19.4.13

A Mermaid Story


 A pinch of chinese seasoning mixed with spanish salt and poured in a Filipino pot. My maternal grandma is a second wife of a chinese businessman. Ever since, I haven’t seen my grandpa and it was my lola who took over on raising my mom and her siblings. You know the typical “chinoy” family stories here in the Philippines? Ganun. That’s us. So sila Mama pala dati yung unang talunan na nakikiamot ng atensyon sa pinaka-patriyarka ng angkan. Sila daw yung nasa labas ng gate along with the third family, na hindi agad pinagbubuksan ng maid, tuwing bibisitahin ang lolo dahil inutusan daw s’ya “ni ma’am” na tagalan n’ya. Pero hindi sinanay ni Lola ang mga anak n’ya na mag-expect sa kanila. Hindi sila tinuruang magtanim ng galit, natutunan na lang nilang magkakapatid nang kusa.




Bago ko pa lang nalalaman lahat yan. Actually, wala pang kalahati ng buhay ko. Mga 10 years ago ko pa lang kase nakilala si Mama. She left us when I was 3. 8 yrs old si Kuya that time at yung Papa ko ang nagbuno (kamusta naman ang nagbuno) ng lahat ng hirap, mapalaki lang kami ng may disenteng edukasyon. Sadly, dahil sa bisyo (alak) at sobrang kasipagan na halos pabayaan na n’ya ang sarili n’ya, namatay din si Pop nung 9 yrs old ako. Brain tumor.

Nagpalipat-lipat kami sa mga tiyahin na posibleng kumupkop sa aming magkapatid. Alam mo yung parang bagito pa lang sa cupcake business tas nagpapa-taste test sa mga namamalengke para sumikat ang tinapay n’ya via word of mouth? Ganun. Pa-bibo. Hala sige.. split, talent portion, mataas na grades, katulungin mo ko. Sige pa, masahe pa. Lol. Wala naman akong masasabing hindi maganda sa mga kamag-anak kong iyon. Isipin mo na lang, hindi naman nila kailangang abalahin pa ang sarili nila para kupkupin kami. Binigyan nila kami ng maayos na tutulugan, tig-isang kama pa, sapat na makakain at pinag-aral.


Kaya lang, halos 10 taon na din ngayon na hindi kami nagkikibuan. E ganun e. Mabilis naman ako magpatawad. Napatawad ko na sila. Lalo pa’t hindi lang naman sila ang may pagkakamali. 14 years old ata ako. Katorse pa lang ako nung nag-stow away ako.  Naglayas ako pagkatapos ng sobrang daming pangyayari at hinanap ang biological mom ko. Naiintindihan ko na ang mga “magulang” kahit totoo man o hindi ay may kanya-kanyang pamamaraan ng approach yan. Pangit namang mamasamain ko sila sa kabila ng lahat, di ba? Mas pangit din namang aangkinin kong ako ang sobrang masama. Siguro it’s safe to say na bata pa ako masyado noon. At ayoko ng ideyang na-instill sa akin na wala akong patutunguhan. Na hanggang dito lang ako. Kung may natitira ngayong tampo siguro kase sila ang nagpapa-alala sa aking kahit kailan.. hindi ako magiging mabuting tao.

Malamang iniisip nila na mapagmalaki ako. Pero at least napatunayan ko sa sarili kong hindi ako masama. Tiniis ko yun nang walang kahit na anong support system. Mas frustration pa nga nung makilala ko ang pamilya ng tunay kong mom along with our extended family. Okay lang naman. Pero mas hindi matatawaran ang discrimination pag nasasabi sa iyo ng tuwiran ang panlilibak. Hindi nga naman nila ako palaki kaya hindi dapat sila ang mag-adjust sa kung anong mga gusto kong gawin. Tapos Chinese pa sila. Malas daw.
 

Ten years of being independent, hindi ko naman masasabing naging sobrang successful ako sa buhay. Pero nairaos kong mag-isa ang pag-aaral ko. Wala pa akong masyadong masasabi pero may trabaho akong marangal at nabibili ko ang mga bagay wether kailangan ko o gusto.

        Mahirap mabuhay sa sobrang pagpi-pressure sa sarili. Kinailangan kong tumanda, magmature nang matulin para magkaroon ako ng kakayahang magdesisyon at alagaan ang sarili ko. Tuwing may blessing, it’s always do or die. If I want or need something, there is a golden rule not to screw everything up, not even once. Tulad sa larong chinese garter, bawal magkamali kasi kung ma-dead ako agad, walang “magsasagip-buhay” sa akin. Alam mo pa ba 'yung sa ten-twenty dati: "Yes lahat-lahat, Dead mother, tira baby." Si Bro lang ang matapang na hindi ako binitawan hanggang sa huli. Utang ko kay Bro ang lahat, kung wala S'ya waley ako.

Sa matitinding pagsubok hangga’t kaya ko, papasanin ko lahat yan. Dun naman sa mga problemang walang-wala ako magawa, nagpiplay-dead ako (?!). I mean tinutulugan ko na lang. Ipapagpabukas na lang para makahalata  at s’ya na mismong mahiya na dini-deadma ko lang s’ya. Effective naman. Pag tatlong araw na hindi pa kumakain, magmeryenda. Pag gutom ulit at hindi na naman kasya ang pera pangdinner, e di magmeryenda uli! Meryenda lang ng meryenda. Sa isip ko, pasasaan ba't makakakain din ako ng totoong meal. Pag may sakit at hindi dapat mabawasan ang sweldo kaka-absent, babangon.. magjo-jogging.. papasuin ang dila sa noodles.. para lang pagpawisan at mawala ang trangkaso. Suko na ang trahedya sa buhay ko. S’ya na ang makapal ang mukha pag hindi pa din n’ya tinapos ang sarili n’ya.




“Ginamit ko ang pagiging bading ko, para gumawa ng mabuti.”


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...