19.10.13

Rants Of A Proud Kolboy










Buset na buset ako sa lahat ng mga hamog na dumi-discriminate sa lahat ng kabilang sa call center industry. One time, naki-usyoso ako sa "harapan" nila Tunying (hindi n'ya tunay na pangalan or kahawig si Anthony Taberna, pero ka-height n'ya!) at ng landlady ko. Katatapos kong i-claim 'yung pina-laundry ko (may laundry shop sila) at di pa ko nakakalayo ay naringgan ko na agad silang nag-uusap na mag-tita tungkol sa akin.


Tunying   :   Tita, s'ya pala 'yung umuupa d'yan sa kabilang apartment? Mukhang mapera..
Labanderang Landlady   :   Sinong mapera? Late nga ng ilang araw magbayad lagi ng renta!

Insektang 'yun! Makapanira?! Hindi ko pa due date, may pag abang na agad sa pintuan ko. Kala mo adik lang na di makapaghintay. Paano ako male-late sa pagbabayad? Penalty n'ya malinaw na P500 agad. Kumikitang kabuhayan lang.


Tunying   :   Buwanan ko lang s'ya madatnang nagpapalaba. Nagtu-tutong na 'yung mga damit n'ya pag dinadala n'ya dito! Anlansa ng amoy. Tas 'yung mga bimpo n'ya, anlalagkit! San nagtatrabaho?
Labanderang Landlady   :  Mukha namang matalino, kaso sa kolsenter lang. Haru josko! Sinabi mo pa, buti di nagpapa-laundry ng underwear. Magdidikit-dikit 'yun sa washing machine naten.


'Yun na ang qualifier para ibato ko sa kanila ang dala kong mga damit. (Pero syempre hindi ko yun ginawa).. Kung pwede ko lang sila ikulong sa loob ng washer na naka-on. Kaso hindi sila kasya.


Tunying   :   Ay, sayang naman. Kolsenter lang ang trabaho. Baka drop-out nung college?
Labanderang Landlady   :   Kamo, parang walang trabaho! Hindi naman maituturing na propesyon 'yun.
Tunying   :   Mismo. Hindi ako mag-aapply dun. Ang yayabang ng tao, iinglis-ingglis pa! Minumura lang naman sila ng mga banyaga! Nakiki-uso lang.
Labanderang Landlady   :   Ikaw? Kelan ka nga ba mag-aapply? Antagal mo nang tengga.
Tunying   :   Tita naman, anong gusto mo, magkolsenter na lang din ako? Ganun talaga sa mga totoong trabaho, mahirap pumasok! Mabuti kung pambobo din 'yung inaaplayan ko.
Labanderang Landlady   :   Oo na, basta wag lang kolsenter. Gamitin mo 'yung natutunan mo sa ipinampaaral ko sa'yo. O di kaya dito ka na lang sa shop, suswelduhan na lang kita! San ka na nga huling nag-apply? Yung masungit kamo 'yung nag-interview sa'yo?
Tunying   :   Ah, Watson's  sa MOA.
Labanderang Landlady   :   May kumare akong manidyer sa Jollibee, sa may Kamuning. Ireper kita?
Tunying   :   Tita naman, ayaw kong magpunas ng lamesa! Baka naman pwedeng ilakad mo na? Managerial position kamo. 
Labanderang Landlady   :   Osha, basta kakain ako dun, libre na, ha?
Tunying   :   Syempre naman. Hindi ko na ipa-punch 'yung oorderin mo. Oo nga pala, Tita, turuan mo naman akong gumawa ng bio data, o?  Hindi ako sanay e.
Labanderang Landlady   :   Osige mamaya, tulungan mo muna kong pigain 'tong comforter.


Nasa akin na ang lahat ng pagkakataon noon para mag-amok. Sa pagkakataong 'yun, hindi na ako TH dahil narinig kong binanggit nila ng ilang beses ang pangalan ko. Infernes, natawa ako sa "bio data"!

Pinalampas ko 'yun. Hindi ko sila ginantihan. Pero isang cut-off na napa-overspend ako, nag-alsa balutan na lang ako bigla. Lumipat sa may murang renta at di hamak na mas magandang apartment. Madaling araw nun, habang hilik na hilik ang lahat, lipat-bahay gang ang peg ko. Tatlong araw bago ang deadline ng upa ko sa kanila at sa kuryente.



