Ipinapakita ang mga post na may etiketa na astig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na astig. Ipakita ang lahat ng mga post

22.9.13

"Linlangin Mo" by Shaira Opsimar






 
Kung gusto n'yo ng panibagong halimaw na singer, pakinggan n'yo 'to si girl. She is Shaira Opsimar, 14 years old s'ya nung time na ito at tubong-Davao. Three years na ang video na ito sa YouTube. Sobra akong nabilib kay nini coz she just beat Regine's breathing in this song! Mrs. Alcasid had like 11 and she went through 14. And I thought this song was impossible to sing. Bravissimo!










Minsan Baliktad



Kung sino pa ‘yung “dudung” at “manang” pumorma, sila pa ‘yung mas hot pag naka-hubad.

Kung sino pa ‘yung mga walang taning ang buhay, sila pa ang pinaka-maagang mamatay.

Kung sino pang malakas manlait sa maiitim, s’ya pa ‘yung maitim ang singit!

Kung sino pa ‘yung nasa perpektong relasyon, sila pa ‘yung mas salawahan.

Kung sino pa ‘yung mayaman, sila pa ‘yung pinaka-jologs pumorma.

Kung sino pa ‘yung pinaka-isip bata, s’ya ‘yung di pa nakakapunta sa manila zoo.

Kung sino pa ‘yung lahat nasa kanya na, s’ya pa ‘yung mas inggitera.

Kung sino pa ‘yung magaling magpaganda, sila pa ‘yung pangit.

Kung sino pang relihiyoso’t pala-simba, s’ya pa ‘yung tsismoso at mapanlibak.

Kung sino pa ‘yung nawalan ng trabaho, s’ya pa ‘yung mas masaya.

Kung sino pa ‘yung mapagmahal sa hayop, sila pa ‘yung di marunong makipagkapwa-tao.

Kung sino ‘yung may magandang childhood nung bata pa, sila ‘yung nagnanakaw ngayon ng childhood ng iba.

Kung sino pang pinaka-mabango’t maganda, sila pa ‘yung pinaka-maiitim ang budhi.

Kung sino pang pinaka-walang ginawa, sila pa ‘yung pinaka-reklamador.

Kung sino pang mas ma-kiri at malandi, sila pa ‘yung virgin.

Kung sino pang pinaka-kapos sa pera, sila pa ‘yung gastador at bili ng bili.

Kung sino pa ‘yung laging andyan lang, sila pa ‘yung walang alam.

Kung sino pa ‘yung katatapos lang uminom ng kape, s’ya pa ‘yung mas mahimbing ang tulog.

Kung sino pa ‘yung saling-ketket lang, sila pa ‘yung interesado at mas maaasahan.

Kung sino pa ‘yung pinaka-matapang magpatuli, s’ya pa ‘yung may pinaka-maiksing putotoy.

Kung sino pa ‘yung single, sila pa ‘yung mas sexually active.

Kung sino pa ‘yung may tinapos, sila pa ‘yung hindi gumagamit ng pinag-aralan.

Kung sino pa ‘yung mahilig magluto, sila pa ‘yung mas payat.

Kung sino pang may-kapansanan, s’ya pa ‘yung mas marunong ng mga gawaing-bahay.

Kung sino pa ‘yung dentist, sila pa 'yung mababaho ang hininga.

Kung sino pang pinaka-problemado’t malungkutin, sila pa ang pinaka-malakas tumawa.

Kung sino pa ‘yung mas pihikan, s’ya pa 'yung natatapat sa bungi.




At kung sino pa 'yung masarap magmahal, sila pa 'yung mas takot magbigay. . . . . . . . . .





13.9.13

Gapanese Geisha




Last bonding namin ng mga katropang-trumpo ko sa Gapan, Nueva Ecija bago mga maging busy na ulet pagbalik sa Manila.

