Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bolero. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bolero. Ipakita ang lahat ng mga post

6.10.13

May Amnesia Si Garl




“Sabi sa census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya, pero humarang yung pedicab.
May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap.. at may iba na sumuko na.

Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na.. pinakawalan mo pa.”





Mangilan-ngilan lang ang mga love story films na gawang-pinoy ang may-recall sa atin, mga limang taon pagkatapos itong  ipalabas sa sinehan. Sa generation ko, One More Chance ang nangunguna d'yan. Wala 'kong matandaan sa mga markadong materyal ng ibang film production companies, bukod sa mga gawa lang ng Star Cinema.

Isa ang My Amnesia Girl sa pinakapaborito kong pelikula na nabibilang sa ganitong tema. Tamang feel-good lang na hindi intensyunal ang pagpapa-kengkoy para ma-detour sa totoong tinatalakay which is ‘yung love story nila. Bagay na bagay sa mga roles nila 'yung mga gumanap na artista. Totoong-totoo kung pano in-execute nung direktor ang mga eksena.

Unang dinig ko sa title at casting, panibagong plagiarism na naman kako ito ng pilipino sa mga pelikulang banyaga. Malamang, ni-recycle na kwento lang ito ng "50 First Dates" ni Adam Sandler, kung saan nagkaron din ng weird na uri ng amnesia ang character ng lead actress na si Drew Barrymore. Na-goyo ako. Right after watching this movie, I slept with a smile on my face.


Lahat nga tayo ay darating sa punto ng buhay naten na matatakot tayong harapin kung anong bukas ang naghihintay kasama ang taong pinili natin. Paano nga kung mawala ‘yung sarili natin along the process? Paano kung puro ‘tayo’ na lang ‘yung mangyari at katapus-tapusan ay kulang pa pala ‘yung kaya natin ialay sa tao na ‘yun.

Gustong-gusto ko ‘yung ideya na iniwan si Irene (Toni) ni Apollo (JL) sa altar ng simbahan dun mismo sa araw ng kasal nila. Bibihira pero nangyayari sa totoong buhay. Pwedeng isang lingo bago ang kasal. Isang buwan pagkatapos ng engagement, o di kaya’y isang gabi pagkatapos nilang bumuo ng mga pangarap.


 

Irene: Layo pa, Pol. Layo pa. Sige pa. Layo pa.
            Pol: May tama pa ba to?
               Irene: Meron pa. (almost breaks her voice)


Madami pa ding duwag sa pagmamahal. Akala natin ‘yun na, pero sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon, mauudlot. Nawawalan ng rason para ilaban ‘yung mga bagay na sa simula’t sapul ay itinaga natin sa batong ipagtatanggol natin. Pero hindi natatapos sa unang subok ang bawat hamon. Pag nawalan tayo ng dahilan para ituloy ang isang bagay na alam nating nagpapasaya sa atin noon, lingunin uli natin ‘yung nag-iisang rason na natira para isugal ang buhay natin kasama s’ya.


Malamang hindi sang-ayon sa inaasahan natin ang magiging outcome, pero it’ll be worth it. Sabi nga ni Bradley Grieve, love, in all its fragile forms, is the one powerful, enduring force that brings real meaning to our everyday lives... but the love I mean here is the fire that burns inside us all, the inner warmth that prevents our soul from freezing in the winters of despair.



13.9.13

Buladas





If someone ever tells you that they love you within a week or so of knowing you,
do your best not to believe it. Their attention spans are brief, their talk
of love & devotion will be quick, and their goodbye's will be just the same.
All full of shit.










6.9.13

The Many Lives of Sexy Pancake



Meet @sexsypancake.

Ang kabogerang hot momma ng Thailand!





Hanapin si Sexy Pancake.





PACK!