I could not help but write this in defense. Anong problema ng mga tao kapag sa call center ka nagta-trabaho? Anong problema ng mga valedictorian at suma cum laude at ito ang laman lagi ng speech nila na nagde-degrade sa mga taga-BPO? Anong problema ng mga aktibistang kabataan na ito at laman lagi ng mga panawagan nila sa demonstrasyon ang tungkol sa kamalasan ng mga fresh graduates na mas pinipili raw na wag i-practice ang pinag-aralan at maglimayon na lang sa call centers? Trabahong malamang ay ipinambubuhay sa kanila o ang pinagkukunan ng pagkain sa hapag na s'yang bumubuhay sa isa sa mga kamag-anak nila?

Diskriminasyon na present kahit sa corporate world, mag-apply ka lang ng loan, sa credit card company, ng phone lines or sa kahit na sinong makakasalamuha mong pag narinig nila sa'yo ang katagang "call center", e susundan nila 'yun ng pinaka-malalim na buntung-hininga, sabay-bigkas "aah, kolsenter.."


Anong kasalanan sa inyo ng call center industry? Kung naliliitan kayo sa mga call center agents, dapat ba malakihan sila sa inyo? Mag-aral kayong mabuti at magtapos. Wag na wag kayong lumisya sa kurso n'yo at abutin n'yo ang mga gusto n'yong patunayan sa mundo. Hindi yung nauuna pa yung dada at pangingialam sa mga taong masaya sa ginagawa nila. Hindi issue dito ang kung sinong mas matalino o mas sosyal o mas mayaman o mas successful o kung saan napupunta ang mga genius pagka-graduate nila. Tandaan n'yo, madiskarte pa ng sampung ulit ang mga basurero sa mga katulad n'yong nasa bahay lang, puro yabang tungkol sa future nila, at pafb-fb lang.







Ang hirap kayang mag-calls!







At pwede ba, 'wag n'yo isinisisi sa call center agents ang kakapusan ng mga kapabilidad ninyong makapasok sa bpo companies?


Pinapakonti ba ng trabaho namin ang availability ng mga trabahong pangarap n'yo?

 

Ano 'to, kasalanan pa naming 'di kayo nag-e-excel sa careers n'yo?







Paki-explain 'yan. Show the solution.

Labyu! :)













13.10.13

Hindi Ako Ikaw


Reaksyon ko pag nalaman kong bina-backfight ako? Wala. Karapatan nila 'yun. Chill lang ako.

Kaya ko silang gawan ng bad publicity, 'no?! Ako pa? E kilala ko sarili ko. Baka nga matindi pa sa kaya nilang gawin.

Napakatalino ng mga kaibigan ko para magpa-linlang sa mga bagay na kabisadong-kabisado na nila. Kaunti lang ang mga 'yun. Pero madi-disband muna ang lahat ng boybands sa mundo bago nila ako iwan.

Madali lang naman maging masama sa mga taong humihila sa'yo pababa e. Kaso masyadong boring yun.

Ang saya ng buhay para sayangin ko lang sa pagganti sa kanila.

At hindi ako mainggitin. Ayos na sa'kin kung sila na lang 'yung pathetic. Wag na nila akong igaya sa kanila.

Masarap maging kontrabida. Pero hindi ako sila.



 
Ako si Kenny Lau.
And I ain't no small timer.



Kaya kunwari malaman kong may nanlilibak sa akin: 














7.10.13

Pagmamahalang Wagas

Selfie with my "Bhe"

"Pasaa't pasasaan ba'y darating din ang prince charming na itinalaga para sa atin.
Walang may alam kung san, kailan sa buhay mo at kung sa panong paraan.
Kaya sana hindi atat?! Madami pang isda sa fish pond."

 
Sa mga walang kasintahan, paalala, bawal muna po ang karne.
Yan e kung takot lang kayo kay Aling Aida.
 
Sa pagtingin sa larawang ito, sabay-sabay tayong mag-pinitensya. LOL.
Hanggang kiss lang daw muna, hane?! Hahaha. XD
 
 
 
 
 










6.10.13

"Daming-Alam" (Knows-it-all Updates Part 2)





My sense of humor has gotten to the point where folks can no longer sense if I'm kidding or not.

Sa ngayon, hindi pa s’ya ganun kalaking dalahin sa ‘kin pero nararamdaman kong magiging seryoso din ito pag tumagal-tagal.

Haist, sana may ability ang mukha kong mag-cue kung kelan nila dapat isiping nagju-joke lang ako at kung kelan sila dapat pumormal dahil sincere ako sa salitang binitawan ko. Na ma-gets nilang iba ‘yung sarcasm, iba pa ‘yung retard mode at iba din ‘yung pagbibiro ko.

