7.6.13

Top 42 Most Disturbing Google Searches



      Below are 42 keywords one should not dare to type in Google image search box or in any web search engines. Why? Because these are also the things I have every intention to never search again. So why am I sharing a post of things you shouldn't google, knowing very well that some of you are going to Google them anyway?

      Para ba ako ang sisihin sa puwing na ilalagay ko sa inyong mga mata? Eengk. Wrong answer. Uhmm. Siguro kase gago ako. And I am evil in every sense of the word. Gustung-gusto kong nakikita ang sufferings na dadanasin ng mga taong willing at open-arms na tanggapin iyon. If you haven't seen any of these photos before, you can give it a shot because these pictures are to die for. It will definitely make you kilig! Swear. :)

Note: The pictures below are not what you will find upon searching these items. I assure you that it will be far more horrible. Say you have anything you want to add to this list, drop it in the comments.

Babala:  Pinapaalalahanang huwag nang magpatuloy ang visitor kung labag sa kanyang kalooban ang mga makikita. Hindi din pinahihintulutan ng blogger na magpatuloy ang sinumang bisita na walang bukas na pag-iisip. Sabi nga nila, kargo natin ang mga sarili natin. Walang pilitan. May karapatan tayong piliin ang mga bagay na gusto nating isama sa buhay, at may karapatan din tayong palayain ang mga bagay na ayaw nating isali sa gunita.

Huwag nang i-click ang susunod na item kung ayaw nang magpatuloy. Anumang oras na maramdamang hindi kaya ng iyong konsensya ang makikita, mangyari pong i-click na agad ang [x] button at huwag na ulit buksan pa ang post na ito. Also if you are under the age of 18 and you find a particular photograph/video (of a link on each level) offensive, please stop looking at it. Thank you.


CLICK at your own risk!

      Sa pamamagitan ng pag-click sa mga keywords ay dadalhin ka nito sa mismong website o google results page ng bawat item. Walang call a friend button or pass option kaya sa mga laking-Tondo d'yan... carry on! 

Mwahahaahaha. *evil laugh with a kopita glass in one hand*








Level 1:  "To Have And To Hold"




41.)   Mucus Plug



40.)   Vomit



39.)   Leukoplakia








Level 2:  "From This Day Forward"

38.)   Micropenis






36.)   Brian Peppers











Level 3:  "For Better, For Worse"







32.)   Smegma



31.)   Herpes



30.)   Krokodil








Level 4:  "For Richer, For Poorer"










26.)   Breast Larvae



25.)   Trypophobia








Level 5:  "In Sickness And In Health"

24.)   Nugget Porn



23.)   Goatse



22.)   Hai2u



21.)   Tub Girl



20.)   Mustard Snack














Level 6: "To Love And To Cherish"

17.)   Meatspin



16.)   Lemon Party



15.)   Cheesy Peas












11.)   2 Girls 1 Cup









8.)     1 Man 2 Needles



7.)     1 Man 1 Jar



6.)     Pain Olympics








Level 7: "Till Death Do Us Part"




4.)     Faces of Death



3.)     Charonboat








Level 8: "Amen"  (The Final Level)

2.)     Little Gores













Any other great finds collection of horrible google searches you can share? c",)





3.6.13

Paru-Paro




Magkakaiba ang dynamics ng mga tao, at hindi lahat ay may bukas na pag-iisip pagdating sa homosekswalidad. Laganap na ang kabadingan ngunit hindi pa rin lahat ng Pinoy, tanggap ito. Tinotolerate, oo, pero hindi tanggap.

Palasak na sa diary ng mga badet na karaniwang haligi ng tahanan ang mas madalas na kontrapelo sa buhay ng isang Kim Chiu. Hinding-hindi titikal ang hinliliit ni Lilybeth sa kamay tuwing nasa abot pa ng tanaw si Itay. Makakapag-ladlad lang ng kapa si Batgirl sa oras na sumakabilang-buhay o sumakabilang-bahay si Pudang na strong. May inang magiliw at naaaliw sa mga bading, dahil siguro halos bading din ang barkada nito noong kadalagahan niya. Pero magkamatayan na, mayroong ii-Inday Barretto n'ya talaga sakaling isa sa mga anak niyang lalaki ay maging beki sa hinaharap. Kinaaaliwan pero subconsciously hinuhusgahan. Babuy. Imoral. Nakakapandiri. Sa ibang lugar pa nga, binubugbog hangga't hindi nagkukulay-talong ang buong katawan.

Maraming makaka-identify dito, pero simula't sapul na mga bata pa, walang guilt kung bading ang sasalo ng tukso at lait ng lahat. Naturingang itinuturo sa school ang masamang epekto ng bullying, pero minsan guro pa mismo sa klase ang pasimuno ng pambubuska. Ito ang stage na dinidiscover n'ya ang kaibahan n'ya. Ito yung puntong wala pa s'yang muwang at gusto n'ya icelebrate ang pagiging paruparo n'ya.

Pero hindi pwede dahil maraming may-ayaw. Ayaw s'yang pagilingin ng over the top pag may sayawan dahil masyadong magaslaw at nakakahiyang malaman ng tao na kamag-anak nila ito. Ayaw s'ya pakantahin with stand out performance dahil dadagundong ang diva rendition ng isang simpleng kanta at mahahalatang sintunado ang katabi n’ya. Ito yung panahon na kailangan n'ya ng pagtanggap. Kailangan n'ya ng direksyon at pangarap. Ano s'ya paglaki? Gaano s'ya kadisiplinado at kagaling? Gano kalawak ang pangarap na kaya n'yang tuparin? Gano s'ya kaepektibo? Hindi pa man napapatunayan ang sarili n'ya, sinusuko na s'ya ng mga mahal n'ya sa buhay.

Pano mo paninindigan ang sarili mo kung mismong mga mahal mo ay hindi ka kayang panindigan? Mahalaga ang unang reaksyon ng pamilya sa oryentasyon ng isang batang bading o tomboy. Ito ang magtatakda ng lawak ng mundo na pwede lang nilang lakaran sa pag-edad nila. Kahit hindi sila tanggap ng lipunan basta isandaang porsyento silang suportado ng kapamilya, higit pa sa sapat ang pundasyon nila kung paano sila lalaban sa buhay. Hangga't hindi nawawala ang pag-i-istereotype ng lipunan sa mga kagaya nila ay hindi sila magkakaruon ng tamang gabay kung paano sila makikipagsabayan sa mundo.

Sabi nga nila, kilala tayo ng mahal natin sa buhay partikular na ng mga magulang natin. Kahit hindi tayo sa kanila officially mag-out. Hindi tanga ang mga yan na kaya nating paglihiman sa kung ano tayo. Sanggol pa lang, doon pa lang sa kung pano natin hinahawakan ang tsupon ng gatas, may ideya na sila kung ano tayo paglaki. Ayaw lang nilang pag-usapan pa. Dahil siguro masyado pang maaga, hindi pa sila handa. Isasantabi muna hanggang sa ang pagkikibit-balikat ay maging pagkasuklam na. Sa oras na yung bata na ang maging handa para sa sarili n'ya, buo na ang loob ng mga kapamilya para turuan s'yang kasuklaman o ikahiya ang kung ano s'ya.

Hindi ba't ang buhay ng tao ay tungkol sa pagmamahal? Iyan ang pinaka-importanteng regalo sa atin ng Panginoon. Dahil Siya mismo ay pagmamahal. Hindi lang para mabuhay ng tipikal sa paraang katanggap-tanggap ng iba. Hindi lang para maisilang, matuto, at maghanap ng magiging kabiyak na makakasama sa pagtanda. Ang mga kwento ng pag-ibig ay hindi palaging tungkol lang sa nagkakatuluyang nagmamahalan. Minsan tungkol din ito sa walang katapusang paghahanap ng mamahalin, paulit-ulit, balik sa umpisa pagkatapos madapa. Hanggang sa huli ay madiskubre mong ang learnings at pait pala na naidulot ng mga pinagsama-sama mong minahal ang kabuuan ng sarili mong love story. Maaaring hindi tayo nakalaan para makahanap ng makakatuluyan sa huli. Baka ang buhay natin ay itinakda para magmahal lang ng tao. Magbigay. Magparanas sa kanila ng tunay na pagmamahal.

Marahil kung noon pa naging bukas ang pag-iisp ng lipunan sa mga miyembro ng third sex, baka naipanuto ang buhay ng mga napariwara. Baka hindi nawasak ang maraming pamilya. Baka hindi kinailangang wakasan ng mga malulungkot ang buhay nila.

Nakakapagod magtago sa closet. Nakakasulasok. Nanggaling na ako doon at hinding-hindi na babalik pa. Nakakalungkot na kailangang pamiliin nila ako kung alin sa pagiging malaya o sa pagmamahal nila ang dapat kong itira sa buhay ko. Hindi ko pinagsisihan kahit katiting ang naging desisyon ko. Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanila pero hindi ko gustong makapanakit ako ng ibang tao pagdating ng panahon. Mas lalong ayaw kong saktan ang sarili ko. Sabagay, sobra-sobra na ang dinanas ko. Kung susukuan nila ako at hindi nila ako tatanggapin, sinong gagawa noon para sa akin?

 Sana itigil na ng mga ignorante ang pagtutulad ng homosekswalidad sa pedopilya. Kung may issue ka sa tangkang pang-aabuso nung bata ka, humingi ka ng propesyonal na tulong. Di yung pinuproject mo ang galit mo sa iba. Kase hindi iyon babala sa bintang na hindi pa ginagawa. Galit iyon. Magkaiba ang malasakit sa galit. At lalo't higit, huwag iuri ang kabaklaan o katomboyan na kapantay ng sa kriminal at kasamaan. Huwag kulayan ng madungis ang payak na pagsasabi lang ng totoo kung ano ka, dahil kung tutuusin hindi naman na dapat tatakan o lagyan pa ng label ang bawat pagkatao. Na ano, may good-bad-expired meats? May class A, class B at class C? Na pag kabilang sa class C (which is the representation of third sex) ay may factory defect na hindi pang-import dahil dispalinghado?


Tao lahat yan. Walang higit at kapos. Lalaki. Babae. Mga lalaking nagmamahal ng babae, mga lalaking nagmamahal ng kapwa-lalaki at babaeng umiibig sa kapwa-babae. Parang xy, xx at yy. Katulad kung panong di na dapat ispecify sa drayber kung Black, White, Asian, Muslim o Vegetarian ang isang nagbabayad lang ng pamasahe. Itratong kasing normal ng isa ang lahat gaya ng batang babae na mahilig sa dirty old men. Anong masama kung wala namang tinatapakan at nagmamahal lang?







24.5.13

Agaw-liwanag Sa Tabing-Ilog



Abril, 1941



      Nasa high shool pa lamang sila nang unang matagpuan ang pook na iyon. Sadyang mahal ng babae ang tubig. Ang simoy ng hanging pumapalibot dito. At ang magandang tanawin na sa litrato lamang nila kayang angkinin.










  
       Kung ang mga taga-rito’y nagkakasya na lamang sa paghinga ng malalim sa tuwing mamalasin ang hangganan ng ilog, sila nama’y ibig kulungin ang oras habang sinasaid ang bawat sandali ng pananakop sa kagandahan nito.

      Katatapos ng klase nila noon sa eskwela, at sa tabi ng puno dito unang hinarap ng binata ang katapangang magtapat ng nararamdaman sa matalik niyang kaibigang-babae.







Nobyembre, 1946



      Marunong ang Diyos. Kasabay ng mabilis na paglipas ng mga buwan, mas lalo pa nilang minamahal ang isa’t isa sa bawat araw na nagdaraan.



      LALO’T HIGIT, MINAHAL NILA ANG KANILANG MGA PAGKAKAIBA.




      Karampot lamang ang perang inabot ng mga isponsor sa kanilang kasal. Sapat pampanimula at pamasyal sa tabing-ilog tuwing katapusan ng linggo. Pinayagan sila ng isang kamag-anak na rentahan ang isang kubong may isa o dalawang kilometro ang layo mula sa minamahal nilang tubig.



      Alanganin ang oras sa pagtatrabaho ng lalaki sa pagkakarpintero, kaya kadalasang di sila makabyahe papunta sa ilog hanggang madaling araw ng Sabado. Ngunit sa tuwing matumal ang pamamasyal ng mga lamok, mas ibig nilang maglunoy sa tubig sa liwanag ng buwan. Kinakanta ang mga pamosong awitin ng kanilang panahon at isinasandal ang mga likod sa gilid ng punong santol. Ipinipikit ang mga matang animo’y idinuduyan ng panaginip. Magkasalong tinutungga ang isang boteng alak habang inilililok sa kalawakan ang kanilang mga pangarap.







Mayo, 1949



      Tag-araw noon nang ipamana sa kanila ng tatang ng babae ang bangkang de-motor na napaglumaan nito sa pangangawil. Lilibutin nila ang buong ilog at iisa-isahin ng kanilang mga mata ang mga bahay sa gilid. Nangangarap kung ano kayang pakiramdam ng magtirik ng permanenteng bakasyunan sa tabing-ilog. At ipipiling lang ng lalaki ang kanyang ulo; ang halaga ng lote at bahay na tulad ng sa ganito ay higit pa sa sampung taon na kanilang sinusweldo.








Hulyo, 1988



      Lumipas ang maraming taon. Mabilis na nagsilakihan ang kanilang mga anak. Matagal-tagal na rin nang huli silang maligaw sa pagbabakasyon doon. Noon pa kasi ibinenta sa iba ang kubong inuupahan nila dati dahil yumao na ang kamag-anak nilang nagmamay-ari nito.



      Hanggang sa palarin ang lalaki sa kanyang trabaho at kitain ang perang sa pangarap lamang nila tinanggap. Mabilis nilang naalala ang mga Sabado at Linggo na walang kasing-saya. Agad silang bumiyahe kasama ang panganay nilang arkitekto at sa tulong nito kasama pa ang inhinyera nilang dalaga naipatayo ang pangarap nilang bahay-bakasyunan sa minahal nilang tabing-ilog.


      Mas lalong gumanda sa paningin ang iniwanan nilang pook. Pinatingkad ng iba’t ibang bulaklak ang luntiang paligid na naglalandas sa malinaw pa ring tubig. Mangilan-ngilang mga puno lamang ang nadagdag sa tanawing animo’y ipininta ng Panginoon. Nakauubos ng salita sa bibig ang kabuuan ng lugar. Walang katulad.









 Marso, 1991



      Hindi nila inakalang magiging ganito muli kasaya ang kanilang tag-araw lalo pa ngayo’t isa-isa nang nilipad papalayo ng pangarap ang kanilang mga anak. Tuwing umaga’y namimingwit ang matandang lalaki bago pa yumabong ang haring araw. Nahihimbing naman ang matandang babae bago siya gisingin ng musikang likha ng mga ibon. At ipaghahanda niya ng tocino, sinangag, pandesal at gatas ng kalabaw ang minamahal na kabiyak. Isasalang ng matandang lalaki ang plaka ng paborito nilang kanta at pupwesto sila sa gilid ng ilog kung saan mainam na nakalatag ang almusal. Halos mabali ang leeg ng mga nakatatanaw sa kanila.





      Napangalanan na yata nila lahat ng mga kuneho, gansa at usang pumapasyal doon upang makiinom sa kanilang ilog. Nakilala na rin ng mag-asawa ang aleng naglalako ng mga sariwa at bagong pitas na gulay, pati na rin ang may-ari ng suki nilang merkado at maging ang pastol ng kalabaw na binibilhan nila ng kesong puti at gatas.





Agosto, 2011



      Ang pinakahihintay nilang bahagi ng buong araw ay ang dapit-hapon. Walang pagsidlan ang saya ng matandang lalaki tuwing mapapagmasdan ang paglubog ng araw. Hihinto sa paggagantsilyo ang matandang babae at daop-palad nilang panonoorin ang pagbabago ng tubig mula sa kulay-asul hanggang maging kahel, mula sa kulay-abo hanggang maging itim.





      Isang gabing hindi madalaw ng antok sa pampang ng ilog ay nakalikha ang matandang babae ng munting tula:



Ang  araw  ay  bumaba,

tulad  ng  gintong  luha

Panibagong  umaga,

Panibagong  umaga,

ang  nawala.





      Kinaumagahan ay ipinabasa niya iyon sa kaniyang kabiyak. Nalungkot ang matandang lalaki sa mensahe nito ngunit iyon daw talaga ang dahilan kung bakit ito naging maganda.  Ang hindi niya lang magustuhan ay ang katotohanang  hindi na sila maaaring manatili sa tabing ilog dahil sa lamig na hatid ng paparating na Setyembre. Mas gusto niya ang tag-araw. Hindi niya kaibigan ang mga bagyo. Ayaw niya nito kahit pa may maningning na siga sa gabi o mainit na tsokolate pampapawi ng ginaw, ginaw na makakapagpalumpo sa kaniya dahil sa matindi niyang karamdaman.






      Tuwing huling linggo ng Agosto ay iniaahon nila ang bangka at ipinipinid ang lahat ng pinto para kadenahan. Bibiyahe sila papuntang Maynila at pansamantalang titira sa bahay ng isa sa kanilang walong anak. Napapabuntong-hininga na lamang sila sa tuwing lilisan.





Pebrero, 2013



      Bago ang tagsibol at masiguro lamang nila na ang makapal na mga hamog ay nangagsiwala na, babalik sila. Buong galak na bubuksan ng matandang lalaki ang pinto at mga bintana para papasukin ang preskong hangin. At lalabas ang matandang babae upang batiin ang mga ibong animo’y mga kaibigang matagal na nawalay sa kanya.



      Ang tag-araw ng bawat taon ay tila ba mas maganda pa sa nauna. Walang kasing rikit ang bawat paglubog ng araw.





      Ngunit kakaiba ang naging takbo ng sumunod na pitong buwang bakasyon nila nung taon na iyon. Isang tanghali ay mag-isang pumanhik ang matandang babae sa tablang sahig ng bahay sa tabing-ilog. Suot ang itim na bestida'y mag-isa niyang isasara ang bakasyunan para sa papalapit na bagyo.



      Pinilit niyang bilisan ang gawain habang iwinawaksi sa isipan na ang hawak niyang likmuan ay ang paboritong tumba-tumba ng kanyang asawa. At ang nakasampay ditong balabal ay ang pangginaw na handog nito sa kaniya noong ika-animnapu’t limang anibersaryo nila sa kasal. Marahan na pinasadahan ng kulubot niyang kamay ang pamingwit at sombrerong nakalapag sa ibabaw ng lamesita. Ayaw niyang pumikit dahil parang nakikita niyang gamit pa rin ito ng buhay na buhay na matandang lalaki.



      Parang dinudurog ang kaniyang puso. Ibig-ibig na niyang sumabog anumang oras na maiisip niyang hindi na niya ito makakasama.



      Hindi pa niya kayang mag-isa. Hindi pa niya naihahanda ang sarili.



      Ayaw na niyang dumating pa ang dilim na hindi niya naaakap ang kabiyak. Sabik na siya agad na maawitan nito ng paborito nilang kundiman. Sabik na siyang sapinan nito ang kaniyang likod tuwing siya’y pagpapawisan. Hinahanap-hanap na niya agad ang araw-araw nitong panunuyo.










Disyembre, 2015



      Nilibot ng nanlalabo niyang mata ang kabuuan ng bahay. Regalo ito sa kanya ng matandang lalaki. Ito ang dahilan kung bakit siya napasagot ng asawa noong kabataan nila. Siya lamang talaga ang tunay na may ibig ng lugar na iyon. Ang ilog na saksi ng lahat-lahat ng mga pangyayari sa kaniyang buhay. Noon pa’y bawal na sa kalusugan ng matandang lalaki ang maginawan ng husto. Kung kaya nga't kambal ng bawat niyang tinatahanan ang siga pampainit ng temperatura. Dahil ito sa rayuma sa kalamnang hindi paris ng tipikal na mga rayuma. Katunayan, bukod sa hilig lang niyang pamimingwit ay hindi ito lumublob sa tubig ng ilog kailanman.








      Ngunit ito ang nagpapasaya sa matandang babae. Ang paglangoy at paglulunoy sa tubig ang kanyang kaligayahan. Hinirati siya ng kabiyak sa walang hanggang pagpaparaya. Wala na yatang kagustuhan niya ang hindi nito ipinagkaloob. At hindi naging hadlang ang pagkakaiba nila sa kanilang pagmamahalan.



         ”Kahit anong maibigan mo, mahal, sisikapin kong ibigay sa’yo.”
     "Yaman din lang nagtanong ka, gusto ko ng bahay sa tabing-ilog. Maanong bawal sa iyo? E di, maglagi ka sa loob lang at ako'y maglalangoy sa labas tuwing pahinga. Iyon ang gusto ko."



      Noon din ay bumalik s'ya sa wisyo at napansing malapit na palang mag-hapon. Sa ilang iglap lang ay dagling sumabog ang matingkad na kulay-apoy, tanawing nakapagpapatunaw sa puso ng kaniyang nasirang asawa.



      Sinubukan niya. Pero hindi niya kayang panoorin ito nang nag-iisa. Hindi habang lumuluha. Kaya agad siyang tumalikod, pumasok sa bahay, isinara ang tarangkahan at bumiyahe nang mag-isa.















    Sa susunod na Sabado ay pasasabitan niya ang bakod sa isa niyang anak ng karatulang may nakatitik na: “FOR SALE”. Marahil ay maibigan ito ng mag-asawang mahilig manood ng agaw-liwanag habang magka-akbay sa pampang ng tabing-ilog.







*WAKAS c",)*



 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...