3.9.13

The Art Of Social Destruction






Anlungkot maging sikat. Lilimitahan ka sa pagiging tao. Puputaktihin ka ng sumpa at panlilibak habang buhay ka. Biglang aalayan ka ng makadurog-pusong tribute pag namatay na. Walang ibang sasabihin sa'yo kundi puros magaganda.

I feel bad sa mga personalidad na nasampulan ng mga detractors slash fans slash tipikal na taumbayans. Sa mga taong may kinasangkutang issues recently na pinagpistahan sa buong facebook community. Sa mga diumano ay may kumalat na sex scandal clip na walang habas na dina-download, sini-share at ina-upload sa mga social networking sites ngayon. I feel horrible para sa pamilya at mga mahal sa buhay nila Miley, Chito, Neri, Wally, Yosh, Jobert at Enchong. Hindi ko na idi-discuss kung sino ang may sex tape at may kinakaharap lang na intriga sa kanila. Hindi ko na din ikaklaro kung anong klaseng intriga, sinong wally o sinong jobert ang sinasabi ko dahil hindi naman na ‘yun magma-matter kung may nagbabasa ba nito na hindi pa aware sa kung anong eskandalo meron sila. Hindi ko intensyon na mag-trivia trivia pa tayo dito at magpatalinuhan sa kung sinong malinis at madumi. Pero pangalanan na natin. Kung tama o mali ‘yung ginawa nila, that’s another story. Bottomline, hindi ikaw ang dapat mag-move on dahil at the end of the day.. uzi ka lang. Kung may mga nakaka-identify man sa kaparehong experience, hindi pa din nila dapat danasin ang mga pang-aalipustang ito sa mga taong ‘ni hindi nila pinagkautangan ng isang singkong duling o isang dakot ng bigas sa buong buhay nila.

Opinions from different folks of life are heard. May mga nagpo-post pa sa larawan ng mga pamilyang winalang-hiya nung nasa hot seat, na hindi man lang daw naawa at nirespeto ang mga ito. Mga komentong nagri-range from being too righteous, to being too religious, hanggang sa mga too feminist na opinyon. Minsan may mga proud bubuyogs pang taga-drop ng iba pang bomba na kinaharap din kuno ng ‘man of the hour’. Bombs which are mostly made of modified and adulterated stories. Alleged gay actors have so many false whistleblowers nowadays. Sabi daw ni ganto, sabi daw ni ganyan. Na-meet ni ganire, naka-do ni ganyon. Pero sila ang totoong nagsabi. Sila ang totoong may ayaw. Mga walang bayag. Gustu din siguro mag-artista.

Mas marami ang nakiki-uso lang at nakiki-budbod ng niyog sa puto. Minsan kung ano pa yung mga relihiyosong palabas o dapat mga feel-good programs lang sa tv, sa kanila pa makakapulot ng hatred, bigotry, kasinungalingan at outright stupidity. Gustung-gustong pinu-provoke yung mga tao na magalit, at maghimagsik para salungatin o di kaya ay umayon sa mga ipinaglalaban nila ang mga ito. Tas pag may mga pumatol, sila pa pala yung mas galit. Kahit sa mga eskandalong pang-gobyerno, laging naghahanap ng ibi-blame ang mga miron. Pati mga political analyst, gustong i-condemn. Pag instantly babanggain mo yung mga taong mas accomplished, mas educated, mas experienced at mas respected sa field of expertise n'ya, di ba dapat i-doubt mo muna ‘yung opinyon mo kesa ma-excite agad na isopla sila?

Kung totoong nasusulasok pala sila sa issue, ba’t magko-comment ng tungkol dun? 'Ni hindi nila dapat pinasasaringan o pinahahapyawan man lang ‘yung story. Kase para maniwala akong naaalibadbaran talaga sila, na mabubuti silang tao, at talagang nakaka-trauma yung nalaman nilang news, e they’ll just shut the fuck up. Di ba? Hindi naman sila life advisors e. Hindi din sila pari o pastor. Kaya uso ang pagtataklesa kase kala ng tao dapat laging may-'say' sila sa mga ganap. Kala nila importanteng may manggaling at maririnig lagi mula sa kanila. Di mo naman kailangan i-tackle lahat ng kwento. Di ka din kailangan maringgan ng mga maaanghang na komento kahit gano ka pa nadidiri, dahil hindi mo naman accountability iyong pagkakamali n’ya. Di mo din alam ang leads ba’t kinailangan humantong sa ganun ang aksyon nung mga pinag-uusapan.

So anong pinagkaiba ng gawain ko sa gawi nila? Wala nga. Pero sa blog ako nagwawala. Di ko ipinipilit sa tao. At primary concept ng blog na 'to na idayukdok sa kanin-baboy ang nguso ng mga asal-baboy.

Ang dali-dali nating magsira kesa mag-ayos.

Sabi ko nga sa isang friend ko sa facebook: “Ba't mo pinost yung picture nung mga anak n'ya kung totoong naaawa ka?” Hahaha. Sabaw si ate. Ayun, binlock ako.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...