29.9.13

Thai Lovin'



"When we were kids, we were lonely because we didn't have friends. Now that we're all grown ups, this loneliness grows deeper. If we can love someone so much, how will we handle the day we have to separate? And, if being separated is a part of life, and you know that very well, is it possible for us to love someone and never be afraid of losing them? At the same time, I wonder...is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all? This is it. This is my loneliness."  -Mew, "The Love of Siam"





Ito na yata ang ika-20 beses na pinanood ko ang movie na 'to. *sniff! sniff!* At everytime na pinapanood ko s'ya, laging fresh ang reaction ko sa eksena na parang first time ko lang pinanood today.

I can totally relate to the characters of this movie. Feeling ko nga, ginawa 'to para sa akin e. Sobrang nakikita ko ang sarili ko sa hybrid na pagkatao nila Mew, June and Ying. 'Yang line ni Mew na 'yan ang nagpa-iyak sa akin na parang bata nung una ko 'tong napanood three years ago, isang araw (na masaya ako) na bored ako at na-intriga sa hype na reaction ng tao sa kwento nito.

After watching this, nagkaroon ako ng 3 bagong paborito sa mundong 'to: Mario Maurer (no, I'm not ashamed, not one bit!), Thai movies and the Thai people. Ang pelikula na ito din ang dahilan ba't minahal ko ang bansang Thailand. Sabi ko nga kay Heart, kung may isang bansa sa mundo na gugustuhin kong pagbakasyunan ng isang linggo, hindi 'yan sa mga western countries e. O di ba, 'ni hindi man lang mas maunlad sa Pilipinas? Haha! Sa Thailand dahil dalang-dala ako ng mga characters sa films nila.

Na malalim ang mga tao, sincere, compassionate.. at attractive. Pero tuwing ginu-google ko o sini-search sa YouTube ang mga videos na ina-upload ng tipikal na Thai, wala akong ma-ispatan na lalake o kahit babaeng maganda. Imba ng mga palabas nila, na palaging sa mga gay-themed movies lang andun ang mga gwapong artista. Ang maganda naman sa kanila (na akala ko ganun din sa totoong buhay), sa pelikula pinagtatagpo ang mga laman-tyan at pangitaing nilalang.

Dahil di ba, hindi naman perpekto ang itsura nating mga Pinoy, pero mag-random click ka lang ng mga homemade videos ni Isko sa internet (kung san di naman sila mga naka-pustura) e mabibighani ka na agad? Mas dynamic ang itsura ng Pinoy kumpara sa Thai na malakas naman ang dating pag nahaluan ng ibang dugo, pero naii-stagnate lang sa mga itsurang mala-Jewel Mische pag bilat at mala-Paulo Avelino pag lalaki.

Base sa mga napanood ko, nandun pa din sila sa level na (sa tingin ko ay) hindi pa din nakaka-takas sa mga mais na storyline. May mga komedyante pa din tayo na kinakailangang may nakaka-tawang itsurang pisikal muna para lang makapag-patawa. Pero may mga magagaling na din tayo na UTAK lang talaga at WIT ang labanan. Sila, andun pa din sila sa NYEH! punchlines. Na dapat batukan muna ni lead actor si sidekick para may kiliti sa Thai viewers. Pero havey ang drama nila, predictable pero havey.

Ganun pa man, sobrang love ko pa din ang The Love of Siam. Nasa bandang elementary at high school part din kase ang blossoming ng life story ko e. So sobrang dama ko din 'yung halu-halong elements na gusto nilang ikwento sa pelikula from family problems, to being independent, to love hullabaloos, to friendship conflicts at hanggang dun sa fear na hindi ka piliin ng mga taong mahal mo.

Pero hindi ibig sabihin nun e na-experience ko na din ang mga naganap sa movie na 'to. I just felt there were times andun ako, ganun din 'yung eksena sa buhay ko, ganun din 'yung mga linyang binitawan ko. Iba lang 'yung naging action ng mga characters ko sa kwento ko. Haha. Silly them.


















25.9.13

The Science of Maggi




Mga kilawers, may cardinal rule and procedures pala sa tamang paggamit ng Maggi Magic Sarap (sulit sachets)! Dapat daw hindi sa sulok ng pakete binubuksan. Gumawa lang ng bahagyang horizontal cut sa upper-left corner ng sachet (sa portion na may nakasulat na 'TEAR HERE'). Tandaan, huwag gugupitin ng palihis, dapat tuwid lang. Make sure din na hindi matatamaan ng gupit 'yung mga  letrang naka-titik sa pakete para mabasa pa ng susunod na magluluto 'yung name. Then, ibinubuhos dapat sa palad 'yung laman. Kukurutin lang gamit ang kabilang daliri, tas marahan na ibubudbod mo 'yung granules paikot sa ulam.

And voila!












24.9.13

Sinigang Festival




Nakaka-aliw pag second week ng klase. Panahon para maging palagay, magpalabasan ng tingkad at pusyaw. Kanya-kanyang pasabog, pabida. Kanya-kanyang showcase ng kabulukan. May proud. May mapag-malinis. At meron ding wala kahit ga-tingang kunsensya.

Mga pagmamaasim na hindi naman kayang tukuyin ng tuwiran sa tao na pinapatungkulan. Nakakalungkot kung paanong nakatuon lang ang mga tao sa pangkasalukuyang interes. Hindi nagdadalawang-isip na maaaring hingan din n’ya ng saklolo ang mga ito sa hinaharap.

 Ubusan ng lahi. Lait kung lait. Paramihan ng taga-sulsol. Mas maraming taga-sulsol, mas pala-away. Batuhan ng mga salitang nagiging pantal. Pantal na nagiging maga. Magang nagiging sugat. Sugat na nagkakaroon ng naknak. At naknak na nagiging pilat na hinding-hindi kayang burahin ng matatamis na pang-uuto at pananalita.

At ako ang paborito nilang bahagian. Ang tahimik, walang-malisya, walang-masamang-tinapay at napaka-supportive na piping-saksi. Nandito sa sulok. Tahimik lang at hindi nakiki-sayaw. Gini-greydan ang bawat tumbling.







Naka-ngiti. Nagmamasid. Nakikinig.

Hinuhusgahan silang isa-isa.













22.9.13

Sinetch Itey?




PACK! Sinetch itey?! Clue: S'ya ang original na aleng maliit!








"Linlangin Mo" by Shaira Opsimar






 
Kung gusto n'yo ng panibagong halimaw na singer, pakinggan n'yo 'to si girl. She is Shaira Opsimar, 14 years old s'ya nung time na ito at tubong-Davao. Three years na ang video na ito sa YouTube. Sobra akong nabilib kay nini coz she just beat Regine's breathing in this song! Mrs. Alcasid had like 11 and she went through 14. And I thought this song was impossible to sing. Bravissimo!










Minsan Baliktad



Kung sino pa ‘yung “dudung” at “manang” pumorma, sila pa ‘yung mas hot pag naka-hubad.

Kung sino pa ‘yung mga walang taning ang buhay, sila pa ang pinaka-maagang mamatay.

Kung sino pang malakas manlait sa maiitim, s’ya pa ‘yung maitim ang singit!

Kung sino pa ‘yung nasa perpektong relasyon, sila pa ‘yung mas salawahan.

Kung sino pa ‘yung mayaman, sila pa ‘yung pinaka-jologs pumorma.

Kung sino pa ‘yung pinaka-isip bata, s’ya ‘yung di pa nakakapunta sa manila zoo.

Kung sino pa ‘yung lahat nasa kanya na, s’ya pa ‘yung mas inggitera.

Kung sino pa ‘yung magaling magpaganda, sila pa ‘yung pangit.

Kung sino pang relihiyoso’t pala-simba, s’ya pa ‘yung tsismoso at mapanlibak.

Kung sino pa ‘yung nawalan ng trabaho, s’ya pa ‘yung mas masaya.

Kung sino pa ‘yung mapagmahal sa hayop, sila pa ‘yung di marunong makipagkapwa-tao.

Kung sino ‘yung may magandang childhood nung bata pa, sila ‘yung nagnanakaw ngayon ng childhood ng iba.

Kung sino pang pinaka-mabango’t maganda, sila pa ‘yung pinaka-maiitim ang budhi.

Kung sino pang pinaka-walang ginawa, sila pa ‘yung pinaka-reklamador.

Kung sino pang mas ma-kiri at malandi, sila pa ‘yung virgin.

Kung sino pang pinaka-kapos sa pera, sila pa ‘yung gastador at bili ng bili.

Kung sino pa ‘yung laging andyan lang, sila pa ‘yung walang alam.

Kung sino pa ‘yung katatapos lang uminom ng kape, s’ya pa ‘yung mas mahimbing ang tulog.

Kung sino pa ‘yung saling-ketket lang, sila pa ‘yung interesado at mas maaasahan.

Kung sino pa ‘yung pinaka-matapang magpatuli, s’ya pa ‘yung may pinaka-maiksing putotoy.

Kung sino pa ‘yung single, sila pa ‘yung mas sexually active.

Kung sino pa ‘yung may tinapos, sila pa ‘yung hindi gumagamit ng pinag-aralan.

Kung sino pa ‘yung mahilig magluto, sila pa ‘yung mas payat.

Kung sino pang may-kapansanan, s’ya pa ‘yung mas marunong ng mga gawaing-bahay.

Kung sino pa ‘yung dentist, sila pa 'yung mababaho ang hininga.

Kung sino pang pinaka-problemado’t malungkutin, sila pa ang pinaka-malakas tumawa.

Kung sino pa ‘yung mas pihikan, s’ya pa 'yung natatapat sa bungi.




At kung sino pa 'yung masarap magmahal, sila pa 'yung mas takot magbigay. . . . . . . . . .





15.9.13

Si Ditse At Ang Tiger Look


"mahamog ser..  magdamit ka..  maginaw. "



Nakakasora ang news feed ko! Puro mga call boy ata asa friend list ko e. Magbubura na naman ako nito hanggang sa mga lima na lang ang matira sa kanila. Chura kase ng mga nagpo-pose na naka-brief lang sa pictures at nagfiflex-flex ng muscle! Araw-araw naman makakakita n'yan sa porn sites kung gugustuhin, mga di hamak na mas gwapo pa. Ba't inaabala pa nila ng ganyan ang mga sarili nila?
Bagong-bili ang brief?
O bagong-tubo ang bayag?
 
Alin sa dalawa?
 




14.9.13

Alibugha




Halos sampung taon na din ang nakakaraan. Sila 'yung extended family ko noong mawala sa mundo ang tatay ko. Na gumanap sa dalwang tungkulin nung isuko ng isa ang role n'ya bilang ina. Sila 'yung sinasabi ng mga tao na inabala nila ang sarili nila para palakihin ako. Dinamitan, pinag-aral at binigyan ako ng espasyong matutulugan.

Sila 'yung mga tinutukoy ng mga nagsermon sa akin, bakit ko daw sila tinalikuran? Pwede naman daw nilang abandunahin na lang kaming magkapatid, o iligaw na lang kaya noon sa gate ng dswd. Pero hindi nila ginawa. 

At ako 'yung walang utang na loob na palamunin. Ako 'yung mapagmalaki. Na umedad lang ng kaunti, ang tingin ko'y kaya ko na daw ang lahat. Ako 'yung hindi marunong magpasalamat. Ako 'yung itim na tupa. 

Malamang ako nga lahat 'yun. Hindi ko sasalangin ang anumang paratang. Totoo man o hindi. Dinagdagan man, kinulayan, binawasan. Nakakapagod nang mag-aklas lalo na pag bingi ang pamahalaan. Tama na 'yun, ginawa ko ang iniisip kong makakabuti para sa akin, wala akong dapat sisihin.

Sa naging sitwasyon ko, alam kong hindi ako susuportahan ng mga magbabasa nito. Hindi ako maiintindihan maliban na lang kung kagaya ng sa akin ang dinanas nila. Madaling manghusga at maging righteous. "Dapat ganito ang ginawa mo! Sana ganito. Mali ka." Bullshit! Maiintindihan n'yo ako kung nangudngod na kayo sa identity ng pagiging sampid.

Pilit kong iwinawaksi noon sa isip ko na kaming magkapatid ang "sabit" tuwing kuhaan ng picture. Na mas madalas kami ang photographers dahil mga set sila ng buong pamilya. Kami 'yung ipapangpuno sa frame kapag feeling nila nahahalata namin na out of place na kami. At pag may sumbatan portion, ipapaalala nila sa'yo 'yon kapag na-sense nilang kinakalimutan mo ang pagiging sampid mo.

Siguro naging mapag-imbot ako. Iyon. Aaminin ko 'yun. Dahil pag nag-mature tayo, maa-appreciate natin ang maliliit at malaking bagay na idinulot nila sa atin. At ang hardships na kapalit noon ay hindi ko isinisisi sa kanila. Dahil sa simula pa lang ay may choice akong pinili.

Ang lahat sa 'tin, dumadaan sa punto ng buhay na kailangang may gawin tayong desisyon na makakapagpa-liberate sa atin. Kailangan nating ipagtanggol ang kahit anong maliit na natitira sa pagkatao natin. Pumalag kahit minsan sa mga maling turing.

Kung sisikilin nila ang isang bahagi ng pagkatao ko, hindi nila ako binabayaang mag-exist. Hindi ako nagiging ako. So kung anuman 'yung bahagi na iyon, masasabi kong ito na ang pinaka-tamang nagawa ko sa sarili ko. 

Ang manindigan. Walang ibang maninindigan para sa akin. Hindi manghihimasok ang ibang mga naaawa kong kamag-anak. Hindi ako ipagtatanggol ng nag-iisang kapatid ko na umaasa din sa kanila. Inilaglag at pinasama pa akong lalo ng nanay ko na umiwan sa amin ng lagpas 12 taon, para lang makapaghugas-kamay sa nagawa n'ya. Wala akong bagay na masasabi kong akin.

Kung may bagay akong pinagsisisihan ay 'yung hindi sa kanila makapag-pasalamat. Na sa kabila ng lahat, bahagi sila ng kung ano ako. Sila ang nagtaguyod ng pundasyon ko. Kaya kung gano ako katapang ngayon, sila ang nagbigay nun. Pero still, kung ayaw mo sa government, tikal ka na lang. Magiging mahirap ang daan na 'yun, malubak. Pero hindi naman nawawala ang Panginoon.



Sa paglipas ng panahon, kahit gano kaimportante ang mga ginampanan nila sa buhay mo, kapag matagal mong itinago o hindi tinignan ang mga larawang kasama sila --bigla silang nagiging ESTRANGHERO. Piliin lang ang mga litratong gusto mong palayain at panatilihin sa iyong gunita. Matutong MAGPAHALAGA. At huwag matakot KUMAWALA.











Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...