16.6.14

MONMON

(ang MONologue ni MONica)


Nahihilig tayo sa mga storylines na may kinalaman sa pagtataksil, pangangaliwa at panloloko. Siguro dahil sa maraming nakaka-relate. Akala natin, basta isang side lang 'to ng kwentong halaw sa karanasan ng iba. Pero 'yun talaga 'yung totoo. May mga relasyong nakatakda pa lang masira. Any time, any minute now, maghihiwalay na sila, papatapos na 'yung love story nila.



Para sa'kin, boring ang infidelity. Hindi ko sinasabi 'to dahil sa righteous ako o mapagmalinis o dahil sa lango ako sa love life ko ngayon. No. Boring lang talaga for me 'yung pakikipag-affair sa labas ng relasyon. Kasi 'yun na 'yung totoo ngayon e. Yun na 'yung normal at ginagawa ng lahat. Yung tumikim ng ibang putahe? Kahit 'di ka gwapo kaya mong gawin 'yun! Malalayo't malalayo ka sa partner mo, hahainan ka ng "yummy dishes" at iba pang tukso na lahat sila -- willing gumawa ng pagkakamali kasama ka, kahit committed ka pang tao. That's life! Likas na manloloko ang tao. Baka hindi pa lang ineentertain ng ilan 'yung idea na 'yun. Pero later on, wag ka, dun din ang punta. "Hindi kita iiwan.." "Magsasama tayo forever.." -- all full of shit! Ipapadinig n'ya sa'yo lahat ng gusto mong marinig dahil best foot forward lang lagi ang pakikipagrelasyon. Bigyan mo ng ilang taon ang isang perpektong love team at titingin at titingin din ang mga 'yan sa iba pag nagka-opportunity. At dun magsisimula ang pagpasok ni Nicole sa kwento.



Mas challenging 'yung pagiging faithful. Yung sincere ka na S'YA at S'YA lang. Yung binigyan ka ng chance magkaron ng matagal na relasyon ni Lord, uma-umaga s'ya yung makikita mo paggising mo. S'ya at ang mga imperfections n'ya. S'ya at ang walang kwentang mga pagrarason n'ya. Na paulit-ulit, paulit-ulit mong titiisin. At 'ni hindi sasagi sa isip mong magsawa o ipagpalit s'ya sa iba. Yung hindi -- one time bigla ka na lang tatamarin gawan s'ya ng love letter every monthsaries n'yo dahil antagal mo na 'yung ginagawa for him. Na hindi ka magsasawang payungan s'ya pag mainit, masahihin pag pagod, ipagluto ng recipe na dinownload mo pa sa website ng Delmonte Kitchenomics o di kaya, hatid-sunduin sa school o sa trabaho, bumabagyo man o hindi. Na walang mintis, di mo pagsasawaang gawin sa kanya 'yun dahil di mo rin ma-imagine ang sarili mong ginagawa 'yun sa iba. Na kahit wala na kayong happy moments together since lagi lang naman kayong nag-aaway pag magkasama kayo, e s'ya pa din 'yung taong mas pipiliin mong kasama sa huling araw mo sa mundo imbes ang family mo. Kasi ganoon mo s'ya kamahal.



Para sa'kin 'yun 'yung mas may thrill. :)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...