“Sabi
sa census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap
mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para
magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya, pero humarang yung
pedicab.
May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila.
May mga taong patuloy na naghahanap.. at may iba na sumuko na.
Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na.. pinakawalan mo pa.”
Mangilan-ngilan lang ang mga love story films na gawang-pinoy ang may-recall sa atin, mga limang taon pagkatapos itong ipalabas sa sinehan. Sa generation ko, One More Chance ang nangunguna d'yan. Wala 'kong matandaan sa mga markadong materyal ng ibang film production companies, bukod sa mga gawa lang ng Star Cinema.
Isa ang My Amnesia Girl sa pinakapaborito kong pelikula na nabibilang sa ganitong tema. Tamang feel-good lang na hindi intensyunal ang pagpapa-kengkoy para ma-detour
sa totoong tinatalakay which is ‘yung love story nila. Bagay na bagay sa mga roles nila 'yung mga gumanap na artista. Totoong-totoo kung pano in-execute nung direktor ang mga eksena.
Unang dinig ko sa title at casting, panibagong plagiarism na naman kako ito ng pilipino sa mga pelikulang banyaga. Malamang, ni-recycle na kwento lang ito ng "50 First Dates" ni Adam Sandler, kung saan nagkaron din ng weird na uri ng amnesia ang character ng lead actress na si Drew Barrymore. Na-goyo ako. Right after watching this movie, I slept with a smile on my face.
Lahat nga tayo ay darating sa punto ng buhay naten na matatakot
tayong harapin kung anong bukas ang naghihintay kasama ang taong pinili natin.
Paano nga kung mawala ‘yung sarili natin along the process? Paano kung puro ‘tayo’
na lang ‘yung mangyari at katapus-tapusan ay kulang pa pala ‘yung kaya natin
ialay sa tao na ‘yun.
Gustong-gusto ko ‘yung ideya na iniwan si Irene (Toni) ni Apollo (JL)
sa altar ng simbahan dun mismo sa araw ng kasal nila. Bibihira pero nangyayari
sa totoong buhay. Pwedeng isang lingo bago ang kasal. Isang buwan pagkatapos ng
engagement, o di kaya’y isang gabi pagkatapos nilang bumuo ng mga pangarap.
Irene: Layo pa, Pol. Layo pa. Sige pa. Layo pa.
Pol: May tama pa ba to?
Irene: Meron pa. (almost breaks her voice)
Pol: May tama pa ba to?
Irene: Meron pa. (almost breaks her voice)
Madami pa ding duwag sa pagmamahal. Akala natin ‘yun na, pero sa
pinaka-hindi inaasahang pagkakataon, mauudlot. Nawawalan ng rason para ilaban ‘yung
mga bagay na sa simula’t sapul ay itinaga natin sa batong ipagtatanggol natin.
Pero hindi natatapos sa unang subok ang bawat hamon. Pag nawalan tayo ng
dahilan para ituloy ang isang bagay na alam nating nagpapasaya sa atin noon,
lingunin uli natin ‘yung nag-iisang rason na natira para isugal ang buhay natin
kasama s’ya.
Malamang hindi sang-ayon sa inaasahan natin ang magiging outcome,
pero it’ll be worth it. Sabi nga ni Bradley Grieve, love, in all its fragile forms, is
the one powerful, enduring force that brings real meaning to our everyday
lives... but the love I mean here is the fire that burns inside us all, the inner
warmth that prevents our soul from freezing in the winters of despair.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento