12.12.14

That Lyrics Though




♪ ♬ ♭  "Oh it's sad to belong to someone else when the right one comes along.."♩ ♬ ♭







Pardon my french. But that's bullshit. Napaka-dupang ng kantang 'yan to make the current guy feel na s'ya pa pala 'yung rason ba't hindi ka masaya. You know you can't have two guys at the same time bago ka pa pumasok sa relasyon n'yo. Wag na wag mong ishu-sugar coat ang pangangaliwa mo dahil hindi 'yun okay.


How is that even acceptable? Gusto mo ikaw pa 'tong kawawa kasi di ka na maka-harot nung dumating 'yung mas good catch? It's either isi-save mo lang ang relationship mo or titingin ka sa iba. Yun lang 'yun. Peryud.


Mabuti pa kumalas ka na lang if you feel you deserve someone better (dahil ibang usapan naman pag may injustice na tapos ikaw ang argabyado pero di ka umaalis). Just don't make it appear na pinapahirapan ka ng karelasyon mo para magkaron kayo ng chance nung new guy. 




Kung feel mo na mas deserve mo 'yung second, alis na. Hindi ka rin deserve ng partner mo.  :)





29.10.14

"INAKAY"

Food for thought. Sabi ng isang pastor, common misconception daw sa pamilyang Pilipino 'yung paniniwalang utang na loob daw natin sa mga magulang natin ang paglaki at pagtanda.

Hindi daw dapat ma-guilty at all na 'di mo maibigay sa kanila ngayon ang mga inuungot nila kahit ibinigay pa nila sa'yo noon ang lahat. In fact, 'di nga daw tama na hayaan mong ipasa nila sa'yo ang kahit anong obligasyon sa pamilya. Oo, inutos at nakasulat sa bibliyang kailangan maging magalang, mapagmahal at thankful sa mga nagawa nila, pero hindi daw 'yan isinusumbat sa atin at later on ay parang good deed na sila ang aani. Kung anumang gampanin 'yan, dapat malaya mong inako iyon at hindi dahil lang sa nire-require kang 'yun ang gawin dahil sa 'yun ang ginagawa ng mabuting anak. Hindi tamang mag-demand sila sa'yo na paginhawain mo for them ang buhay nila. Pag natapos ang responsibilidad nila sa'yo, ang dapat daw ay lalayo sila't mamamahinga sa kahit saang malayo at hindi makadaragdag ng isipin sa iyo.

Ang pag-aaruga nila sa'yo dati hanggang sa magkaron ka na ng kapabilidad -- ang obligasyon, misyon at dahilan nila para mabuhay. Hindi ito utang na dapat singilin paglaon. Tungkulin mo naman bilang anak ang mag-aral ng mabuti, guminhawa ang buhay, magpamilya, bumukod, magka-anak.. hanggang sa magkaron ka na rin ng sarili mong obligasyon, misyon at dahilan.

Maselan ang tunggaliang ito dahil pinoy tayo, masakit sa puso natin na huwag tanawing malaking bagay ang kanilang nagawa. Para sa'tin, makasarili ang taong hindi inuuna sa lahat ang pamilya. Yan ang nagpaiba sa atin sa ibang lahi. Kasalanan at tatawaging mayabang ang sinumang kakawala sa kanilang bilin at giya.


If you leave or disobey your parents kapalit ng matayog na pangarap, kapalit ng taong mahal, o kapalit ng kahit anong pansariling interes --- meron ka mang maayos na rason at paalam, meron ka mang katawan at sapat na kakayahan,.. subukan mong umalpas sa kanilang pugad, you're still gonna be a horrible son or daughter in the eyes of many.

But minus the drama and all, it doesn't and it shouldn't make you a bad person. Dahil nakalimutan ng lahat na karapatan mo 'yun. At nakalimutan nating selfless at unconditional din ang pagiging ama't ina.

Kung babawalan ka man nilang umalpas sa pugad na iyon, hindi ito para sabihan kang masama ka o makasarili ka o walang utang na loob o dahil tumatakas ka sa responsibilidad. Dapat matatakot lang silang bigyan ka ng basbas.. kung may obligasyon silang hindi pa sa'yo naibibigay.





Don't fret, my dear. Fly.

Just fly.











22.10.14

Ang Aso At Ikaw




Some IKEA stores encourage legitimate customers (sure-buyers) to try their bed displays first before deciding if they want to purchase it. Ay, ginawa naman ng mga 'tong bahay. May paghubad pa kamo ng sapatos at pagkain sa bed ng street foods! Meron daw kalahating araw bago magising. Yung iba di nga nagkalat, pina-ihian naman sa baby nila yung bed. This is one great example of how people "maximize their freedom". Di porket sinabihan tayong "wag mahiya" e hindi na talaga tayo gagamit ng hiya at all.







Ang aso pag nagutom, maghahanap ng pagkain, kakain. Pag nakaramdam ng urge to have sex, aawra sa ibang aso, makikipag-sex. Pag nakakita ng threat, aangil, tatahol.


Ang difference mo bilang tao is alam mo ang gusto mo, pero hindi mo gagawin nang wala sa konteksto. Pag nagutom ka, hahanap ka ng tirang pagkain, ichi-check mo kung panis, kakainin. Pag na-turn on sa opposite sex, iimbestigahan mo kung taken o walang asawa, liligawan, idi-date, pag sinagot, babakuran.



Ganun din pag nagalit ka sa kapwa mo, hindi ka basta-basta aangil at tatahol, kasi hindi ka aso. You'll get your facts straight about dun sa kaaway mo, you'll check who's really at fault, pag-aaralan mo muna kung may laban ka bago ka magparinig sa facebook, bago ka mang-away at bago ka makipag-pisikalan.


Hindi mo sasabihin ang isang bagay ng basta-basta, dahil lang sa karapatan mong mag-express ng malaya. Hindi mo gagawin dahil lang sa pwede. Hindi mo gagawin dahil lang sa kaya mo. Okay lang maging deviant at wag sumunod sa laging tama, busilak at mabuti. Pero hindi porket karapatan mo lang e gagawin mo na dahil entitled ka. Kaya tayo may utak. Sana ginagamit.


Hindi pa huli ang lahat. Libre lang ang hiya. Pagdamutan mo.













22.9.14

Best In GMRC





Pag ipinagpalit ako, padadaliin ko para sa kanila. Ako ang lalayo. Kahit pano natuto naman ako ng good manners nung kinder. Pag enjoy sila at nahihirapan sila sa set up na nag-eexist ka, gawin mo silang legal.





Oo dapat mapagbigay, pero I don't want to share. Masikip ang tatluhan. Walang dapat ipaglaban dahil in the first place, 'di ka naman dapat ma-stress bawiin ang taong kusang sumama sa bumbay.




Responsibilidad n'yong ipa-feel sa isa't isa 'yung security na kahit kailan hindi ka maaagaw, hindi kayo magpapa-agaw at hindi ka mangunguha ng hindi mo toys.
















6.9.14

Sir Forever Alone No More



Pinakamatagal na oras akong pinaghintay sa tagpuan ng isang ka-date dati ay more than 3 hours. Jollibee Arayat. Duh? Kung ganyan ka-epic, makakalimutan ko pa ba 'yan?


Ang loser-loser ko. Gabi-gabi akong umiiyak noon habang ipinagdarasal 'yung taong makakasama ko sa matagal na panahon. 'Yung seseryosohin ako't hindi gagawing option lang.

I was so lonely then. Ayoko na kasi nung basta-bastang relasyon. Kung landiang nagpapanggap na getting-to-know-stage din lang, 'wag na. Tama na. Matanda na 'ko. Sawa na ko sa playtime. I had my own shares of just goofing around in different relationships, and I tell you, never akong naging masaya. Never akong sumaya ng totoo.


So that was 3 hours! Mahigit pa! Feeling ko kasi noon ubos na ang mga lalaking pwede at deserving na mapag-tyagaan. Ganon ako ka-desperadong maghanap ng magmamahal sa'kin.






Good thing that was years ago. Kapag nagkakaron kami ng struggles ng present ko (who now brings the best days of my life), lagi kong tinatandaan, not specifically the guy, pero 'yung eksena mismong 'yun para maipaalala sa sarili ko how long have I waited and how hard the struggles were bago ako makahanap ng true love.



14.7.14

Dear bHo$xZ mHaCuLit,



Sobrang nakakasawa na magbasa ng mga status ninyong may mga suicidal tendencies dito sa newsfeed ko. If you'll do it, just do it. Nilalaro ninyo ang emosyon ng pamilya at mga kaibigan ninyo! Pati mga estranghero, inaabala ang mga sarili nila para mag-panic at i-persuade kayong huwag magpakamatay.





