Juice ko, pwede naman pala 'yun. Tutal pwede
namang baliktarin, palabasin na kung sino ang maoffend.. sila ang pikon, sila
ang mga makikitid ang utak. Pwede naman palang idahilan na hindi ba sila
marunong bumasa ng "joke", na kaya nga ganun kasi "fiction"
so anything goes, na ang lahat ay form of "art" at parte lang ng
"trabaho" nila. Na kahit ganun, ipipilit sa’yo na responsable pa din sila
sa aksyon nila. Pwede naman pala magsorry na lang pagkatapos. So since
may alibi e pwede nang gawin ang gusto kase may theme naman pala na sinusundan,
may storyline naman pala na inaalagaan, e yung punchline naman pala kase na yun
ang hinihingi ng eksena. Sus! Kayo naman, ambabalat-sibuyas ninyo! Parang yun
lang. Anliit na bagay nagagalit kayo agad.
O e di laitin n’yo na lang ng laitin ang
Pilipinas. Tirahin ang mga kagalit na matataba, maiitim at bansot tapos gumawa
tayo ng mga mas katanggap-tanggap na palusot. Gamiting materyal ang mga kaaway
natin sa pagpe-perform kase pwede namang payuk-payukin, ilibing ng buhay at
bigyan ng sampung nakamamatay na sumpa, na kahuli-hulihan e mapapaniwala pa din
ang tao na hindi n’ya sinadya. Hanggang sa bandang huli, pupurihin pa silang
mga manunulat, silang mga komedyante at silang mga director dahil keen observer
daw sila at nagsasabi lang ng totoo. Malalakas ang loob. Kase kaya namang malusutan
sa bandang huli e, mag-aanga-angahan lang kunwari tas sabay bawi:
“Sorry po kung na-offend
ko kayo, hindi ko na po uulitin!”
Benta
ngayon ang bagong serye ng sivin. May touch kasi ng gay love ang
palabas kaya naman gumagawa ng alingawngaw ang soap. Plus mga artistang
pinagbabayuhan pa ng mga girl at pa-girl ang bida.
Di
pa ko nanunood kahit isang episode ng My Husband's Lover. Alam na
nating magagaling ang mga aktor, pero mas mabibilib sana ako kung
totoong mga bading na lang ang pinili nilang gumanap sa roles. It only proves
that a story like this is something many people have fears, prejudices
or negative attitudes about. May unspoken discrimination pag artistang
straight ang pinaganap sa gantong mga roles. At kahit anong mangyari,
magaling pa din sila sa huli dahil nasikmura nilang bigyan ng justice
ang ganto "ka-kontrobersyal" na role. Na sila lang ang pwedeng tanggapin
ng tao na umapir sa tv at magkwento ng gantong story.
Stigma is
often attached to things people are afraid of. Some people have strong
views about sexual behaviour. They may think that life teaches us a fact
that relationships like this is wrong or that certain people shouldn’t
behave in particular ways. Stigma leads to people not being treated with
dignity and respect.
People don’t get it. They just put you in a
box. If you’re queer, then in the end you will become alone and sad.
You will become a family-wrecker or worst, life-destroyer. Whereas
people like Vincent and Lally who were married and leading a normal life
… will still end up… in the same boat, sira at hindi na maaayos dahil
sa namagitan noon kina Eric at Vincent.
Ayon sa tala, 89% ng mga kriminal, may failed marriages,
drug-dependents, ex-cons, at mga convicted worldwide ay physically or emotionally
hiwalay sa isang ama. Maaaring walang kinalakhan, iniwan, maagang namatayan,
walang matinong relasyon o di kaya ay nailipat sa pangangalaga ng isang hindi
tunay na kadugo at kasundo.
Kasalanan
bang lahat ang pagkaligaw na ito ni Tatay? Hindi. Pero importante s'ya. Maaari, pero hindi laging sapat --na nanay lang ang kagigisnan
n'ya. Karaniwang si Nanay ang kuhaan natin ng inspirasyon pagdating sa
paglalambing, kalinangan, at pagkalinga. Ngunit mas ideal pa din na lumaki ang
isang bata na hinulma sa dignidad, prinsipyo at disiplina na karaniwang hatid ni Erpats. Sa mga anak na lalaki, sila ang
idolo at kasangga. Sa mga anak naman na babae, ang pagkatao nila ang halimbawa
at basehan na dapat na taglayin ng lalaking mapapangasawa.