Akala n'yo si Solenn Heussaff, 'no? Mga impakto kayo. Mas maganda pa s'ya dun! S'ya si Niwat Sangmor, a.k.a "Sexy Pancake". Sa loob ng isang buwan ay viral agad ang video ni badet pagkatapos i-upload sa social networking sites ng mga baktiryang kalalakihan ang video, kung saan pinagtripan s'yang pasayawin sa gitna ng isang kalsada sa kanilang probinsya. Kala mo'y na-overdose sa Combantrin, bigay-hilig na gumiling-giling ang 25 years old na lilybeth at animo'y isang bulateng hala, sige, mega-G Force sa kaparangan kesehodang mawalan ng malay. Kasabay noon ay ang pagsulputan ng hindi mabilang na fan pages ni Niwat sa Facebook.  Ang official fan page ay mina-manage ng close friend n'yang si Sura Narin, who came up with the idea of posting humorous photographs of a bikini-clad Niwat in various countryside activities. Set up in May, the page went viral in less than two months and has since gained a huge following among Thai citizens. Sunod-sunod din ang pagkaka-feature ng kanyang life story sa mga TV programs sa kanyang bansa. Doon ikinwento ang struggles n'yang makakuha ng diploma thru adult education program, ang desire n'ya na maging ganap na bilat at ang pilit na pagganap sa mga pang-bruskong trabaho mairaos lang ang mahirap nilang pamumuhay. Nakatira s'ya kasama ng kanyang lola at isang alagang baka sa maliit na bahay sa Waeng Noi district na matatagpuan sa bansang Thailand.

Ngayon ay maraming raket si Sexy Pancake, kaliwa't kanan ang TV guestings n'ya. Laging may bookings na mag-perform sa mga gay bars na chill-chill ang ambiance at disco-discohan lang till sunrise. At kumapit ka na, she is also publishing an autobiography, set to be released this year. Hahaha. Mag-sorry ka sa kanya.


Pina-paalalahanan ang lahat na mag-pababa muna ng kinain ang mga katatapos lang kumain. Matulog ng maaga at magdasal pagkatapos basahin ang post na ito. Huwag n'yo kong i-blackmail, mag-hire kayo ng sarili n'yong albularyo na magta-tawas sa inyo kapag kinailangan.




Sa pelikula na unang ginampanan ni Priscilla Almeda, "Halimuyak ng Babae" (The Bilasa Sequel)








Miss Congeniality 3: Armed and Fabulous and Creepy







                "Ang tunay na maganda, hindi nagtu-toothbrush pagkagising at bago matulog. Ang tunay na maganda, hindi nagtu-toothbrush at all."







                    Si Sexy Pancake lang ang nag-iisang Thai model na magaling mag-adlib at hinding-hindi nag-uulit ng pose. 'Ni hindi na kailangang turuan ng photographer. Pakshet.







I am so beautiful you will feel like you're wasting your time when you're not looking at me.









I may be a teenager but I'm still a child at heart.  :))







This is what you call a conceptualized photo. Nicely done, miss. Nicely done.







Ang tunay na maganda, hindi nag-e-edit ng picture. Totoong umaakyat sa tuktok at lumulundag. Una ulo.







Petition for Sexy Pancake to replace Tyra on ANTM.







Effortless beauty. Kabogerang tunay.







"I'm better than pornography..."







Nang mag-booty tooch ang ulam.







Pauwiin na yung nasa left, hindi naman magaling. Ang sakit lang sa mata!









Sa pelikulang, "Anong pipiliin mo: Troso o ako?" -- Wow. Just wow.








Sossy at ingliserang kolehiyala? Yeah baby. Pang-throwback noong nag-all girls school s'ya.










Clavicles are the sexiest part of a woman's upper body.








Very non-conventional pose! Kailangang mag-workshop nung gurl na nasa baba.




Dapat nga daw kase passionate sa lahat ng bagay. Kahit nagbo-bomba ka lang ng poso.







Sana biglang mag-on 'yung makina, tas ma-ground sha.




Ayaw talaga paawat ni ma'am. Ay! Teka.. Maibalibag 'tong pc!





Tang-ina. Mina-migraine ako sa'yo!





R-18+ . Kailangan ng malawak na pag-iisip para maintindihan ang sining na 'to.







Sa pelikulang, "Libre Sagasa, Basta Dapat Sure Kill"
















Hindi ito 'yung video na may pinakamaraming hits. Nagdadalawang-isip kase ako sa video na 'yun e. May mga totoy s'yang kasama sa tabi. And mas nakakasira s'ya ng araw panuorin. Masaya ako para sa kanya kung masaya talaga s'ya sa ginagawa n'ya. Grabeng pinatawa n'ya ako nung una ko s'yang na-discover. Walang sinuman ang nasa posisyon para husgahan at ituro ang bagay na dapat lang magpasaya sa isang tao. Pero kung deep inside pakiramdam n'ya nababastos na s'ya, sana alam n'ya na walang kayang bumaboy sa pagkatao n'ya kung hindi din n'ya papayagang mababoy s'ya. Matatanda na tayo, ayoko na magpaka-preachy. Let's just enjoy every bit of life. FUNNN!!! :))








Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...