Food for thought. Sabi ng isang pastor, common misconception daw sa pamilyang Pilipino 'yung paniniwalang utang na loob daw natin sa mga magulang natin ang paglaki at pagtanda.
Hindi daw dapat ma-guilty at all na 'di mo maibigay sa kanila ngayon ang mga inuungot nila kahit ibinigay pa nila sa'yo noon ang lahat. In fact, 'di nga daw tama na hayaan mong ipasa nila sa'yo ang kahit anong obligasyon sa pamilya. Oo, inutos at nakasulat sa bibliyang kailangan maging magalang, mapagmahal at thankful sa mga nagawa nila, pero hindi daw 'yan isinusumbat sa atin at later on ay parang good deed na sila ang aani. Kung anumang gampanin 'yan, dapat malaya mong inako iyon at hindi dahil lang sa nire-require kang 'yun ang gawin dahil sa 'yun ang ginagawa ng mabuting anak. Hindi tamang mag-demand sila sa'yo na paginhawain mo for them ang buhay nila. Pag natapos ang responsibilidad nila sa'yo, ang dapat daw ay lalayo sila't mamamahinga sa kahit saang malayo at hindi makadaragdag ng isipin sa iyo.
Ang pag-aaruga nila sa'yo dati hanggang sa magkaron ka na ng kapabilidad -- ang obligasyon, misyon at dahilan nila para mabuhay. Hindi ito utang na dapat singilin paglaon. Tungkulin mo naman bilang anak ang mag-aral ng mabuti, guminhawa ang buhay, magpamilya, bumukod, magka-anak.. hanggang sa magkaron ka na rin ng sarili mong obligasyon, misyon at dahilan.
Maselan ang tunggaliang ito dahil pinoy tayo, masakit sa puso natin na huwag tanawing malaking bagay ang kanilang nagawa. Para sa'tin, makasarili ang taong hindi inuuna sa lahat ang pamilya. Yan ang nagpaiba sa atin sa ibang lahi. Kasalanan at tatawaging mayabang ang sinumang kakawala sa kanilang bilin at giya.
If you leave or disobey your parents kapalit ng matayog na pangarap, kapalit ng taong mahal, o kapalit ng kahit anong pansariling interes --- meron ka mang maayos na rason at paalam, meron ka mang katawan at sapat na kakayahan,.. subukan mong umalpas sa kanilang pugad, you're still gonna be a horrible son or daughter in the eyes of many.
But minus the drama and all, it doesn't and it shouldn't make you a bad person. Dahil nakalimutan ng lahat na karapatan mo 'yun. At nakalimutan nating selfless at unconditional din ang pagiging ama't ina.
Kung babawalan ka man nilang umalpas sa pugad na iyon, hindi ito para sabihan kang masama ka o makasarili ka o walang utang na loob o dahil tumatakas ka sa responsibilidad. Dapat matatakot lang silang bigyan ka ng basbas.. kung may obligasyon silang hindi pa sa'yo naibibigay.
Don't fret, my dear. Fly.
Just fly.
Just fly.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento