, na sigurado ka kung anong foreign films ang pinagkunan. Mga pangongopyang manaka-naka lang sa umpisa, tas ididikit sa konsepto ng isa pang sikat na pelikula o tv series para mas hindi halata. Mga kahihiyan na kapag hindi natin tinutukan at pinukol ng pinukol e magiging bisyo ng mga tamad na graphic artists at marketing departments sa bansa. Ang normal talaga, sanay ang Pilipino sa walang-lusog na konsepto ng paggawa ng movie posters. Pag sinabing posters ng pelikula, 'ni walang tumatatak sa isip ko kundi 'yung mga cheezy, formulaic at pa-safe na mga pinoy film poster designs. Kung saan karaniwang pinagdidikit lang ang tila may-hydrocephalus na ulo ng isang magandang leading lady at isang gwapong lead actor. Then palilibutan ng mas maliliit na mga ulo ng supporting casts na lahat ay mga naka-pakengkoy face.







Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...