Hindi ako pala-away nung bata ako. Lagi lang akong kimi at tahimik sa klase. Gusto ako ng teachers namin na umupo sa gitna o sa harap ng klase pero mas pinipili kong umupo sa dulo. Sa row 4 na tabi lagi ng bintana o ng pinto sa likod.
I don't mind kung seatmates ko yung mga hudlum o yung mga hindi plantsado ang uniform. Una, siguro dahil ayaw kong sumabay sa arte ng mga kaklase ko. Pangalawa, ayoko ng maingay. Ganung tipo ako ng estudyante although di naman mahina ang ulo ko, mdalas ako sa top 3. Ayoko lang talaga ng nakikipagsabayan sa drama, sa kasipsipan at sa harot ng mga normal.
Minsan napaiyak ko ang teacher ko sa AP na laging pinupuntirya ang pagiging anti-social ko. Paborito n'yang dumakdak ng tungkol sa mga artista. As if hindi n'ya ihahalo sa exams yung mga lessons na hindi na-discuss dahil nilamon ng mga kwento n'yang walang kwenta. Halatang nabu-bore din naman yung teacher-pleasers kong mga kaklase pero walang bumabasag sa kanya. Mga takot. Recitation sana pero andaming delays dahil andaming pasakalyeng kwento tungkol sa showbiz. Target n'ya lagi si Kris Aquino.
"Let's stick to our main lesson, ma'am." Walang kaabug-abog kong sagot. Walk out si mare. Sinumbong ako sa guidance counselor. Hindi porket private school e dapat magdagdag din ng showbiz oriented talk show to cover up her not being ready to discuss. That day I created my own prestige. My classmates didn't forgive me for that.
My character is more important than my reputation, because it says more about who I am as a person -- and not, what others think of me as a person. We don't impose to others the kind of reputation we would like to have. So I really hate it when people give me directives on how should I behave and act.
You think I'm some basic bitch?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento