17.4.15

Amor Powers Reloaded




Hindi ako pala-away nung bata ako. Lagi lang akong kimi at tahimik sa klase. Gusto ako ng teachers namin na umupo sa gitna o sa harap ng klase pero mas pinipili kong umupo sa dulo. Sa row 4 na tabi lagi ng bintana o ng pinto sa likod.


I don't mind kung seatmates ko yung mga hudlum o yung mga hindi plantsado ang uniform. Una, siguro dahil ayaw kong sumabay sa arte ng mga kaklase ko. Pangalawa, ayoko ng maingay. Ganung tipo ako ng estudyante although di naman mahina ang ulo ko, mdalas ako sa top 3. Ayoko lang talaga ng nakikipagsabayan sa drama, sa kasipsipan at sa harot ng mga normal.





Minsan napaiyak ko ang teacher ko sa AP na laging pinupuntirya ang pagiging anti-social ko. Paborito n'yang dumakdak ng tungkol sa mga artista. As if hindi n'ya ihahalo sa exams yung mga lessons na hindi na-discuss dahil nilamon ng mga kwento n'yang walang kwenta. Halatang nabu-bore din naman yung teacher-pleasers kong mga kaklase pero walang bumabasag sa kanya. Mga takot. Recitation sana pero andaming delays dahil andaming pasakalyeng kwento tungkol sa showbiz. Target n'ya lagi si Kris Aquino.

"Let's stick to our main lesson, ma'am." Walang kaabug-abog kong sagot. Walk out si mare. Sinumbong ako sa guidance counselor. Hindi porket private school e dapat magdagdag din ng showbiz oriented talk show to cover up her not being ready to discuss. That day I created my own prestige. My classmates didn't forgive me for that.

My character is more important than my reputation, because it says more about who I am as a person -- and not, what others think of me as a person. We don't impose to others the kind of reputation we would like to have. So I really hate it when people give me directives on how should I behave and act.

You think I'm some basic bitch?






10.4.15

Mahirap Pa Sa Agiw


This is worth sharing. Mahaba s'ya ng very lite pero sana pagtyagaan mong basahin hanggang sa huli. Interview ito ng isang InterAksyon correspondent sa TV5 kay Aling Rosalinda Garcia, mga nasa sisenta anyos.


Nakatira s'ya sa pinagtagni-tagning pinulot na plywood sa isang slum area sa Tondo, kasama ang dalagitang anak na si Jennifer. Konting sipa, magigiba ang bahay dahil tinalian lang ang bawat sulok ng plastic na straw na hiningi sa tindahan.


Sila yung halimbawa ng pinoy na walang-wala. In fact, sa tinitirhan nilang squatters area, mas alta-sosyedad pa sa kanila ang mga tribe members sa bundok tralala. Dahil ayon sa concensus ng mga homeowners, sila na ang pinakamahirap sa lupon ng mahihirap doon.


Layunin nitong maging thankful tayo sa kakaunti or maraming bagay na meron tayo, ang mapahalagahan lahat kahit pinakasimpleng pagkain, bagay o gamit na laman lang ng bahay natin. Siguro ang kapalaran ay minamaneho ng swerte at pananampalataya. Pero may nabubuhay talagang mga tao sa mundong ito na wala pa sa kalingkingan ng mga bagay na meron ka, pero naka-"hashtag lumalaban".







ISANG SULYAP SA BUHAY NG ISANG MAHIRAP PA SA MAHIRAP



INTERAKSYON (IA): Ano po ang natapos ninyo?
GARCIA: Hindi ako nakapag-aral kahit Grade One.
IA: Ilang taon na po kayo?
GARCIA: Kwarenta... Singkwenta... Hindi ako sigurado eh.
IA: May birth certificate po ba kayo?
GARCIA: Wala.


IA: Nasaan po ang asawa ninyo?
GARCIA: Patay na. Matagal na. Napag-tripan ng mga adik sa Pier 2, pinalo nang pinalo sa binti. Hindi na nakatayo. Tapos nagkaroon ng diabetes.


IA: May anak po ba kayo?
GARCIA: Oo, etong kasama ko, si Jennifer.
IA: Ilang taon na po si Jennifer?
GARCIA: Onse... katorse... Di rin ako sigurado.
IA: Wala rin po siyang birth certificate?
GARCIA: Wala, di ko naparehistro.
IA: Nag-aaral po ba siya?
GARCIA: Hindi.
IA: Kahit kailan po hindi nakapag-aral? Kahit Grade One?
GARCIA: Hindi.