Problema ko pa bang di nila ko masakyan, dahil lang mas sanay sila sa "nyeh-acheche punchlines"?!

---------------------------------------------------------------------------------------

Pustahan? Yung mga pinoy na nanlait noon kay Haddadi ng Team Iran, sila din 'yang mga pinoy na galit na galit ngayon kay Divina DeDiva na basher ni Miss World 2013 Megan Young?

Anlilinis n'yo din e, ‘no?!

---------------------------------------------------------------------------------------

First time kong mapakinggan 'yung foreign version ng "Ordertaker" ng Parokya ni Edgar.

Haha. Feeling-straight lang.

Rakenrol!

---------------------------------------------------------------------------------------

Posh 101. Kunwari, elitista ka. Kunwari lang. Tas gusto mo pasabog ‘yung way ng pag-aannounce mo ng isang personal na bagay (like it really matters to everyone), dapat nagpapa-presscon ka sa mahabang lamesa with puting mantel at mikropono. Tas naka-shades din at naka-white polo. Then babasagin dapat 'yung katahimikan gamit 'yung boses na may "nginig-nginig" factor.

Winner 'yun.

---------------------------------------------------------------------------------------

Don't kid yourselves! Walang sex video 'yung mga crush n'yo, ok? Eto na naman po tayo sa “scandal-kuno” daw nila Enchong at Basti Castro. May mga nagbibigay pa ng testimonyang, “katatapos lang daw nilang panuorin”. Na-shock daw sila. Ganto. Ganyan.

Taina n’yo! Mga fake. Tigilan n’yo nga ko.

As much as possible I don’t want to sound like president ako ng fans club ni Enchong. Pero juice ko naman, mga ning, habambuhay na lang ba tayong magdu-drawing ng mga bagay-bagay sa hangin? Habang-buhay na lang ba tayong magbabanta sa isang isyu na walang bayag nating tataguan pag nabuko ang totoo?

Wag n'yo ipilet. Perjurer 'tong mga baklang 'to.

---------------------------------------------------------------------------------------

Hindi perpekto ang pamilya ko. Alam 'yan ng mga kaibigan ko. Pero after hearing the Barretto’s family-hullaballoo updates, I would like my family to stay imperfect this way. Napaka-blessed ko. Andami kong dapat ipagpasalamat sa Panginoon.








"Daming-Alam" (Knows-it-all Updates Part 1)




Dun sa mga nagpapa-gising d'yan bago daw matapos ang September..

Aba, bangon na!

Punyemas. Ano, batugan lang?!

Walang gisingan?!

---------------------------------------------------------------------------------------

May bago akong natutunang idiom:
 “The proof of the pudding is in the eating.

Narinig ko ‘yan kay Ted Failon nung patapos na ‘yung TV Patrol last night. Magtatabi-tabi ‘yan silang tatlo nila Korina at Kabayan. Tas sisipaging magbigay ng komentaryo nitong si Tatang Noli at ng patolang si Rated K, habang taga-awat naman ng balitaktakan itong si Ted at taga-cue ng closing spiel nila sa show. Sa ganang dapat ay hindi mababastos si Noli at Koring, dahil nagmamadali s'ya at may taxing nag-aabang sa labas ng news room.

Pero ang nadinig kong sabi ni Ted nung umpisa, “the fruit of the pudding” daw e “is in the eating”. Kinorek lang s’ya ni mare, “the proof of the pudding is in the eating” nga daw. Pero hindi naman nila maipaliwanag kung anong ibig nun sabihin. Hindi malinaw kung tama ba ‘yung usage nila sa huntahan o nagpapa-profound lang si Ted. So ayun, ginoogle ko s’ya.

You’ll never know kung lutung-luto daw ba ‘yung pudding kung hindi mo s’ya titikman.
So ‘yung ibig sabihin e parang “to see is to believe” nga.

---------------------------------------------------------------------------------------

Pasukan na naman mamya.
Maggi-grade na naman ako ng 1 to 10 sa mga cute na dadaan.

---------------------------------------------------------------------------------------

Kung masakit ang dibdib ng mga pangkaraniwang tao dahil sa nadiskaril nilang mga love stories,
mas masakit ang dibdib ko dahil sa pagkain ng fatty and oily foods.