YES, MA'AM! May kulungan na ulit ako! Mga ilang kandirit lang ito this time sa balor. D'yan sa bandang Ugong Norti, nagasayaw ang kumpanyang may connect ang name sa pangalang indyano. May promise nga 'yung isa sa mga wardens ng kulungan na 'yun. Sa bandang recruitment. Ang aga-aga, may na-KRASan ako agad. Ang bait kasi. Tsaka mukha s'yang masarap kulungin sa power hug. Hindi naman n'ya siguro napansin 'yun kase kung sakali, baka hindi n'ya ko ipinasa sa interview. Plus, medyo sabaw pa ako noong nakausap ko s'ya. "Tarn of" sa'kin 'yun malamang, di ko na binacktrack 'yung grammar at pronunciation lapses ko dahil lutang na lutang ako that day. Imagine, pumila ako for NBI Clear nung madaling araw, tinanggap ko yung parole ko sa dati kong kulungan nung morning tas sasabak ako agad-agad uli sa apply-an nung hapon din na 'yun? Kudos naman sa tuhod ko.

YES, MA'AM! Nagpa-ikli na ko ng buhok. Totoo pala 'yun ano? Pag nasanay ka sa matagal na panahong mahaba ang crowning glory mo, may minutong medyo pipitik 'yung migraine mo with bursts of irrational emotions on the side. Juice ko pong duhat flavor, e makita mo ba naman sa TV kung sino 'yung pinag-uusapang whistleblower daw ni Napoles tas ikaw sa sarili mo.. aminado kang nagiging kamukha mo na s'ya, di ba? Unahan ko na 'yung tao. Hindi pa ko tinitira ng harapan at talikuran, i-claim ko nang kamukha ko si Benhur Luy, bago ako pa 'yung mainis sa maririnig ko. Ay di, ayun! Nagpagupit na nga ako. Pinahaba mo ng halos apat na taon tapos gugupitin lang ni ditse ng ilang minuto. Gusto kong isungalngal ang lahat ng happy thoughts para hindi ko maiuntog sa salamin 'yung stylist sa galit. Kako sana "apple cut" 'yung gupit.





Pag dating sa Gapan, wala akong ginawa kundi matulog at mag-hinilik. Garabe ba namang productive ko the day before. Konting kwentuhan, shot, harutan, kain, fishur-fushur. Pina-bluetooth ko ang picture na ito sa kras ko na kasama din dun. Ayos lang, di naman n'ya alam na may blog ako. From puro jump at panorama shots, mahahaluan nito? Accidentally nasama sa mga na-bluetooth n'ya sa'kin. Hiyang hiya na tinutukso ko ngayon at nag-blush pa. Ano naman kung pinagmasdan n'ya ko matulog? Na walang may-alam na pumasok pala s'ya sa room namin para kunan ako habang natutulog?

Hayst.. Asa pa Max. Asa pa.Haha.


So there, umuwi na din kami agad kinabukasan. May pasok na 'yung iba sa 'min that day e. Nag-lunch muna kami bago nagpa-Manila. Agad umorder kay ateng pala-ngiti. Kako kahit anong best seller na meron sila.


HALA! Lagot.

SAN GAWA ANG "Double-Dick Burger"?! xD






9.9.13

#MisterKennyLau101


Kaunti lang ito sa maliliit at interesanteng mga bagay tungkol sa akin. Bukod sa pagta-trash talk may iba pa pala akong ibang hilig gawin, akalain mo 'yun? I'll try to update this post pag may naisip pa akong ibang mga trivia tungkol sa kung sino ako.



I'm a huge fan of great and interesting cover songs found on YouTube. I always play them on repeat.






















Solo playt ako sa bahay. Kasama ko lang ay ang chi na si Corbin. He adopted me.



















Takot ako sa pustiso. Kahit sa mga may-dentures lang. Sorry, no offense. Di ko alam kung kaya kong humawak nun. Lalo na 'yung pustisong nakakabit pa sa bibig. Ayaw ko talaga. Yun tipong pag nagsalita, tsaka ko pa lang madi-discover? Nanlalamig ako na hindi ko maexplain tas pinapawisan ako ng malapot.





























My tat signifies the union of opposing energies. The merging of yang and ying as the opposing forces of good and bad. I had my first tattoo done five years ago. When I was heartbroken. When I was immature. That time when I thought hurting myself could lessen the pain inside

















Circa 2004. A midnight with Karen Davila. Idol ko s'ya dati kahit andami n'yang kontrobersya (remember the lipstick issue). Siguro madami ding nainggit non kase ako ang natoka para makapanayam s'ya. Kami ang nagsara ng abs-cbn as in literal na inumaga kami. Nag-uwian na noon lahat ng staff ng The Headlines bago nya kami hinarap. Ayos lang yung paghihintay kung fan ka talaga e. Pero yung kung pano mo pakikitunguhan yung mga kinse anyos na batang nagtyaga para lang sa karamput na oras mo? Ang bait n'ya. SHET. Sarap n'ya gawan ng hate group.




