Di ko kayo lelekchuran sa kung gano kaganda ang buhay. Dahil hindi. Ituktok n'yo lang sa mga ulo n'yo na 'yung mga tao sa paligid n'yo e ginagawa lahat ng split para makuntento sa buhay na meron sila, para maging masaya ang buhay ng mga mahal nila, at para ipaisip sa inyo na kaya n'yo ding gawin 'yun.




I would love to pull that trigger for you but I don't want to ruin your moment.
So please. Just make it quick.







Yours,

Santa Claus
(online 3 hours ago)




13.7.14

Love Like A Matrona


"Para kang bakla magmahal! Para kang manang na any moment e mauubusan ng moist sa katawan -- kung makapagbigay ng 'lahat' sa boylet. Lalaki lang yan! Tao din. Nanloloko, nananakit."


If you have received a reaction like this, you're doing it right. That simply means you are acing your love life. Hindi man pabor sa'yo 'yung talbog ng bola, at least na-dribble mo naman at naipasa sa tamang tao. Di lang n'ya nai-shoot.



Don't be afraid to give your all. Kung gago s'ya, s'ya lang yun. Hindi ikaw s'ya at hindi mo gagawin ang masama n'yang ginawa sa relasyon n'yo, dahil nagmahal ka lang. But don't get too excited that you'll receive the same amount of love in return. Again, team work ang love. Di mo hawak ang galaw n'ya. It's how you werk it out as a couple. Pag kanya-kanya kayong shares of fouls and penalties sa buong game, di n'yo tinutulungan ang isa't isa para manalo.


Makuntento ka. Thus, kung ano lang ang kaya n'yang ibigay, 'yun lang ang tanggapin mo. Magkasya ka sa kung gano man ka-liit o ka-mura 'yun.. nang walang pagkukumpara sa team ng iba or sa dati mong mga naging ka-liga.


Kung pagod ka nang manlimos ng pagmamahal, ba't hindi ikaw mismo ang magbigay nun? Ibigay mo ng ibigay nang hindi kinukwestyon 'yung sukling manggagaling sa kanya. Kasi di ba, ang importante naman e 'yung masaya ka sa ginagawa mo? Dapat mas nangingibabaw 'yung smile na ibinibigay n'ya sa'yo sa bawat pagpapaka-tanga mo.


Ang nahihita mo sa love e 'yung happiness na dulot ng paghihintay na maka-uwi s'ya ng safe sa gabi (regardless kahit mapuyat ka).. at hindi talaga tungkol dun sa siopao lang na pasalubong n'ya. Kahit maging todo-effort pa 'yan sa'yo, pag naka-set kayong maghiwalay base sa immaturity percentage n'yo pareho, maghihiwalay at maghihiwalay pa rin naman kayo, di ba?








Enjoyin mo na lang. Gandahan mo ng design 'yung food sa loob ng lunch box na ipini-prepare mo araw-araw. Dahil at least pag nag-break kayo, ikaw lang ang matatandaan n'yang ex na nag-effort sa kanya ng ganun.


Kung sa tingin mo e tanga ka pag ibinigay mo 'yung 100% mo, e di lahat pala ng pagmamahal ay anyo ng pagpapakatanga? Kasi kung mananatili kang nagbibilang, e nagho-hold back ka kung ganun. Di na pagmamahal 'yun, pakikipagkalakalan na ang tawag dun. Dahil naghahanap ka na lagi ng kapalit sa takot mong malamangan. At di ka magbibigay ng kahit anong sobra sa takot mong hindi masuklian.




Hindi one-sided ang love. At lalong hindi rin tanga. Pero hindi din selfish 'yun. Na mas matatandaan mo pa 'yung mga bagay na nanggaling sa'yo... kesa sa maraming dahilan kung ba't matagal mong hindi inalis 'yung titig sa kanya noon.





22.6.14

RELAX!




"Konting relax naman d'yan, di lahat ng tao tanggap na may dalawang lalaki na nagyayapusan sa harap nila. Chill lang kayo dito sa labas!"


We kiss in public. We hold hands in the open. We tickle each other where anyone can see. Di para sa PDA, kundi dahil we feel like doing it and there's nothing wrong expressing your kind of love even without the spectators' permission.


