28.8.13

Brace Yourselves, Pinoy Netizens Are Coming



Imbernang-imberna ang mga foreign voters ng "thetopten.com" sa ating mga pinoy dahil ginagawa nating career ang pagboto sa mga online polls. Hindi nila kilala kung sino sila Angel locsin, Anne Curtis at Marian Rivera. At nanggagalaiti sila panung mas nagta-top ang mga ito kumpara kina Megan Fox, Angelina Jolie, at Jessica Alba.

Ganyan din nga ang alingasngas laban sa atin ng mga karatig-bansa sa Asyang 'di man lang napapasama sa top 10 finalists ng Miss Universe. Sobrang dedicated daw kase nating mga Pinoy sa online-voting kaya laging pasok sa top 10 ang ating mga kalahok. Kahit gurlis ay hindi sila naiinggit sa 'tin dahil kung tunay na maganda ang ating mga manok ay hindi din naman sila magsasali ng 'hindi magandang kinatawan'. Ang tanong, bakit sunod-sunod na taon nang napapabilang sa Final 5 ang ating mga bulik? Dahil daw kase siguro paborito tayo ng Miss Universe Organization-owner na si Donald Trump. Maaalalang recently ay nagliparan pa-Manila ang dalwang anak ni Trump para pasinayaan ang groundbreaking ng Trump Towers sa pusod ng Makati. Parang gusto nating maghambog kung totoo man ang alegasyong paborito nga tayo ng lolo mo pero isa itong residential suite, negosyong tayo pa ang pagkakaperahan at hindi isang Miss Universe regional headquarter gaya ng naunang ichinichuchu ng ating mga neighbors. At sabihin mang kaya lang tayo nakakapasok lagi sa top 10 ng MU e dahil sa online votes, 'di ka naman siguro papasok ng top 5 kung hindi sila sa'yo magandahan di ba? Yun lang, hindi na sila nagtataka kung bakit sure ball na tayo lang ang may-ari ng isang posisyon sa top 10, taun-taon. Di nila kikilalanin na dahil talaga sa ganda kaya tayo napadpad doon.


Buti hindi nagsasawang mag-thank you si Leila Lopes kahit pinoy ng pinoy yung nagca-cast ng votes araw-araw.


Paano nakopo ni Ate Guy ang isang upuan sa 10 Best Asian Actresses of the Decade ng Green Planet Movie Awards? Si mare lang ata ang pinay na nainomina sa online poll na ito last 2010, at may hint ang pamunuan ng GPMA na si mare mo din ang unang mention sa may pinakamataas na boto.

Paano nanalo ang 'Himala' (again, ni mare mo) ng Viewer's Choice sa 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards sa sampung lupon ng Best Asia-Pacific Films of All Time? Muli mga kababayan, boto ng cnn viewers around the world ang nagpapanalo sa pelikula ni Elsa. Boto at hindi iisang ipinapanalo ng mga otorisadong kritiko. Indeed, these competitions are huge. May I mention ang name ng nagwagi kasabay ang ismidan pag nalamang bata na naman ng Pilipinas ang nag-uwi ng tropeyo. Natural mente, bilang Pinoy mapa-proud ka pero bilang indibidwal e mas malaki ang porsyentong wala tayong paki. E sa ganun e. Wala namang dayaan at bilihan ng boto. Kinarir lang. Boses 'yan ng mga manonood, gasinong 'noranians' o pinoy man ang lahat ng mga nag-inadik ilagay ang pangalan n'ya sa listahan, pinili pa din 'yun. Tinyagaang irefresh ang page at gawing ritwal na i-check ang box ng pangalan ni nora 25x a day.


"O, pustahan, pelikula ko 'yan oh?! Pustahan?!"

Sana palaging maging konsepto 'yan ng mga nagpapa-contest sa ibang bansa. Dahil tiyak wala silang patumangga sa mga nanggagalit na daliri ng Pinoy netizens. Kilig-pepe lahat nung i-announce na isa ang Puerto Princesa sa New 7 Wonders of Nature worldwide. Talagang nagpa-raffle pa si Hagedorn at nagpamudmod ng premyo, iboto lang ng Pinoy na hindi taga-Puerto Princesa ang PP Underground River sa N7W website. May ibang independent at slightly known websites din na kumilala kina Dingdong Dantes at Cristine Reyes (na nasa GMA pa that time) bilang kasali sa mga Sexiest Men and Women in the World, na di umano ay puros mga Kapusong online voters din ang nagpa-win.

Hindi lang sa papuri't parangal ginagamit ng Pinoy ang sipag nila sa pagboto. Minsan ginagamit na din nila ito para sa pagsira ng isang programa sa telebisyon. Ayon sa bulung-bulungan sa mga barberya't parlor, kakaririn ng mga unidentified bitter viwers ang botohan kahit may bayad ang text votes, mapabagsak lang ang isang kinaka-insekyuran na talent show sa bansa. Mag-aaksaya ng prepaid cards, maipanalo lang ang kalahok na pinaka-kinaaayawan ng mga manonood. Ganun ng ganun bawat season hanggang sa tuluyan nang ibasura ng taumbayan ang ratings ng programa. Genius, isn't it? Sino nga bang pangkaraniwang manunood lang ang uubos ng daan-daan para iboto ang isang hindi kaanu-ano ngunit deserving na contestant sa isang palabas?

 
Matatandaang milyun-milyong Pinoy netizens ang nag-tantrums sa librong 'Inferno' ni Dan Brown. Kung saan binanggit n'ya na ang Maynila'y isang 'tarangkahan pa-impyerno'. Sa kabilang banda'y kathang-isip lang ang librong ito at 'di dapat patulan ng mga nag-aalburuto. Ganun pa ma'y merong intensyon na manggalit para magamit tayo sa promo, dahil kilala tayong hyper sa social media at palaban sa sinumang umaalipusta.

26.8.13

Bahay-Bahayan


Teenagers ngayon, masyadong nagmamadali, mga excited mag-18. Papapasukin na sila sa bars, papayagan nang manligaw at magpaligaw, ligal na silang magbisyo, bumoto at ikasal. Sana alam nilang ligal na din sila ikulong. Pwede na silang maging accountable sa mga walang-kasiguraduhang magiging desisyon. And when I say walang-kasiguraduhan, nakakalokang malaman na pabata ng pabata ang edad ng mga Lilybeth na nakikipag-live in nowadays. 
 
No offense, pero living in with someone you love should not always become your first choice. Palasak kase ngayon, pag mahal, aayain ng live in para lang mabakuran. You'll share love under one roof, you also invite the person to maneuver your life and waste it. Pangarap ng lahat ng lovebirds yan. Watch the sunset. Walk under the rain. Count the stars. Hold hands. Smooch every hour. Laugh together. Dry up each other's tears. Pero it will only work kung emotionally-financially-mentally ready kayo. Swak kung sigurado kang itong tao na 'to ang magiging pares ng tsinelas na itinakda sa buhay mo. Pero kahit taglay na ninyo ang tatlong -ly's na nabanggit ko, handa na ba talaga kayo? Sa araw-araw na love-hate status, tantrums, complications at selosan? Ako, personally, I'm not a jealous person. I'm not selfish either. But I want people to understand and respect the thought that when it's mine, it's mine. If you want something, ask. At kahit hindi ito sa aspetong pangangaliwa, mag-aaway at mag-aaway kayo sa buong panahong magsasama kayo. Hindi yan basta-basta. Pwede ka mag-improve as a person, pwede ka ding masayangan ng pagkatao.
 
May iilan, ginagamit na stepping stone ang pagpatol sa partner na hindi naman n'ya type at pansamantalang makikipag-relasyon. Pipili ng kaawa-awang 'nini' na patay na patay sa kanya at ito ang pagpapasanin ng lahat. Kapag nakabangon at kaya nang tumayo sa sariling paa, iiwan si nini na walang maling ginawa kundi mahalin lang s'ya. Madali ka lang hiwalayan lalo na't hindi naman kayo babae-lalaki na pwedeng may isang managot. Pag naumay na sa relasyon, parang fireworks na ang ganda kanina't ngayo'y usok na lang.
 
Iyan ang dahilan kung bakit siguro ayos lang na maging malayo sa tanaw ang katuparan ng pagpa-pasabisa ng same sex marriage dito sa Pilipinas. You need to grew tired of meaningless affairs first before mo ma-realize na malayo pala sa true love ang mga nagiging choice mo. Pero hindi ka bumabata. Kung ilang taong lokohan ang titiisin mo sa isang ka-relasyon.. malinaw na ilang taon din iyon ng nasayang na ikaw. Yan ay kung umaabot nga ng taon ang duration ng mga nagiging ka-relasyon mo. Yan e kung hindi ka kabilang sa Team Imelda Papin (puro mga isanlinggong pag-ibig).
 