Kung
single-parent ang isang babae, kahit buong mundo pang pagmamahal ang ilaan ng
isang ina sa kanyang anak ay iba pa din kung may kinalakhan ang mga ito na
solidong nanay at tatay. Dahil dito ay buo siya. Hinding-hindi s'ya
makukulangan ng lakas sa tuwing mapapagal at hinding-hindi din s'ya lilisya sa
mga pangaral ng mga ito. Mga magulang na pagbabatayan niya ng pagkalinga at
disiplina na kailangan sa paglaki.
Alam
ito ng mga kaibigan ko at ng lahat nang nakakakilala sa akin: Mas maki-tatay
ako kaysa maki-nanay. Kahit sino naman atang may malapit na relasyon sa kanyang
ama ay aariing tatay nila ang pinaka-da best na tatay sa buong mundo.
Si
Felomino Calano Francisco. Tubong Paracale, Camarines Norte at pangalawa
sa walong
magkakapatid. Naging single-father nang halos pitong taon din at kahit
sa unang
syam na taon lang ng buhay ko s’ya nakasama ay hinding-hindi maookupa ng
kahit
na sino ang bakanteng upuan na iniwan n’ya sa aming hapag-kainan.
Malaking bahagi din ng pagkatao ko ang nawala nung nawala s'ya sa amin.
May 29, 1999. Brain tumor is
the murdering scoundrel, advanced stage.
Tatay
ko na ata ang pinakamalapit na personipikasyon ng salitang ‘papable’. Makisig. Masipag.
Palaging mabango. Maporma. Matalino. Talentado. Madiskarte. Mapagmahal. Dako. Haha.
Fine. Hindi ko man na-chekan ang halos lahat ng tick boxes ng magagandang
katangiang pwedeng makuha ko sa kanya ay proud pa din ako bilang anak na number one fan n’ya.
Maraming
nagsasabi na may-sulyap s’ya sa aktor na si Lloyd Samartino noong nabubuhay pa
s’ya. Maporma sa edad na 40, kala mo late 20’s lang. Marunong magdala ng damit
at alam n’ya ang bagay sa kanyang pabango. Yun tipong hindi na kailangang
manligaw dahil titihaya na sa kanya agad ang babae sa pakindat-kindat lang.
Panty-dropper, sabi nga. Pag umatungal na sa malapit ang instrumental ng
paborito n’yang Green Green Grass of Home
ni Tom Jones, mahuhulaan mo na kung kaninong kumpare n’ya s’ya nag-iinom. Kasi
hinding-hindi n’ya pinahihiram ang mikropono pag yun na ang kanta. Kakanta ng tigsasampu
ang lahat pero s’ya, ok na s’ya sa isang yun. Dinig na dinig ang piping-sigaw
ng mga humahanga sa kanya mapa-babae o mapa-kapwa lalaki. Kung buhay lang s’ya
at kailangan kong gamitin ang call a
friend lifeline ko, s’ya yung
confident akong makakatulong sa akin. Nakakalungkot lang na napaka-bata pa n’ya
noon, napaka-aga pa para pagpaalaman n’ya kami.
Maikli lang
ang panahon ng pagsasama namin pero yung pag-aalaga ng ama at ina na ipinaranas
n’ya sa amin ay hindi na maaalis sa puso’t isipan naming magkapatid. Saksi ang
umaalog-alog naming tirahan noon sa Countryside kung paanong binagyo kami at
dinelubyo, ay parang inahing sinasagip n’ya kami at pinatutuyuan isa-isa masiguro
lang na wala sa aming magkakasakit.
Pintor. Kako
pintor at alagad ng sining na nage-exhibit sa gallery na nasa bandang Makati.
Sa ganyang propesyon ko s’ya ipinakilala sa mga kaklase ko noong elementary
ako. Pero pintor talaga s’ya ng mga bahay, ng mga tulay at gusali at sasakyan.
Sumalangit-nawa, pero s’ya pa yata ang nagturo sa akin na ganun daw ang sabihin
ko na trabaho n’ya. Hindi para makapaghambog pero para makapantrip lang ng mga
kaklase ko na mabilis maniwala. Hindi ko kinakahiya ang trabaho n’ya. Sobrang
proud ako at hinahangaan s’ya. S’ya ang unang nagturo sa akin ng teknik kung
paano magiging mabangis na dinosaur ang drawing ko na hawig kay Barney. Ang paglalamay
n’yang dumalwa at tumatlong straight shift OT’s sa trabaho ang bumuhay sa amin,
nagdamit at nagsubo ng kanin sa bibig. Sa sobrang subsob sa planta n’ya din
nakuha ang tumor n’ya. Hindi pa uso dati ang non-toxic materials sa trabaho
nila. Good Morning towel lang na ipinalibot sa mga ilong ang sandata nila para
huwag silang makalanghap ng delikadong fumes. No wonder kabisado naming magkapatid
ang natural scent ng katawan ni Papa pag umuuwi itong galing sa “exhibit”.