Sobrang gusto ko si Emma Watson. Noon at ngayon. First crush ko 'yan e. Kasabay ko kase s'ya lumaki. Hindi kikita sa akin ang HP (ulit-ulit kaming manood sa sine) kung di lang dahil main cast s'ya dun. Haha. Kaso, anyare sa'ken?




























Favorite cartoon program ko. Parang kelan lang. May unity kami sa tv every saturday night. Bonding time namin ni Kuya Sherwin. How I wish lagi akong bata..



TV Series na malapit sa puso ko. Pinaggayahan ng "Ang Munting Paraiso" ni Coney Reyes. Maganda din yun, kung hindi lang nag-focus sa iyakan. Well, mas gusto ko ang 7th Heaven. For obvious reasons, nagugustuhan natin at kinaiinggitan yung mga bagay na wala tayo. Nakiki-sintemyento ko sa mga characters dati pag may prob sila or may nag-away sa kanila. Apektado ako kase pinaniwala ako nito na may pamilyang ganto talaga sa totoong buhay. May re-run ng isang buong season nito sa channel 9 dati tuwing mahal na araw.
































Ito ang pinaka-paborito kong book noong bata pa ko. Binabasa-basa ko pa din ito, this time sa iba namang mga tao. Storyteller ako ng mga bagets kong kapit-bahay pag absent yung teacher-teacheran nila..



Pinangalan si kuya (Sherwin) sa isang brand ata ng pintura. Ipinangalan naman daw ako sa artistang gumanap sa pelikulang Oliver noong 1968. Mark Lester ang pangalan nung child actor doon.




Sisig ang paborito kong ulam, pulutan, meryenda, comfort food at dessert. Lalo na 'yung madaming sibuyas!



Miss Swan for me is the funniest thing ever!



Halos apat na taon akong nagpahaba ng buntot sa buhok. Symbolism ko iyon na "mas mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang kahit na sino". Tatlong beses akong umulit sa maiksi dahil lagi kong nakakalimutan sabihin sa barbero na iksian n'ya 'yung hairstyle ko "pero wag putulin 'yung buntot". Last week ako na mismo ang pumutol dahil ito na ang huling-huling beses na magpapatubo ako noon. Pag punta ko sa barberya this week, magpapa-clean cut na ko ulet.




























I've realized that for my entire life, I've never had a best friend. May mga taong akala ko pwede ko silang matawag na ganon dahil tinrato ko sila bilang barkadang-dikit number 1, then I will just find out they don't think of me as the best friend I think of them as. Akala ko normal lang ito since palipat-lipat ako ng mga tinirhan nung bata pa ako. Kunwari naman hindi ako maghahangad na gawin din akong bestfriend ng taong itinuturing kong ganun, lagi namang tinitira nila ako ng patalikod kahit alam kong magka-ayos kami. Lumaki akong hindi kinukwestyon bakit walang taong magiging matapang panindigan ako sa buhay nila... dahil tumanim sa isip ko na siguro talaga lang masama ang mga tao.


































6.9.13

The Many Lives of Sexy Pancake



Meet @sexsypancake.

Ang kabogerang hot momma ng Thailand!





Hanapin si Sexy Pancake.





PACK!

Akala n'yo si Solenn Heussaff, 'no? Mga impakto kayo. Mas maganda pa s'ya dun! S'ya si Niwat Sangmor, a.k.a "Sexy Pancake". Sa loob ng isang buwan ay viral agad ang video ni badet pagkatapos i-upload sa social networking sites ng mga baktiryang kalalakihan ang video, kung saan pinagtripan s'yang pasayawin sa gitna ng isang kalsada sa kanilang probinsya. Kala mo'y na-overdose sa Combantrin, bigay-hilig na gumiling-giling ang 25 years old na lilybeth at animo'y isang bulateng hala, sige, mega-G Force sa kaparangan kesehodang mawalan ng malay. Kasabay noon ay ang pagsulputan ng hindi mabilang na fan pages ni Niwat sa Facebook.  Ang official fan page ay mina-manage ng close friend n'yang si Sura Narin, who came up with the idea of posting humorous photographs of a bikini-clad Niwat in various countryside activities. Set up in May, the page went viral in less than two months and has since gained a huge following among Thai citizens. Sunod-sunod din ang pagkaka-feature ng kanyang life story sa mga TV programs sa kanyang bansa. Doon ikinwento ang struggles n'yang makakuha ng diploma thru adult education program, ang desire n'ya na maging ganap na bilat at ang pilit na pagganap sa mga pang-bruskong trabaho mairaos lang ang mahirap nilang pamumuhay. Nakatira s'ya kasama ng kanyang lola at isang alagang baka sa maliit na bahay sa Waeng Noi district na matatagpuan sa bansang Thailand.