---------------------------------------------------------------------------------------


Tawa pa din ako ng tawa kay Aj hanggang ngayon. Naging topic na naman kase namin s'ya ni Heart last Monday. Friend pa din pala n'ya sa fb si Madam Creepy at laging nababasa ang status nito. Sarap lang kuryentehen ng dila. "Knows-it-all" daw 'yung kaaway n'ya, 'yan ang press release ni Ricky Reyes.

Makikipag-away na lang e, sana pipili na din ng lenggwaheng mas komportable s'ya. Kahit kailan, hindi ako nag-feeling sa pag-i-english. Alam kong maalam ako ng basic construction ng sentences pero hindi ko isusugal ang pagpapanggap na mag-tunog conio sa blog ko kung wala sa hulog at alam ko namang hindi ko mae-express ng mainam ang gusto kong sabihin. "Knows-it-all". Taray! :)

---------------------------------------------------------------------------------------

Fiesta pala dito sa Rosario?! Tinulugan ko mga ka-barangay kong 'cute' na kinakalampag daw 'yung pinto ko kahapon at nagyayaya ng jinuman.

Tse sila! Mas masarap matulog.






Zzzzzzzzz ... . . ..  .   . .   .      ...   .  .      ..    .  .  .    .       .      .     .


May Amnesia Si Garl




“Sabi sa census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya, pero humarang yung pedicab.
May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap.. at may iba na sumuko na.

Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na.. pinakawalan mo pa.”





Mangilan-ngilan lang ang mga love story films na gawang-pinoy ang may-recall sa atin, mga limang taon pagkatapos itong  ipalabas sa sinehan. Sa generation ko, One More Chance ang nangunguna d'yan. Wala 'kong matandaan sa mga markadong materyal ng ibang film production companies, bukod sa mga gawa lang ng Star Cinema.

Isa ang My Amnesia Girl sa pinakapaborito kong pelikula na nabibilang sa ganitong tema. Tamang feel-good lang na hindi intensyunal ang pagpapa-kengkoy para ma-detour sa totoong tinatalakay which is ‘yung love story nila. Bagay na bagay sa mga roles nila 'yung mga gumanap na artista. Totoong-totoo kung pano in-execute nung direktor ang mga eksena.

Unang dinig ko sa title at casting, panibagong plagiarism na naman kako ito ng pilipino sa mga pelikulang banyaga. Malamang, ni-recycle na kwento lang ito ng "50 First Dates" ni Adam Sandler, kung saan nagkaron din ng weird na uri ng amnesia ang character ng lead actress na si Drew Barrymore. Na-goyo ako. Right after watching this movie, I slept with a smile on my face.


Lahat nga tayo ay darating sa punto ng buhay naten na matatakot tayong harapin kung anong bukas ang naghihintay kasama ang taong pinili natin. Paano nga kung mawala ‘yung sarili natin along the process? Paano kung puro ‘tayo’ na lang ‘yung mangyari at katapus-tapusan ay kulang pa pala ‘yung kaya natin ialay sa tao na ‘yun.

Gustong-gusto ko ‘yung ideya na iniwan si Irene (Toni) ni Apollo (JL) sa altar ng simbahan dun mismo sa araw ng kasal nila. Bibihira pero nangyayari sa totoong buhay. Pwedeng isang lingo bago ang kasal. Isang buwan pagkatapos ng engagement, o di kaya’y isang gabi pagkatapos nilang bumuo ng mga pangarap.


 

Irene: Layo pa, Pol. Layo pa. Sige pa. Layo pa.
            Pol: May tama pa ba to?
               Irene: Meron pa. (almost breaks her voice)


Madami pa ding duwag sa pagmamahal. Akala natin ‘yun na, pero sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon, mauudlot. Nawawalan ng rason para ilaban ‘yung mga bagay na sa simula’t sapul ay itinaga natin sa batong ipagtatanggol natin. Pero hindi natatapos sa unang subok ang bawat hamon. Pag nawalan tayo ng dahilan para ituloy ang isang bagay na alam nating nagpapasaya sa atin noon, lingunin uli natin ‘yung nag-iisang rason na natira para isugal ang buhay natin kasama s’ya.


Malamang hindi sang-ayon sa inaasahan natin ang magiging outcome, pero it’ll be worth it. Sabi nga ni Bradley Grieve, love, in all its fragile forms, is the one powerful, enduring force that brings real meaning to our everyday lives... but the love I mean here is the fire that burns inside us all, the inner warmth that prevents our soul from freezing in the winters of despair.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...