Pinaghalu-halong amoy ng pintura, barnis at pawis.
Hindi s’ya
masyadong partikular sa istilo ng good-parenting. Turo pa nga n’ya pag may
bumubully daw sa’kin e sapakin ko daw agad sa sikmura at sa mata para alam ng
mga kupal na pumapalag ako. Sinabi n’ya yun dahil alam n’yang di ako ganung
klaseng bata. Minsan parang ibinubulid kaming magkapatid na gumawa ng
katarantaduhan pero ang totoo napakalaki lang talaga ng tiwala n’ya na hindi namin
kailangan ng ganung klaseng payo. Alam n’yang hindi namin s’ya aabalahin na mag-undertime
sa planta para makipag-usap lang at mangatwiran sa guidance counselor ng school
namin.
May
paluan
portion din naman kaming mag-aama. Hindi yun mawawala at katunayan pa
nga
binibilangan namin ni Kuya kung ilang beses kami nakakatanggap ng
“pabuya” sa
isang buwan. Mas madalas ang sinturon. Kaugnay ng sinturon ang mga
kasalanang
gaya ng pagtulog na hindi nagdarasal, pagkalimot magsaing tuwing hapunan
at pangangatwiran sa isang senseless na katwiran. Yung ulong bakal ang
lalatay sa hita ni kuya,
yung mismong balat lang na part ng belt ang lalatay sa akin. Don’t get
me
wrong, beginner’s level pa lang yan. Meron pang Advance Level. Ito yung
tipo ng
mga kasalanang may kinalaman sa pangungupit, pagsisinungaling at
pagsasakitan
naming magkapatid. Sungkaan. Yan yung Advance Level. Sa akin yung
palapad na
part ng sungkaan, kay Kuya naman yung patagilid na mas masakit na hataw
ng
sungkaan. Kaya ngayon maiintindihan ko kung sasabihin sa akin ng kapatid
kong
malaki ang hinanakit n’ya sa akin nung kabataan namin.
Pero
pagkatapos naman noon ayos na ang lahat, ayos na kami pag nagtanong na s’ya ng
bagay na gusto naming ipabili. Mas madalas, food trip. Bugbugan muna, tas food
trip. Yun ang pang-amo n’ya sa amin. Midnight snack sa palabukan at gotohan sa
kanto, malling pag umaga o di kaya’y simpleng sitsiryang Nova lang habang nanunood ng TV. Sabat ng mga usyusero naming kapit-bahay,
ba’t hindi namin ipa-bantay bata si Papa? Nakikita kase nila ang mga latay namin
noon sa hita. Sa isip-isip ko, walang alam ang mga taong ito, may ganong
moments oo pero mapalad pa din kami sa kanila ng sampung ulit. Hindi kami
pinagpalit ni Papa kahit kailan. Basta gasinong malungkot o masaya o malala o
masakit o pangit na pagkakataon, laging lahat ng ginagawa ni Papa ay para sa
amin.
Lagi n’yang
pinapaalala sa amin na mag-loosen up daw kami. Alam n’yang mahilig akong magsulat,
huwag daw akong maging tipikal na nerd writer pagtanda, na puro kabutihan muna
ang gagawin, aral-sulat-bahay-library-sulat lang buong pagkabata tas paglaki
laman naman ng mga pot sessions, ng kabaret at kulungan. Natatandaan ko nung
grade 2 ako, yun na yata ang pinaka-gagong nagawa ko in my entire youth. Kung
hindi ako nagkakamali first time ko yatang ikukuwento ito pagkalipas ng halos
15 years. Nakatuwaan kong magpuslit ng tig-isang mahabang polo candy (yung may
butas sa gitna at ipinipito) at tutti frutti sa bulsa ko. Lutang ang isip ko
noon, naisip ko, siguro masaya, kase nakaka-thrill. Wala lang, kinuha ko dahil
gusto ko. Hindi dahil sa may umudyok sa akin o dahil sinusunod ko lang ang
golden rule ni Papa. Alam naman siguro ng mga mapagmalinis dito na sa buhay, we
all have our own shares of lunacy.
So
may matanglawin
nga sa supermarket na iyon, (sila yung mga akala mo nagkataun lang na
sunod ng sunod sa kinaroroonan mo, nagpapanggap na namimili din, ayun
pala ay kung hindi ikaw ay may malapit sa iyong namimili na tinitiktikan
din n'ya) mabangis pa sa mga cctv na uso nowadays. Nahuli ako
s’yempre, dinampot at dahil menor de edad ako, pinagmulta lang nung
officer
yung bitch ni Papa na s’yang kasama ko sa paggugrocery noong araw na yun. That was my first taste of a Lindsay
Lohan-feel of being arrested and getting a mugshot. It was cool. I’ve something
to remember. Kinunan ka ng litrato hawak ang dalawang kendi na hindi mo naman
talaga gusto, na obvious namang hindi nila yun ipapadevelop at ang silbi lang
ay ang maguilty ako slash ma-trauma.
Mabilis kumalat ang pasabog-chismis na yun ng
taon sa neighborhood at tumanggap ako sa lahat ng kaibigan ko pati kay Kuya ng
titig na nanunuya at nanghuhusga. Isang nagtatrabahong stocker ata sa
supermarket na iyon ang kapit-bahay namin. Baka wala sa diksyunaryo n’ya ang mga
salitang confidential at privacy kaya since walang adult ang
masipag noon gumawa ng kabalbalan ay akong bata na lang ang ichinismis n’ya. “Yung
perpektong anak nung single-father d’yan sa kabilang bahay ay isang magnanakaw!”
Magnanakaw. Mahina ang tolerance ko sa pain dahil walong taong gulang pa lang
ata ko nun, hindi ko alam ang iisipin ko dahil tiim-bagang at nanlilisik ang
mga mata ng tao sa akin na akala mo’y isa akong mangkukulam. Kulang na lang ipasunog
ako sa plaza. Lalong takot ako pag nalaman na ni Papa. Sabi ko dati, malamang
edge ng sungkaan ang lalapat sa puwitan ko that time.
Ready na ko sa dramahan, sa sumbatan at iyakan.
Alam ko na kung saan ako kunwari tatakbo pag hinarang ako sa side na ito ng
bahay namin, well-rehearsed na ang pagsusumamo at blockings. Pero wala. Noong
gabing naging shaky ang relationship nila nung bitch e nilaglag ako nito dahil
nakakahiya daw ang ginawa ko. Nagkibit-balikat lang si Father-dear at sinabi n’yang
alam na n’ya ang lahat at wala daw akong kinalaman sa away nila. Blurry na yung
sunod na mga nangyari. Basta natatandaan ko lang that night ay may alsa-alsa-balutang
drama ang girlfriend na iyon ni Papa at bigla na lang s’ya na ang bida, hindi
na ako. Sa pagitan ng usok, ng mga bote ng alak at ng pupungas-pungas kong mata
ay ginising ako ng isang marahan na halik sa pisngi. Malabo pero kamukha n’ya
yung superhero sa naputol kong panaginip noong madaling araw din na iyon.
Mahal na mahal daw n’ya ako. At mahal na mahal n’ya daw kaming dalawa ni Kuya.
Below are 42 keywords one should not dare to type in Google image search box or in any web search engines. Why? Because these are also the things I have every intention to never search again. So why am I sharing a post of things you shouldn't google, knowing very well that some of you are going to Google them anyway?
Para ba ako ang sisihin sa puwing na ilalagay ko sa inyong mga mata? Eengk. Wrong answer. Uhmm. Siguro kase gago ako. And I am evil in every sense of the word. Gustung-gusto kong nakikita ang sufferings na dadanasin ng mga taong willing at open-arms na tanggapin iyon.If you haven't seen any of these photos before, you can give it a shot because these pictures are to die for. It will definitely make you kilig! Swear. :)
Note: The
pictures below are not what you will find upon searching these items. I assure
you that it will be far more horrible. Say you have anything you want to add
to this list, drop it in the comments.
Babala: Pinapaalalahanang huwag nang magpatuloy ang visitor kung
labag sa kanyang kalooban ang mga makikita. Hindi din pinahihintulutan ng
blogger na magpatuloy ang sinumang bisita na walang bukas na pag-iisip. Sabi nga nila,
kargo natin ang mga sarili natin. Walang pilitan. May karapatan tayong piliin ang
mga bagay na gusto nating isama sa buhay, at may karapatan din tayong palayain
ang mga bagay na ayaw nating isali sa gunita.
Huwag nang i-click ang susunod na item kung ayaw nang magpatuloy. Anumang oras na maramdamang hindi
kaya ng iyong konsensya ang makikita, mangyari pong i-click na agad ang [x]
button at huwag na ulit buksan pa ang post na ito. Also if you are under the
age of 18 and you find a particular photograph/video (of a link on each level) offensive,
please stop looking at it. Thank you.
CLICK at your own risk! Sa pamamagitan ng pag-click sa mga keywords ay dadalhin ka nito sa mismong website o google results page ng bawat item. Walang call a friend button or pass option kaya sa mga laking-Tondo d'yan... carry on!
Mwahahaahaha. *evil laugh with a kopita glass in one hand*