 
Build your spiritual faith first. Build a career. Enjoy your life. And be choosy. Ligaw-ligaw muna. Huwag magmadali. Pwedeng yung mas independent, s'ya yung manirahan nang mag-isa. Date-date na lang muna. Kung antulin ninyo parehong manlamig, e di hindi n'yo na kailangan manghula. Hindi talaga kayo click, kase may impatient at merong tinamad ipaglaban yung dapat na itatagal n'yo. Anong porma man ng break up, pare-parehong masakit 'yan, pero at least less damages. Less liabilities at hindi malaki ang loss of assets. Kung baliw kang magmahal, matagal kang magiging taken dahil sa pagiging pihikan mo.. everything will make sense pag nahanap mo yung taong hindi man perpekto e malapit naman sa hulma ng partner na pinangarap mo. “In the end, only three things matter: how much you loved, how gently you lived, and how gracefully you let go of things not meant for you.”
Kung magpapadala lang sa kindat at init ng kalamnan, before you know it, tuyot ka na. Kaya sa mga oportunista, tama na ang lantarang pakikipag-gamitan. May karma, friend.
 






FCKH8



Fear is different from hate. That's why I doubt there is such thing as 'homophobia'.
People who claim they have it are not really scared. They are just assholes.

























Stop the gay crime! Let's worry our own accountabilities to God.
"He That Is Without Sin, Cast The First Stone!"
In memory of Mahmoud Asgari and Ayaz Marhoni of Iran
(July 19, 2005)



























 "Confidence is the ability to feel beautiful, without needing someone to tell you."

































Being gay is not voluntary. Hate is.

























Don't like gay marriage? Then don't get one.
Don't like abortions? Don't get one.
Don't like drugs? Then don't do them.
Don't like sex? Don't have it.
Don't like your rights taken away? Then don't take away anybody elses.
























STOP the HATE.







My Tat









The sun and the moon tat signifies the union of opposing energies. The merging of yang and ying as the opposing forces of good and bad. I had my first tattoo done five years ago. When I was broken hearted. When I was still immature. That time when I thought hurting myself even more could lessen the pain inside. I'm planning to have few more tats on my skin soon. But this time I've a saner cause. I'm so excited.




The Great Pretenders



#KunwareMayayamans
(Disclaimer: All photos were taken from Googol.)


Paandar. Hindi lang yung mga pasimuno at pabibo ang tinatawag na paandar. Paandar din yung mga hindi naman n'ya lebel e nagpi-pretend s'yang residente s'ya ng makinang na mundong 'yun. Kung nabasa mo na 'yung Most Annoying FB Friend Award ko ay quotang-quota sa species ng 'team paandars' ang post na 'yun. Well, sila naman siguro yung mga tumandang walang-malisya at ineenjoy lang ang buhay. At sa madramang pananalita, sila din siguro 'yung mga marami nang napagdaanan kaya nilulubos na lang anumang bagay na magpapasaya sa kanila. Pero tulad nga ng laging sinasabi ko, ang buhay ay hindi palaging rosas, laughters and sunny days. Minsan gulgol, bubog at delubyo din iyan. So mas mainam na maging realistic na lang tayo, di ba? Wag na piliting maging ikaw 'yung hindi ikaw. Di naman ako ang magmu-mukhang timang, ikaw naman di ba?

Nakaka-suya kasi. Nakakapang-gigil. Nakaka-ubos ng debosyon kay Santa Monica (patron saint for patience) ang mga kaibigan, kaaway o estrangherong sobrang mga paandar. Pasosyal. Pinipilit nila na naturalesa sa kanila ang pagiging-posh, english-english pa sa Facebook, sa Twitter, sa opisina at sa harap ng mga kaibigan.. bagkus naka-kunyapit naman sa istribo ng siksikang bus pag umuuwi. Gets n'yo? Hindi ako galit na may masaya sa ginagawa nila, may bagay lang na dadalhin mo 'yan pag mag-isa ka na lang. Mapapa-isip ka, aware ba itong mga feelers na 'tong alam ko kung gaano sila ka-jologs (tulad ko) sa totoong buhay, o hanggang ngayon kala nila napapa-ikot nila ko sa kamay nila't naniniwala akong likas silang pinalaki na may pilak sa ngala-ngala?

Unlike sa mga pa-sosyal na inuubos ang energy patunayan sa social networking sites ang mga detalyeng magpapamukha sa kanilang may mga sinabi sila sa buhay, trying hard din na matatawag ang mga true-blooded sosyal. I mean 'yung mga humble lang at 'yung hindi biglang-yaman. Ang mga natural na rich, ipinopost lang ang mga pruwebang magpapamukha sa kanilang tipikal. Pero kahit anong pagpapa-kengkoy ang gawin nila, lumalabas ang natural. It's funny how we all try so hard.






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...