IA: Ano po ang trabaho ninyo?
GARCIA: Nagwawalis ng kalsada
IA: Ilang oras po ang trabaho ninyo?
GARCIA: Mga lima.
IA: Anong oras kayo nagsisimulang magwalis?
GARCIA: Alas kwatro (ng madaling araw).
IA: Anong oras natatapos?
GARCIA: Mga alas nuwebe (ng umaga).


IA: Magkano po ang kita ninyo?
GARCIA: Dalawang libo.
IA: Kada buwan?
GARCIA: Kada tatlong buwan.
IA: Sino po ang nagpapasweldo sa inyo?
GARCIA: Ang barangay.


IA: Ano po ang kadalasang almusal ninyo?
GARCIA: Monay at kape.
IA: Magkano po ang gastos ninyo sa almusal sa isang araw?
GARCIA: Trenta pesos.
IA: Sa tanghalian po, ano ang kadalasang kinakain?
GARCIA: Pakbet na gulay o kaya tuyo.
IA: Magkano po ang nagagastos sa ulam?
GARCIA: Mga kinse (pesos)
IA: Niluluto po ninyo ang ulam o binibili?
GARCIA: Binibili, luto na.
IA: Paano po ang bigas?
GARCIA: 'Yung Iglesia ni Cristo ang nagbibigay sa amin. Tatlong kilong bigas kada Lunes.
IA: Tatlong kilong bigas sa isang linggo kasya na?
GARCIA: Di kasya. Mga apat o limang araw lang nagtatagal ang bigas.
IA: Eh Paano po pag wala nang bigas?
GARCIA: Tinapay na lang, o minsan wala.
IA: Ang bigas po ba ninyo kayo ang nagsasaing?
GARCIA: Hindi, nakikisaing na lang sa kapitbahay. Wala akong gamit sa pagluluto.


IA: Nakakain po ba kayo palagi ng tatlong beses isang araw?
GARCIA: Siguro... mga tatlo o apat na araw lang tatlong beses ang kain sa isang linggo.
IA: Doon po sa mga araw na di kayo kumakain ng tatlong beses, ilang beses na lang po kayo kumakain?
GARCIA: Dalawa o isang beses na lang.
IA: Ano po kinakain ninyo sa mga natirang araw na di ninyo nakukumpleto ang pagkain ng tatlong beses isang araw?
GARCIA: Tinapay na lang. Pag may natirang kanin o may nagbigay ng kanin, toyo ang ulam.
IA: Magkano po ang kadalasang budget ninyo sa pagbili ng toyo sa isang linggo?
GARCIA: Apat na piso.


IA: Pag nagugutom po at wala nang makain, ano po ang ginagawa ninyo?
GARCIA: Wala. Natutulog na lang kami ng maaga para 'di makaramdam ng gutom.


IA: Wala po kayong gripo sa bahay?
GARCIA: Wala.
IA: Saan po kayo kumukuha ng tubig?
GARCIA: Umiigib sa kapitbahay.
IA: Libre po 'yon?
GARCIA: Hindi, may bayad. Piso isang galon.
IA: Sa isang linggo, ilang galon po ang binibili ninyo?
GARCIA: Dalawa.
IA: Ilang beses po kayong naliligo sa isang linggo?
GARCIA: Dalawang beses.
IA: Si Jennifer po?
GARCIA: Dalawa rin, sabay kaming maligo.


IA: Nagsha-shampoo po kayo?
GARCIA: Minsan, pag may pambili.
IA: Eh pag wala?
GARCIA: Sabon na lang.
IA: Ano pong sabon?
GARCIA: Kadalasan 'yung sabong panlaba, 'yon na rin panligo.
IA: Ano po ang sabong panlaba ninyo?
GARCIA: Champion.
IA: Ilang beses po kayong maglaba sa isang linggo?
GARCIA: Isa.
IA: Magkano nagagastos ninyo sa pagbili ng Champion sa isang linggo?
GARCIA: Sampu (piso).


