Buset na buset ako sa lahat ng mga hamog na dumi-discriminate sa lahat ng kabilang sa call center industry. One time, naki-usyoso ako sa "harapan" nila Tunying (hindi n'ya tunay na pangalan or kahawig si Anthony Taberna, pero ka-height n'ya!) at ng landlady ko. Katatapos kong i-claim 'yung pina-laundry ko (may laundry shop sila) at di pa ko nakakalayo ay naringgan ko na agad silang nag-uusap na mag-tita tungkol sa akin.
Tunying : Tita, s'ya pala 'yung umuupa d'yan sa kabilang apartment? Mukhang mapera..
Labanderang Landlady : Sinong mapera? Late nga ng ilang araw magbayad lagi ng renta!
Insektang 'yun! Makapanira?! Hindi ko pa due date, may pag abang na agad sa pintuan ko. Kala mo adik lang na di makapaghintay. Paano ako male-late sa pagbabayad? Penalty n'ya malinaw na P500 agad. Kumikitang kabuhayan lang.
Tunying : Buwanan ko lang s'ya madatnang nagpapalaba. Nagtu-tutong na 'yung mga damit n'ya pag dinadala n'ya dito! Anlansa ng amoy. Tas 'yung mga bimpo n'ya, anlalagkit! San nagtatrabaho?
Labanderang Landlady : Mukha namang matalino, kaso sa kolsenter lang. Haru josko! Sinabi mo pa, buti di nagpapa-laundry ng underwear. Magdidikit-dikit 'yun sa washing machine naten.
'Yun na ang qualifier para ibato ko sa kanila ang dala kong mga damit. (Pero syempre hindi ko yun ginawa).. Kung pwede ko lang sila ikulong sa loob ng washer na naka-on. Kaso hindi sila kasya.
Tunying : Ay, sayang naman. Kolsenter lang ang trabaho. Baka drop-out nung college?
Labanderang Landlady : Kamo, parang walang trabaho! Hindi naman maituturing na propesyon 'yun.
Tunying : Mismo. Hindi ako mag-aapply dun. Ang yayabang ng tao, iinglis-ingglis pa! Minumura lang naman sila ng mga banyaga! Nakiki-uso lang.
Labanderang Landlady : Ikaw? Kelan ka nga ba mag-aapply? Antagal mo nang tengga.
Tunying : Tita naman, anong gusto mo, magkolsenter na lang din ako? Ganun talaga sa mga totoong trabaho, mahirap pumasok! Mabuti kung pambobo din 'yung inaaplayan ko.
Labanderang Landlady : Oo na, basta wag lang kolsenter. Gamitin mo 'yung natutunan mo sa ipinampaaral ko sa'yo. O di kaya dito ka na lang sa shop, suswelduhan na lang kita! San ka na nga huling nag-apply? Yung masungit kamo 'yung nag-interview sa'yo?
Tunying : Ah, Watson's sa MOA.
Labanderang Landlady : May kumare akong manidyer sa Jollibee, sa may Kamuning. Ireper kita?
Tunying : Tita naman, ayaw kong magpunas ng lamesa! Baka naman pwedeng ilakad mo na? Managerial position kamo.
Labanderang Landlady : Osha, basta kakain ako dun, libre na, ha?
Tunying : Syempre naman. Hindi ko na ipa-punch 'yung oorderin mo. Oo nga pala, Tita, turuan mo naman akong gumawa ng bio data, o? Hindi ako sanay e.
Labanderang Landlady : Osige mamaya, tulungan mo muna kong pigain 'tong comforter.
Nasa akin na ang lahat ng pagkakataon noon para mag-amok. Sa pagkakataong 'yun, hindi na ako TH dahil narinig kong binanggit nila ng ilang beses ang pangalan ko. Infernes, natawa ako sa "bio data"!
Pinalampas ko 'yun. Hindi ko sila ginantihan. Pero isang cut-off na napa-overspend ako, nag-alsa balutan na lang ako bigla. Lumipat sa may murang renta at di hamak na mas magandang apartment. Madaling araw nun, habang hilik na hilik ang lahat, lipat-bahay gang ang peg ko. Tatlong araw bago ang deadline ng upa ko sa kanila at sa kuryente.
Pinalampas ko 'yun. Hindi ko sila ginantihan. Pero isang cut-off na napa-overspend ako, nag-alsa balutan na lang ako bigla. Lumipat sa may murang renta at di hamak na mas magandang apartment. Madaling araw nun, habang hilik na hilik ang lahat, lipat-bahay gang ang peg ko. Tatlong araw bago ang deadline ng upa ko sa kanila at sa kuryente.
I could not help but write this in defense. Anong problema ng mga tao kapag sa call center ka nagta-trabaho? Anong problema ng mga valedictorian at suma cum laude at ito ang laman lagi ng speech nila na nagde-degrade sa mga taga-BPO? Anong problema ng mga aktibistang kabataan na ito at laman lagi ng mga panawagan nila sa demonstrasyon ang tungkol sa kamalasan ng mga fresh graduates na mas pinipili raw na wag i-practice ang pinag-aralan at maglimayon na lang sa call centers? Trabahong malamang ay ipinambubuhay sa kanila o ang pinagkukunan ng pagkain sa hapag na s'yang bumubuhay sa isa sa mga kamag-anak nila?
Diskriminasyon
na present kahit sa corporate world, mag-apply ka lang ng loan, sa credit card company, ng phone lines or sa kahit na sinong makakasalamuha mong pag narinig nila sa'yo ang katagang "call center", e susundan nila 'yun ng
pinaka-malalim na buntung-hininga, sabay-bigkas "aah, kolsenter.."
Anong kasalanan sa inyo ng call center industry? Kung naliliitan kayo sa
mga call center agents, dapat ba malakihan sila sa inyo?
Mag-aral kayong mabuti at magtapos. Wag na wag kayong lumisya sa kurso n'yo at
abutin n'yo ang mga gusto n'yong patunayan sa mundo. Hindi yung nauuna pa
yung dada at pangingialam sa mga taong masaya sa ginagawa nila. Hindi
issue dito ang kung sinong mas matalino o mas sosyal o mas mayaman o mas
successful o kung saan napupunta ang mga genius pagka-graduate nila.
Ang hirap kayang mag-calls!
At pwede
ba, 'wag n'yo isinisisi sa call center agents ang kakapusan ng mga
kapabilidad ninyong makapasok sa bpo companies?
Pinapakonti ba ng trabaho
namin ang availability ng mga trabahong pangarap n'yo?
Ano 'to, kasalanan pa naming 'di kayo nag-e-excel sa careers n'yo?
Paki-explain 'yan. Show the solution.
Labyu! :)