Ngayon ay maraming raket si Sexy Pancake, kaliwa't kanan ang TV guestings n'ya. Laging may bookings na mag-perform sa mga gay bars na chill-chill ang ambiance at disco-discohan lang till sunrise. At kumapit ka na, she is also publishing an autobiography, set to be released this year. Hahaha. Mag-sorry ka sa kanya.


Pina-paalalahanan ang lahat na mag-pababa muna ng kinain ang mga katatapos lang kumain. Matulog ng maaga at magdasal pagkatapos basahin ang post na ito. Huwag n'yo kong i-blackmail, mag-hire kayo ng sarili n'yong albularyo na magta-tawas sa inyo kapag kinailangan.




Sa pelikula na unang ginampanan ni Priscilla Almeda, "Halimuyak ng Babae" (The Bilasa Sequel)








Miss Congeniality 3: Armed and Fabulous and Creepy







                "Ang tunay na maganda, hindi nagtu-toothbrush pagkagising at bago matulog. Ang tunay na maganda, hindi nagtu-toothbrush at all."







                    Si Sexy Pancake lang ang nag-iisang Thai model na magaling mag-adlib at hinding-hindi nag-uulit ng pose. 'Ni hindi na kailangang turuan ng photographer. Pakshet.







I am so beautiful you will feel like you're wasting your time when you're not looking at me.









I may be a teenager but I'm still a child at heart.  :))







This is what you call a conceptualized photo. Nicely done, miss. Nicely done.







Ang tunay na maganda, hindi nag-e-edit ng picture. Totoong umaakyat sa tuktok at lumulundag. Una ulo.







Petition for Sexy Pancake to replace Tyra on ANTM.







Effortless beauty. Kabogerang tunay.







"I'm better than pornography..."







Nang mag-booty tooch ang ulam.







Pauwiin na yung nasa left, hindi naman magaling. Ang sakit lang sa mata!









Sa pelikulang, "Anong pipiliin mo: Troso o ako?" -- Wow. Just wow.








Sossy at ingliserang kolehiyala? Yeah baby. Pang-throwback noong nag-all girls school s'ya.










Clavicles are the sexiest part of a woman's upper body.








Very non-conventional pose! Kailangang mag-workshop nung gurl na nasa baba.




Dapat nga daw kase passionate sa lahat ng bagay. Kahit nagbo-bomba ka lang ng poso.







Sana biglang mag-on 'yung makina, tas ma-ground sha.




Ayaw talaga paawat ni ma'am. Ay! Teka.. Maibalibag 'tong pc!





Tang-ina. Mina-migraine ako sa'yo!





R-18+ . Kailangan ng malawak na pag-iisip para maintindihan ang sining na 'to.







Sa pelikulang, "Libre Sagasa, Basta Dapat Sure Kill"
















Hindi ito 'yung video na may pinakamaraming hits. Nagdadalawang-isip kase ako sa video na 'yun e. May mga totoy s'yang kasama sa tabi. And mas nakakasira s'ya ng araw panuorin. Masaya ako para sa kanya kung masaya talaga s'ya sa ginagawa n'ya. Grabeng pinatawa n'ya ako nung una ko s'yang na-discover. Walang sinuman ang nasa posisyon para husgahan at ituro ang bagay na dapat lang magpasaya sa isang tao. Pero kung deep inside pakiramdam n'ya nababastos na s'ya, sana alam n'ya na walang kayang bumaboy sa pagkatao n'ya kung hindi din n'ya papayagang mababoy s'ya. Matatanda na tayo, ayoko na magpaka-preachy. Let's just enjoy every bit of life. FUNNN!!! :))








Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...