IA: May CR po kayo?
GARCIA: Wala.
IA: Saan po kayo dumudumi?
GARCIA: Sa plastic o kaya sa damit na di na ginagamit.
IA: Saan n'yo po tinatapon ang dumi ninyo?
GARCIA: Sa basurahan o kaya sa imburnal.
IA: Saan po kayo umiihi?
GARCIA: Sa arinola.
IA: Saan po ninyo tinatapon ang ihi ninyo?
GARCIA: Sa imburnal din.


IA: May kuryente po kayo?
GARCIA: Wala.
IA: Ano po ang ginagamit ninyong pampailaw?
GARCIA: Kandila.
IA: Magkano ang budget ninyo sa kandila sa isang araw?
GARCIA: Tatlong piso.
IA: Nakakabili kayo ng kandila araw-araw?
GARCIA: Hindi. Pag walang pambili, di na lang nagkakandila.


IA: Ilang beses po kayong nagsisipilyo sa isang araw?
GARCIA: Isa.
IA: Isang beses isang araw?
GARCIA: Hindi, minsan isang linggo, pero wala akong sipilyo.
IA: Paano po kayo nakakapaglinis ng ngipin kung wala kayong sipilyo?
GARCIA: 'Yong tela o bimpo, kinukuskos lang sa ngipin.
IA: Ang bimpo po nilalagyan ninyo ng toothpaste?
GARCIA: Wala kaming toothpaste. Di kami nagko-Colgate.
IA: Eh ano po ang pinanlilinis ninyo ng ngipin?
GARCIA: 'Yung tela o bimpo pinangkukuskos sa ngipin nilalagyan ng Champion.
IA: So ang toothpaste n'yo po 'yung Champion... Si Jennifer po ganoon din?
GARCIA: Oo. Ang dami na ngang sira ng ngipin niya.


IA: Ano po ang ginagamit niyo na panlinis ng tenga?
GARCIA: Palito ng posporo.


IA: Nireregla pa po ba kayo?
GARCIA: Hindi na.
IA: Kailan pa po kayo huling nagkaregala?
GARCIA: Matagal na... di ko na matandaan.
IA: Noong nireregla pa po kayo, nakakabali po kayo ng menstrual pad o napkin?
GARCIA: Pag may pambili. Pag wala, pasador na lang. 'Yung tela o kaya lumang damit na di na ginagamit.


IA: May sapatos po ba kayo?
GARCIA: Wala. Step-in lang.


IA: Ilang buo o maayos pa pong panty meron kayo?
GARCIA: Dalawa.


IA: Anu-ano po ba ang gamit ninyo sa bahay?
GARCIA: Wala.
IA: Wala? Kahit kutsara?
GARCIA: Ah meron - kutsara, tinidor, pinggan.
IA: Ano pa?
GARCIA: Kumot, unan, hanger.
IA: Ano pa po?
GARCIA: Wala na.

IA: Kung magkapera po kayo pambili ng pagkain, ano po ang gusto ninyong kainin?
GARCIA: Gusto kong kumain ng baboy. 'Yung adobo. Matagal na akong di nakakain no'n.


IA: Ano po ang nararamdaman niyo kapag sobra kayong nagugutom?
GARCIA: Sumasakit ang ulo ko. Masakit ang tiyan... maasim ang sikmura.







Sa mga oras na hindi natin nakukuha ang gusto natin. Nagagalit tayo, nagmamaktol. Kung tutuusin, hindi rin talaga natin alam kung anong meron tayo.

9.4.15

Binubuning Paminta Q&A







Maraming salamat sa napakagandang katanungang akma lamang sa taong inyong tinanong.  *insert roar of the crowd here*



Well pag pinili ko yung kung ano ako ngayon, I've the best of both worlds. Di madali, pero masaya ako dahil ito na ko e. I wouldn't say magiging malungkot ako pag naging straight ako though mas walang stigma pag straight ka, mas conventional ang pagbuo ng pamilya, walang masyadong complication.. pero di ibig sabihin di ka na madi-discriminate.


What I'm trying to say is "you need to be whatever God intended you to be". Like kung lalaki ka pero gusto mong magpa-boobs, then be it. Sexual orientation lang yan. Di ka dapat ma-typecast sa pagiging "gay" lang, dahil bago ang lahat .. TAO ka muna. It's all labelling. Na dapat wala talaga in the first place, dahil nire-restrict ka nun to be unpredictable. Na dapat "super straight", super straight lang. 
Wag sasama sa grupo ng mga "medyo straight" at "straight-straightan" dahil di ka dun pwede. Na di ka pwede mainlove sa power bottom dahil power bottom ka rin. As if penetration at sex lang nagpapaikot ng mundo. See? It's all labelling.


