Exactly one year ago, sa mismong opisinang pinanggalingan ko bago ang
pinagtatrabahuhan ko ngayon, tumatagos sa lahat ng taong tignan ang tanaw ko.
Tulad ng iba, nakaupo din ako sa harap ng computer, nagpapanggap na
abala tuwing may napapadaang supe, inuubos ang natitirang
segundo ng sinusulit na terminal break. Nawi-wirduhan
na sa akin yung mga ahente sa kabilang campaign dahil para daw
akong tinakasan ng kaluluwa sa sariling katawan.
“KINILAW NA DILA. Hmmm,” Tas sabay-tingin ko sa katabi kong si Kath na patago kunwaring nagbubukas ng facebook sa pc n’ya e obvious naman kahit itanim n’ya yung logo sa task bar, kita pa din, (Krimen daw ang magbukas ng 3rd party website sa opisina. Thus, kriminal ang lahat ng empleyado sa floor!) I’ve been contemplating kung alin between this name and 'The Third World Bully' ang pipiliin ko. “Tama, Kinilaw Na Dila ang magiging pangalan ng unang blog ko.” Sa unang pagkakataon nilingon ko kung ano nang progreso sa krimen na ginagawa ni Kath. Ayun, tulad pa din ng dati puro fan sites pa din ng mga Kpop boybands ang bina-browse n’ya. “Catchy? Oo. Pero vague, di ko maintindihan. Tungkol san ang mga isusulat mo dun? Anong magiging mga laman nun? Ba’t kinilaw? Ba’t dila?”
That’s the point, ang wag maging madaling maintindihan. Hindi dapat masyadong magive-away sa
tao yung magiging blog name ko at ang mga ilalaman
ko. Hindi baleng ako at yung ibang kasin-dunong ko na lang ang makaintindi kung
bakit ganun ang itatawag ko. Hindi ako magiging sobrang generous sa kung anung thoughts ang
mga ipagdadadaldal ko dito. Tama nang kami-kami na lang ng mga taong kaparehas
ko mag-isip ang magkaintindihan sa mga gusto naming sabihin.
Kontrobersyal. Totoo. Taklesa. Nakakaasiwa. Hindi man direkta, ngunit makakapanakit. Laging para sa katotohanan pero hindi laging para sa kung anong tama't normal. Para sa kabutihan pero alam kong hindi ako laging papanigan. Manunuligsa, manghuhusga, magpapasaya at
hinding-hindi magpapa-api. Kinilaw na dila. Metaphor na inimbento ko lang para idescribe ang sarili kong katabilan. Mga prinsipyong iiimpose ko sa ayaw man at sa gusto ng mga readers bilang ako naman talaga itong blogger. Naks! Did I just call myself a "blogger"?
Sa
mundong 'to, hindi lahat ng tao magugustuhan kung pano ka nag-eexist,
nagre-react, nagsa-salita o nag-iisip. Prinsipyo ko yung wag hayaang
may isang tao na babago sa'kin.. dahil sa OC lang s'ya. Anumang pananaw
ko, kung feel ko man mag-ininggles kahit mali-mali ang grammar ko, kahit
magsinayaw ako ng maliksi sa napakabagal na tugtog, agree
man s'ya o hindi sa mga sinasabi ko, naiirita man s'ya o natatawa. I
couldn't care
less. Asakin na 'yung responsibilidad, may masagasaan man ako o wala.
Hindi ko sisisihin ang sinuman kung ikabuti ko o ikasama ang bawat
choices na napili ko.
Say anything you want, but don't take away my civil rights.
This is me. Deal with it. :))
This is me. Deal with it. :))
P.S. Salamat
sa Plan 1299 ng Globe DSL at pagkatapos ng isang taon ay
naisakatuparan ko na din ang alam kong sa future ay matatawag
kong baby. It's my Day 1 of blogging shit today! Hopefully, I can post on
a regular basis.
Clap clap! Happy anniversary!
TumugonBurahinNanangkupo. Antagal na pala ng comment na 'to.
BurahinMilnwebesyentos pa. Hehe. Salamat.