At kahit lumuwa at tumalbog sa kalsada ang eyeballs ng mga makakakita, 'di kami titigil just because may mga taong hindi kami naiintindihan. Di dahil sa hindi nauunawaan e mali na agad.

Wala kaming ginagawang masama. Nagmamahalan lang kami. Mangmang ang nagsasabing pang-iiskandalo ito. Ang mundo ay may iba't ibang porma at hugis ng pag-ibig. Di na namin kasalanang limitado ang kaalaman ng iba tungkol doon.

Di rin porket may menor de edad na makakakita e kailangan ding mag-menor. Kung appropriate naman ang gestures n'yo, walang dahilan para magtago. Walang nakakahiya sa expression of love at iyon dapat ang itinuturo nila bilang mga magulang. Ang mga taong nagtuturing na madumi at masama ang gay love, ay may mga utak na maliit pa sa butil ng iodized salt.


Kung di sila okay dun, sila ang dapat mag-relax. Hindi kami. Hindi ikaw.










16.6.14

MONMON

(ang MONologue ni MONica)


Nahihilig tayo sa mga storylines na may kinalaman sa pagtataksil, pangangaliwa at panloloko. Siguro dahil sa maraming nakaka-relate. Akala natin, basta isang side lang 'to ng kwentong halaw sa karanasan ng iba. Pero 'yun talaga 'yung totoo. May mga relasyong nakatakda pa lang masira. Any time, any minute now, maghihiwalay na sila, papatapos na 'yung love story nila.



Para sa'kin, boring ang infidelity. Hindi ko sinasabi 'to dahil sa righteous ako o mapagmalinis o dahil sa lango ako sa love life ko ngayon. No. Boring lang talaga for me 'yung pakikipag-affair sa labas ng relasyon. Kasi 'yun na 'yung totoo ngayon e. Yun na 'yung normal at ginagawa ng lahat. Yung tumikim ng ibang putahe? Kahit 'di ka gwapo kaya mong gawin 'yun! Malalayo't malalayo ka sa partner mo, hahainan ka ng "yummy dishes" at iba pang tukso na lahat sila -- willing gumawa ng pagkakamali kasama ka, kahit committed ka pang tao. That's life! Likas na manloloko ang tao. Baka hindi pa lang ineentertain ng ilan 'yung idea na 'yun. Pero later on, wag ka, dun din ang punta. "Hindi kita iiwan.." "Magsasama tayo forever.." -- all full of shit! Ipapadinig n'ya sa'yo lahat ng gusto mong marinig dahil best foot forward lang lagi ang pakikipagrelasyon. Bigyan mo ng ilang taon ang isang perpektong love team at titingin at titingin din ang mga 'yan sa iba pag nagka-opportunity. At dun magsisimula ang pagpasok ni Nicole sa kwento.



Mas challenging 'yung pagiging faithful. Yung sincere ka na S'YA at S'YA lang. Yung binigyan ka ng chance magkaron ng matagal na relasyon ni Lord, uma-umaga s'ya yung makikita mo paggising mo. S'ya at ang mga imperfections n'ya. S'ya at ang walang kwentang mga pagrarason n'ya. Na paulit-ulit, paulit-ulit mong titiisin. At 'ni hindi sasagi sa isip mong magsawa o ipagpalit s'ya sa iba. Yung hindi -- one time bigla ka na lang tatamarin gawan s'ya ng love letter every monthsaries n'yo dahil antagal mo na 'yung ginagawa for him. Na hindi ka magsasawang payungan s'ya pag mainit, masahihin pag pagod, ipagluto ng recipe na dinownload mo pa sa website ng Delmonte Kitchenomics o di kaya, hatid-sunduin sa school o sa trabaho, bumabagyo man o hindi. Na walang mintis, di mo pagsasawaang gawin sa kanya 'yun dahil di mo rin ma-imagine ang sarili mong ginagawa 'yun sa iba. Na kahit wala na kayong happy moments together since lagi lang naman kayong nag-aaway pag magkasama kayo, e s'ya pa din 'yung taong mas pipiliin mong kasama sa huling araw mo sa mundo imbes ang family mo. Kasi ganoon mo s'ya kamahal.



Para sa'kin 'yun 'yung mas may thrill. :)




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...