Hindi mo kailangan ng approval ng iba sa kung anong gusto mong maging, kahit pagiging kriminal pa yan. But always remember, there will always be a price for it. Dapat handa ka. Kung saan ka sasaya, dun ka dahil YUN ka e. So to answer the question, I'll be gay pa rin. Kahit siguro ginawa akong babae, I think I won't be 100% straight either. Or I can be straight too as long as it's really who I am. It doesn't matter. As long as I'm not being forced to be someone else.



Iyon lamang.. at maraming salamat po.



Judges : (Sabog ang mga eardrums.)





4.4.15

"Brenda"



May dalagitang college student na tubong-Mindanao ang ginahasa ng isang baranggay tanod sa loob ng kanyang inuupahan sa Pureza. Tumakas ang suspect at di na rin n'ya inireport ito sa pulis dahil sa takot n'ya sa malaking iskandalong idudulot nito sa kanya at sa tatay n'yang nasa probinsya na may sakit sa puso. Wala silang kamag-anak sa Maynila at nagsasaka lang ang mga magulang n'ya para may maipangtustos sa kanyang matrikula.


Bago s'ya tumungtong sa 3rd year college ay nagbunga ang kahayupan ng gumahasa sa kanya at wala s'yang nagawa kundi ang huminto sa pag-aaral at ilihim iyon sa mga magulang. Tanging kita lang mula sa dalawang videoke machines na naipundar n'ya mula sa padala ng kanyang nanay at tatay ang pinagkukunan nila ng panggastos. Noong taon ding iyon ipinanganak n'ya ang sanggol na pinangalanan n'yang Aaron.


Isang taon pa ang lumipas ay ginulat s'ya ng pamilyar na mga tinig sa mismong pinto ng kanyang inuupahan. Lumuwas ang kanyang ama't ina para sorpresahin s'ya sa buwan na dapat ay kanyang graduation. Nilingon n'yang mabilis ang bintana at pinto kung san naron ang kanyang mga bisita. Nakapinid. Tarantang-taranta s'ya. Dali-dali n'yang binuhat ang tulog na si Aaron at ipinasok sa rice dispenser. Dinaganan n'ya ito ng laundry basket na puno ng labahan at tinodo n'ya ang lakas ng TV para hindi marinig ng mga ito ang iyak at sipa ng batang nasa loob ng kahon. Hinarap n'ya ang mga magulang nang mahinahon gamit ang saulado na n'yang kasinungalingan. Mukhang di naman s'ya nahalata ng kanyang nanay at tatay sa magaling n'yang kwento. Paglipas ng tatlong oras ay nagpaalam ang dalawang matanda na pupunta muna sa Quiapo upang dumalo sa kasal ng anak ng kanilang kapit-bahay sa Mindanao na sila ring nagbigay sa kanila ng libreng pamasahe pa-maynila.


Tatlong oras nasa loob ng rice dispenser si Aaron. Walang kalabog. Walang ingay. Walang iyak. Tatlong oras. Dahan-dahan n'yang binuksan ang takip ng rice dispenser. Wala na si Aaron. Ga-ilog ang iyak at atungal ng babae habang tumutugtog ang jingle ng isang patalastas sa TV..


".. basta may kyowa, ginhawa ka!"  Sa kalgitnaan ng pagnguyngoy ay natawa s'ya sa naulinigang patalastas. Malutong na tawang naging halakhak. Na naging palahaw muli. Naghalo ang uhog at luha na malayang binagtas ang kanyang leeg patungo sa suot niyang pamasyal sana nila ni Aaron sa parke mamayang hapon.


Kalunos-lunos ang kanyang itsura nang may kumatok uli sa pinto. Ang nanay at tatay n'ya na tila ay may nakalimutang dalhin sa kanilang bagahe kanina. Tuliro na ang babae. Kipkip n'ya pa rin si Aaron sa kanyang dibdib.




Pag lingon n'ya sa lamesa ay nandun ang kutsilyo.

Dilim.









Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...